BLAA BLAA
23/02/2026
23/02/2026
Umulan kanina.
Tahimik lang ako sa tindahan, bumibili ng bigas. Sa unahan ko, may isang matandang babae. Payat. Basa ang tsinelas. Halatang galing sa malayo.
Sabi niya sa tindera,
“Teh… magkano na ang isang kilo?”
“₱62 po.”
Tumahimik siya. Parang may kinakalkula sa isip.
Pagkatapos, dahan-dahan niyang binuksan yung lumang pitaka niya. Yung tela, kupas na. Parang ilang taon nang ginagamit.
Binilang niya ang laman.
Bente.
Trenta.
Kwarante.
Singkwenta.
Huminto siya.
“Teh… kalahati na lang po.”
Habang sinasalin ng tindera yung bigas sa plastic, napansin ko nanginginig yung k**ay niya. Hindi ko alam kung dahil sa lamig o sa gutom.
Pagkabigay sa kanya, niyakap niya yung maliit na plastic ng bigas… parang sobrang halaga.
Paglabas niya, nadaanan niya ang isang batang babae sa labas ng tindahan. Siguro apo niya.
“Lola, may kanin na tayo?” tanong ng bata.
Ngumiti siya.
“Oo, meron na.”
Pero napansin ko… hindi siya sumabay maglakad agad. Tumigil siya sandali. Tumingin sa langit. Pumikit.
Parang pinipigilan yung luha.
Doon ko na-realize…
May mga taong hindi umiiyak dahil mahina sila.
Umiiyak sila dahil kailangan nilang maging matatag para sa iba.
Sa bawat butil ng bigas, may kwento ng laban.
At may mga lola… na pipiliing magutom, huwag lang ang apo nila.
Kung may kanin ka ngayon, sana maalala mo sila.
“AFAM Kong Akala Ko Artista”
Isang araw, nagpost si Jenny ng selfie sa Facebook.
Caption: *“Simple lang, walang makeup.”*
Tatlong likes. Isa galing sa mama niya, isa sa pinsan niya, at isa sa sarili niyang dummy account.
Nalungkot siya.
Pero makalipas ang ilang minuto *TING!*
May notification.
**John Smith reacted ❤️ to your photo.**
Napakunot ang noo ni Jenny.
“Ha? Sino ‘to?”
Binuksan niya ang profile.
AFAM.
Maputi. Matangos ang ilong. Blue eyes. Nasa beach ang profile picture.
Parang artista.
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.
After few seconds
**John Smith sent you a message.**
“Hello beautiful 😍”
Nanlaki ang mata ni Jenny.
“Beautiful?? AKO??”
Hindi siya agad nagreply. Kailangan niya muna magpanggap na busy.
After 10 minutes, nagreply siya.
“Hello din po 😊”
Sumagot agad si John.
“Where are you from?”
Nagpanic si Jenny.
Nag-English siya gamit ang lahat ng natutunan niya sa elementary.
“I am from Philippines. I am live in small but beautiful country side with many coconut and chicken.”
Nagreply si John.
“Wow nice. I want visit Philippines someday.”
Biglang tumayo si Jenny.
“AY LORD, MAGPAPAKASAL NA ATA AKO.”
Kinabukasan, nagpost agad siya:
*“Good morning ☀️ Life is beautiful.”*
May heart agad si John.
After one week, araw-araw na silang magkausap.
Kinukwento niya sa mga kaibigan niya.
“Girls, AFAM na ako.”
“Talaga ba??”
“Oo. Mukha siyang mabait. Tapos sabi niya, magvisit daw siya dito.”
“AY SHET. ANGAT BUHAY KA NA.”
After two weeks, nag message si John:
“Can you send me load? My phone no balance.”
Huminto si Jenny.
“Ha?”
Pero dahil mahal na niya (kahit chat pa lang), nagsend siya ng ₱100 load.
Kinabukasan
“Can you send again load?”
Nagpadala ulit siya.
₱100.
Hanggang naging ₱500.
Hanggang naging ₱1,000.
Isang araw, nag-video call si John.
Kinilig si Jenny.
Sinagot niya agad.
Pagbukas ng camera
Nanlaki ang mata niya.
Hindi AFAM.
Isang lalaking Pinoy. Naka-sando. May electric fan sa likod.
“Hello beh,” sabi nung lalaki.
Natulala si Jenny.
“IKAW SI JOHN SMITH?!”
Ngumiti yung lalaki.
“Oo beh. Pero tunay kong pangalan… Junel. Taga-Cavite.”
Natahimik si Jenny.
“Eh bakit AFAM ka sa profile?!”
Sumagot si Junel.
“Mas mabilis kasi magka-load.”
Blinaock siya ni Jenny agad.
Kinagabihan, nagpost si Jenny:
*“Lesson learned: Hindi lahat ng AFAM, AFAM talaga. Minsan… AFAM pala means ‘Ate, Fictitious Account ‘Yan.’”*
Since that day…
Hindi na siya basta-basta kinikilig.
Pero hanggang ngayon…
Kapag may nag-heart na AFAM sa post niya
Binubuksan pa rin niya profile.
Just in case…
Totoo na this time.
22/02/2026
“Isang Kandila”
“Ma, kailan po birthday ko?”
Huminto si Aling Rosa sa paghuhugas ng pinggan. Saglit siyang natahimik, saka tumingin sa anak niyang si Ben na nakaupo sa sahig, may hawak na lumang laruan na wala nang isang gulong.
“Bukas, anak,” mahinang sagot niya.
Ngumiti si Ben. Yung ngiting puno ng inosenteng pag-asa.
“Magkaka-cake po ba ako?”
Parang may kumurot sa dibdib ni Aling Rosa.
Cake.
Simpleng bagay para sa iba. Pero para sa kanila, isa iyong pangarap.
Pinilit niyang ngumiti.
“Tingnan natin, anak.”
Pero alam niya ang totoo.
Wala siyang pera.
Maghapon siyang naglaba sa kapitbahay, pero ang kinita niya, sapat lang para sa bigas at kaunting tuyo. Kahit kandila, hindi niya kayang bilhin.
Kinagabihan, natulog si Ben na may ngiti sa labi.
Si Aling Rosa, hindi.
Tahimik siyang umiyak habang nakaupo sa tabi ng anak niya.
“Pasensya ka na, anak…” bulong niya.
Kinabukasan, nagising si Ben nang maaga.
“Ma, birthday ko na!”
Tumango si Aling Rosa, pilit na masaya.
“Happy birthday, anak.”
Nag-almusal sila ng kanin na may asin.
Hindi nagreklamo si Ben.
Hindi siya humingi ng cake.
Hindi siya humingi ng regalo.
Ngumiti lang siya.
Lumipas ang maghapon.
Pagsapit ng gabi, napansin ni Ben na tahimik ang mama niya.
“Ma, okay lang po ako,” sabi niya.
Lumuhod si Aling Rosa sa harap niya. “Anak, pasensya ka na… wala akong cake para sa’yo.”
Ngumiti si Ben.
“Okay lang po, Ma.”
Lumapit siya sa mesa. May dala siyang maliit na tinapay na galing sa kapitbahay—binigay daw dahil birthday niya.
Inilapag niya iyon sa gitna.
Kumuha siya ng posporo.
Sinindihan niya ito.
At itinayo sa ibabaw ng tinapay.
Isang maliit na apoy.
Parang kandila.
“Ma,” sabi niya, mahina, “okay na po ‘to. May cake na ako.”
Nabasag ang puso ni Aling Rosa.
Hindi na niya napigilan ang luha.
“Anak…”
Ngumiti si Ben.
“Make a wish daw po, diba?”
Pumikit siya.
Tahimik.
Pagmulat niya, hinipan niya ang apoy.
Namatay ang liwanag.
Pero ang sinabi niya pagkatapos ang lalong nagpadurog sa puso ng mama niya
“Wish ko po… sana po, si Mama naman ang sumaya.”
Hindi na napigilan ni Aling Rosa ang sarili.
Yinakap niya ang anak niya nang mahigpit.
Sa gabing iyon, wala silang totoong cake.
Walang handa.
Walang pera.
Pero may isang batang hindi humiling ng laruan.
Hindi humiling ng regalo.
Kundi kaligayahan…
Para sa taong araw-araw nagsasakripisyo para sa kanya.
22/02/2026
“Bakit Mo Ako Pinabayaan?”
Umuulan nang malakas noong araw na iyon. Parang nakikiiyak ang langit para kay Mara.
Nakaupo siya sa malamig na sahig ng ospital, yakap ang tuhod, habang pinagmamasdan ang puting kurtina na naghihiwalay sa kanya at sa kaisa-isa niyang dahilan para lumaban ang anak niyang si Joshua.
Pitong taong gulang pa lang si Joshua. Pitong taon pa lang siyang nakangiti sa mundo. Pitong taon pa lang siyang tinatawag na “Mama.”
At ngayon, nakahiga siya roon. Walang malay. Walang galaw.
Mahigpit na pinisil ni Mara ang maliit niyang rosaryo. Ilang gabi na siyang hindi natutulog, ilang gabi na siyang umiiyak, ilang gabi na siyang nakaluhod.
“Lord… kahit ako na lang po. Huwag na ang anak ko. Kunin Mo na lang po ako…”
Pero nanatiling tahimik ang langit.
Naalala niya pa kung paano siya nanalangin noon. Araw-araw. Buong puso. Buong tiwala. Kahit mahirap ang buhay, kahit kulang ang pera, kahit mag-isa niyang pinalaki si Joshua matapos silang iwan ng ama nito hindi siya nagalit sa Diyos.
“May plano Ka po,” lagi niyang sinasabi sa sarili.
Pero ngayon… nagsisimula na siyang magduda.
Lumabas ang doktor. Mabagal ang lakad. Mabigat ang mukha.
Doon pa lang, parang may humila na sa puso ni Mara pababa.
“Ma’am…” mahinang sabi ng doktor.
Hindi na niya kailangan marinig ang kasunod.
Parang gumuho ang mundo niya sa isang iglap.
“Hindi po namin siya nailigtas.”
Biglang tumahimik ang lahat. Ang ulan. Ang hangin. Ang mundo.
At si Mara… hindi siya agad umiyak.
Nakatulala lang siya. Walang emosyon. Walang reaksyon.
Hanggang sa maramdaman niya ang lamig.
Ang lamig ng pagkawala.
Unti-unti siyang tumingala sa kisame.
“Bakit?” bulong niya.
Humigpit ang hawak niya sa rosaryo.
“Bakit Siya pa?”
Napaluha na siya. Hindi na mahina. Hindi na pigil.
Galit na. Wasak na.
“Araw-araw akong nagdasal!” sigaw niya. “Araw-araw akong naniwala!”
Napahagulgol siya.
“Bakit hindi Mo ako pinakinggan…?”
Unti-unti niyang binuksan ang palad niya.
At doon… binitawan niya ang rosaryo.
Tumunog iyon sa sahig, isang maliit na tunog, pero parang iyon ang tunog ng pananampalataya niyang nabasag.
Lumipas ang mga araw.
Tahimik na ang bahay. Wala nang tawa. Wala nang “Mama.” Wala nang yakap.
At gabi-gabi, nakaupo si Mara sa k**a ni Joshua.
Wala nang dasal.
Wala nang paniniwala.
Kundi isang tanong na paulit-ulit sa puso niya...
“Kung nandiyan Ka… bakit hinayaan Mong mangyari ito?”
At sa unang pagkakataon sa buong buhay niya…
Hindi na siya sigurado kung may nakikinig pa.
11/02/2026
“Hindi Ako Kabit… Consultant Lang”
Si Jen, 29, HR assistant sa isang maliit na kumpanya. Single. Independent. May sariling Shopee cart na hindi niya naman chine-check out.
Nakilala niya si Mark sa team building.
Matangkad. Mabango. Marunong magluto (ayon sa kanya). At higit sa lahat marunong makinig sa rant niya tungkol sa toxic applicants.
“Hiwalay na kami ng asawa ko,” sabi ni Mark habang nag-iihaw ng hotdog.
“Co-parenting na lang.”
Red flag? Oo.
Pero dahil marupok si Jen at libre ang hotdog, sige.
Nagsimula sa chat.
“Good morning.”
“Have you eaten?”
Hanggang sa “Miss na kita.”
Pero may kakaiba kay Mark.
Hindi siya pwedeng tawagan pag 8PM onwards.
Hindi siya pwedeng i-tag sa Facebook.
At hindi sila pwedeng mag-date sa mall malapit sa subdivision niya.
“Trauma lang ‘yan,” sabi ni Mark. “Ayoko ng gulo.”
Isang Sabado, nagyaya si Jen ng biglaang video call.
Sinagot ni Mark.
Sa background, may sumigaw:
“MARK! HAWAK MO BA YUNG DIAPER BAG?!”
Namilog ang mata ni Jen.
Sumilip ang isang batang naka-sando sa camera.
“Papa, sino kausap mo?”
Tahimik.
Parang nag-freeze ang wifi.
“Pinsan ko,” sabi ni Mark sabay patay ng call.
Pinsan.
Na may “Papa” na tawag.
Kinabukasan, nag-message si Mark ng mahaba:
“Hindi pa legal ang separation namin. Pero ikaw talaga mahal ko.”
Classic.
Nagkita sila para mag-usap.
“Jen, ikaw ang pahinga ko.”
Napaisip siya.
“Mark, kung pahinga ako, bakit ako yung pagod?”
Tahimik si Mark.
“Hindi ako kabit,” dagdag ni Jen. “Consultant lang ako. Tinutulungan kitang magdesisyon kung sino iiwan mo. At mukhang ako rin ang magde-decide para sa’yo.”
At doon, iniwan niya si Mark sa parking lot, hawak ang helmet at ego.
Pag-uwi niya, umorder siya ng milk tea.
Inopen niya ang Shopee cart niya.
Nag-check out siya ng bagong bedsheets.
Kasi kung may papasok man sa buhay niya ulit, siguraduhin niyang walang asawa, walang diaper bag, at walang “pinsan” na tatawag ng papa.
Minsan, hindi ka talo dahil iniwan ka.
Panalo ka kasi hindi mo hinintay na gawing official ang pagiging kabit mo.
11/02/2026
“Sa Gilid Lang”
Hindi niya ginustong maging kabit.
Pero hindi rin niya tinanggihan.
Si Mara, 27 anyos, call center agent. Night shift. Pagod sa buhay, pagod sa bills, pagod sa paulit-ulit na “strong independent woman” na label ng mga tao. Mag-isa lang siya sa inuupahang studio apartment. Tahimik. Masyadong tahimik.
Doon niya nakilala si Adrian.
Maayos manamit. Mabait. Marunong makinig. Hindi tulad ng ibang lalaki na puro katawan ang tingin. Kay Adrian, pakiramdam ni Mara may halaga siya.
“Hiwalay na kami ng asawa ko,” sabi nito isang gabi habang magkausap sila sa parking lot. “Para na lang kaming roommates.”
Alam ni Mara na red flag ‘yon.
Pero sa dami ng gabing mag-isa siya, mas malakas ang lungkot kaysa sa konsensya.
Nagsimula sa kape.
Nauwi sa hatid-sundo.
Hanggang sa naging “kumain ka na ba?” at “ingat ka pauwi.”
Isang araw, habang magkasama sila sa mall, may batang tumakbo papunta kay Adrian.
“Papa!”
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ni Mara.
Kasunod ng bata, isang babaeng pagod ang mukha pero matatag ang tindig.
Asawa.
Hindi “roommate.”
Hindi “hiwalay.”
Buong pamilya.
Hindi nag-eskandalo ang babae. Hindi siya sinampal. Hindi siya minura.
Tinitigan lang siya nito.
“Alam mo bang may pamilya siya?”
Walang maisagot si Mara. Kasi sa totoo lang… alam niya. Hindi buo ang kwento, pero alam niyang may sabit.
Umuwi si Mara na parang may nakadagan sa dibdib. Sa unang pagkakataon, hindi siya ang kawawa.
May batang tatawag ng “Papa” sa lalaking hiniram niya.
At may babaeng gabi-gabing naghihintay sa lalaking kinukuha niya sa “stress.”
Kinabukasan, nag-message si Adrian.
“Sorry sa nangyari. Nagulat lang sila. Ikaw pa rin ang mahal ko.”
Dati, kikiligin siya.
Ngayon, parang nasusuka siya sa sariling desisyon.
Hindi pala masarap ang maging sikreto.
Hindi pala nakakatuwa ang “ikaw ang pahinga ko.”
Kasi ang pahinga, hindi tinatago.
Tinawagan niya si Adrian.
“Hindi ako kabit dahil mahal kita,” sabi niya, nanginginig ang boses. “Kabit ako dahil pinayagan ko.”
At sa unang pagkakataon, siya mismo ang umalis.
Masakit. Oo.
Pero mas masakit pala ang manatili sa relasyon kung saan sa gilid ka lang palagi.
Sa social media, may mga taong magko-comment ng:
“Deserve.”
“Homewrecker.”
“Malandi.”
Pero walang nakakaalam kung gaano kalungkot ang maging second choice.
Hindi tama ang pagiging kabit.
Pero hindi rin laging simpleng kwento ng malandi at legal wife.
Minsan, kwento rin ito ng taong naghahanap lang ng pagmamahal sa maling lugar.
At minsan, ang pinak**atapang na desisyon ay ang umalis, kahit ikaw ang maiwang mag-isa.
11/02/2026
''Hindi Lahat ng Mahirap, Tamad”
Trending sa barangay ang balita: may nahuling nagnakaw ng delata sa maliit na grocery.
Alam ng lahat kung sino.
“Anak ni Mercy ‘yan, ‘di ba?” bulong ng mga kapitbahay.
“Hindi na ako magtataka. Ganyan talaga pag mahirap.”
Si Liza ang tinutukoy nila.
Pero walang nakakaalam ng buong kwento.
Tatlong araw nang walang pasada si Mang Joel dahil sira ang tricycle. Tatlong araw na lugi ang tinda ni Aling Mercy dahil may bagong tindero sa kabilang kanto. Tatlong araw na noodles at asin ang ulam nila—hanggang sa maubos.
At noong gabing iyon, mataas ang lagnat ni Carlo.
“Ma… gutom…” mahinang sabi ng bata.
Walang laman ang lalagyan ng bigas. Wala na ring mauutangan—lahat pagod na sa “sa susunod na bayad na lang.”
Lumabas si Liza. Hindi para magnakaw.
Mag-aapply sana siya ng part-time sa grocery. Kahit taga-ayos ng kahon, papatusin niya. Pero sarado na. Sa gilid ng pinto, may kahon ng mga delatang may yupi—mga for disposal.
Kinuha niya ang isa.
Isang piraso.
Hindi para sa sarili niya. Para sa kapatid niyang nanginginig sa lagnat.
Pero nakita siya ng guard.
Kinabukasan, hindi lang siya “honor student.”
Isa na siyang “magnanakaw.”
Walang nagtanong kung bakit.
Walang nagtanong kung kumain na ba sila.
Mas mabilis ang tsismis kaysa sa awa.
Hindi pumasok si Liza sa school kinabukasan. Hindi dahil guilty siya. Kundi dahil mas mabigat ang tingin ng tao kaysa sa gutom.
Habang umiiyak si Aling Mercy sa sulok, si Mang Joel tahimik lang. Tahimik na parang may dinudurog sa dibdib.
“Kasalanan ko ‘to,” bulong niya. “Kung kaya ko lang…”
Pero kinagabihan, may kumatok.
Ang may-ari ng grocery.
“Binalikan ko ang CCTV,” sabi niya. “Yung kahon na ‘yun, itatapon na dapat. At nakita ko rin… bumalik ka para magbayad gamit ang bente mong baon.”
Tahimik ang lahat.
Iniabot niya ang sobre kay Liza.
“May scholarship program kami para sa working students. Interesado ka?”
Hindi agad nagsalita si Liza. Nanginginig ang k**ay niya—hindi sa takot, kundi sa halo-halong hiya at pag-asa.
Sa labas ng bahay, naririnig pa rin ang bulungan.
Pero sa loob, may isang pamilyang muling humihinga.
Hindi lahat ng mahirap, tamad.
Hindi lahat ng nadadapa, magnanakaw.
At hindi lahat ng kwento, alam ng mga taong mahilig manghusga.
Minsan, isang delata lang ang pagitan ng dangal at desperasyon.
At minsan, isang taong marunong umintindi ang kailangan para mabago ang takbo ng buhay.
11/02/2026
Sa Ilaw ng Kalsada”
Alas-singko pa lang ng umaga, gising na si Aling Mercy. Hindi dahil kumpleto ang tulog niya, kundi dahil kailangan. Sa maliit nilang barong-barong na gawa sa pinagtagpi-tagping yero at kahoy, unang maririnig ang kalansing ng kaserola at ang mahinang pag-ubo ng bunso niyang si Carlo.
“Ma, may kanin pa ba?” tanong ni Liza, panganay na Grade 10.
Tiningnan ni Aling Mercy ang kaldero. May isang tasa pa ng bahaw. “Pagkasyahin natin. Hati-hati tayo. May sabaw pa ng noodles kagabi.”
Sanay na sila sa ganon. Hati-hati. Tipid-tipid. Hinto muna ang luho, kahit simpleng hotdog lang.
Si Mang Joel, asawa niya, maagang umaalis para maghanap ng pasada. Tricycle driver siya, boundary pa. Kapag umuulan, matumal. Kapag may sakit, walang kita. Isang beses nang na-confiscate ang prangkisa dahil kulang ang bayad sa hulog. Ilang linggo silang nanghiram sa kapitbahay para may pambili ng bigas.
Pag-alis ni Mang Joel, si Liza naman ang naglalakad papuntang eskwela. Tatlong kilometro, tsinelas ang suot. Minsan, naiinggit siya sa kaklase niyang may bagong sapatos at baon na burger. Pero hindi siya nagrereklamo. Ang reklamo, sabi ng nanay niya, hindi nakakabusog.
Pagdating ng tanghali, si Aling Mercy naman ang maglalako ng banana cue sa labas ng terminal. May mga araw na mabenta, may mga araw na hindi. Kapag hindi naubos, yun na ang hapunan nila. Hindi siya nahihiya sumigaw ng “Banana cue, sampu lang!” Kahit may nakakakilala sa kanya. Mas nakakahiya raw ang walang maipakain sa anak.
Isang gabi, nagbrownout. Madilim sa buong eskinita. Sa ilaw ng kandila, nag-aaral si Liza. Pinipilit intindihin ang algebra kahit gutom. Narinig niya ang usapan ng mga magulang niya sa labas.
“Joel, kulang pa rin ang pambayad sa kuryente,” mahina pero mabigat ang boses ni Aling Mercy.
“Mag-overtime ako bukas. Kahit maghapon sa terminal,” sagot ni Mang Joel. “Basta makatapos lang si Liza. Ayoko maranasan niya ‘to.”
Tahimik si Liza, pero may luha sa pisngi. Hindi dahil sa hirap. Kundi dahil alam niyang pagod na pagod na ang mga magulang niya.
Minsan, may pagkakataong kailangan niyang hindi pumasok para bantayan si Carlo kapag may lagnat. Minsan, siya ang naglalaba ng damit ng kapitbahay kapalit ng kaunting bayad. Hindi niya ikinahihiya ang kalyo sa k**ay. Mas ikinahihiya niya kung susuko siya.
Lumipas ang mga taon na parang paulit-ulit na eksena—utang, bayad, kulang, tiis. Pero sa bawat kulang, may konting pag-asa. Nakatapos si Liza ng senior high na may honors. Hindi pinak**ataas, pero sapat para makakuha ng scholarship sa state university.
Noong araw ng graduation, suot niya ang hiniram na toga. Nasa gilid ng covered court ang mga magulang niya—simple ang damit, pawis, pero proud na proud.
“Ma, Pa,” sabi ni Liza habang yakap ang diploma, “kayo ‘to.”
Umiyak si Aling Mercy. Hindi dahil mayaman na sila. Hindi dahil tapos na ang problema. Alam niyang bukas, magtitinda pa rin siya ng banana cue. Si Mang Joel, maghahanap pa rin ng pasada.
Pero sa unang pagkakataon, hindi na lang ilaw ng kandila ang nagbibigay-liwanag sa kanila. May pangarap na.
At sa eskinita kung saan dati puro reklamo at pagod ang naririnig, may isang pamilyang tahimik na lumalaban—hindi perpekto, hindi marangya, pero totoo.
Dahil ang kahirapan, hindi lang kwento ng gutom. Kwento rin ito ng pagbangon, kahit paulit-ulit kang nadadapa.
05/02/2026
Sometimes, some things,, some situations are difficult,
but there's always a possibility of things becoming alright, you just have to have a steady faith in Him whose name is Jesus! 🙏❤️🌹
just have to have a steady faith in Him whose name is Jesus! 🙏❤️🌹
03/02/2026
Dear God,
Thank You for the gift of a new day and for the grace that has brought us here. Thank You for waking us up and giving us another opportunity to live with purpose.
As we step into today, we place everything in Your hands. Guide us, order our steps, and help us make wise choices. Where we feel unsure, give us clarity. Where we feel tired, renew our strength. Where our hearts feel heavy, fill us with Your peace.
We ask this through Jesus Christ our Lord, Amen🙏
02/02/2026
Good morning
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Culinary Team
Attire
Website
Address
Malaybalay