MLHC Ordovilla

MLHC Ordovilla

Share

Photos from MLHC Ordovilla's post 06/05/2026

Sama-samang pagsamba sa Diyos na buhay ✨

Noong May 01, bilang panimula ng ika-73rd Founding Anniversary ng Barangay Ordovilla, isang mapagpalang gabi ang ating naranasan sa ginanap na Evangelism Service sa ating barangay court. Tunay ngang kahanga-hanga ang kilos ng Diyos sa bawat pusong dumalo, may mga napukaw, napalakas, at muling nag-alab ang pananampalataya. πŸ™Œ

Sa gitna ng ating pagkakaisa, napatunayan natin na walang imposible kapag ang Diyos ang sentro ng ating pagsamba. Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi, tumulong, at sumuporta sa gawaing ito.

Patuloy tayong magkaisa sa paglilingkod at ipalaganap ang Kanyang pag-ibig sa ating komunidad. πŸ’›

Photos from MLHC Ordovilla's post 20/02/2026

LOVE MOVES FIRST | Hearts Day Fellowship 2026 πŸ’–
(1 Juan 4:16–20)

Noong nakaraang Linggo, naranasan nating muli ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa ating Hearts Day Fellowship. Sa pamamagitan ng mga awitan, pagbabahaginan, at Kanyang Salita, tunay na napuno ng kagalakan at inspirasyon ang bawat isa. ✨

Sa pamamagitan ng mensaheng ibinahagi ng ating mensahera na si Ate Marithel M. OrdoΓ±a, mas naunawaan natin na ang pag-ibig ay hindi lamang salita, ito ay kilos. Ang Diyos ang unang nagmahal sa atin, kaya tayo rin ay tinatawag na magmahal, magpatawad, at maglingkod sa iba. πŸ™

Isang makabuluhang pagtitipon na muling nagpaalala sa atin na ang pag-ibig ng Diyos ang ating lakas, gabay, at dahilan upang patuloy na kumilos sa pananampalataya.

Photos from MLHC Ordovilla's post 20/02/2026

πŸŽ‰ Games and Raffles | Hearts Day Fellowship 2026 ❀️

Napuno ng saya, tawanan, at excitement ang ating Hearts Day Fellowship sa pamamagitan ng mga inihandang games at raffles. Ang bawat isa ay nakilahok, nakisaya, at nag-enjoy sa mga gawain na lalong nagpatibay ng ating samahan. ✨

Hindi lamang ito tungkol sa mga premyo, kundi sa masasayang alaala at pagkakaisang ating naranasan. Tunay ngang ang araw na ito ay puno ng saya at pag-ibig, dahil Love moves first. ❀️

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Victoria?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Brgy Ordovilla, Victoria Oriental Mindoro
Victoria
5205