Pinoy Horror Story
Hi ako nga po pala si krista,
noon lakwatsera ako, party girl yun nga kung saan yung magandang puntahan pinupuntahan namin kahit malayo;;
di namn ako natatakot kase marami namn kami, at kasama ko namn ang boybestfriend ko si "babe😍"
isang araw nun(biyernes) napag desisyohan naming magtungo
sa isang tagong ancestral house sa isang malayong probinsya;;
although maraming sabi2x tungkol sa lugar nayun, hindi kami natakot kasi akala namin marami kaming pupunta
nasa terminal na kami ng bus ng tumawag yung mga barkada namin mauna na daw kami ng babe ko at susunod sila;;
at yun nga nauna na kami at after 2 hours na byahe nakarating na kami at exactly 5:33 pm ;
nag ikot2x kami sa ancestral place na yun;
at mayamaya pa kumakagat na yung dilim.. nag ring ang phone babe tumawag yung mga friends namin di daw sila makakatuloy for some important rea*ons😣..
kaya naghanap na kami ng matutuluyan.
sa tapat ng ancestral house nayun may hotel dun para sa ginagabi nilang mga tourista,,
unang kita ko palang sa lugar parang creepy na yung feelings ko eh,, unang beses kong natakot, di ko alam parang di talaga ako comfortable eh,
tumuloy kami sa isang room (room13)2nd floor yun ng hotel,
pero habang naglalakad kami paakyat;
babe: bat parang tayo lang dalawa dito sa lugar nato??
ako: ako nga rin kanina ko pa napaapnsin,
pero natulog kami ng maaga para makaiwas sa pag iisip tungkol sa lugar..
but at exactly 1:00 am nagising ako
or should i say may gumising sakin,,
para kasing di ako makahinga at paglingon ko sa katabi ko may nakita akong lalaki, pero hindi sya yung inaasahan kong makita
😱 kase iba yung damit nya
parang yung pang patay at marumi pa pero di sya nakaharap sakin..
grabeeee.. di ako makagalaw
nagdasal ako ng taimtim hanggang sa................
nahhh nahhh nahhh nananahh nahh🎵🎶♩ parang may kumakanta kay lamig ng boses ng babaeng kumakanta .. kaya pinilit kong gumising para sana matukoy kong nasaan sya pag gising ko nakita ko si babe tulog na tulog,,
pinakinggan ko ng mabuti ang tunog ng kumakanta at parang nasa tapat ng bintana yun nanggaling kaya buong tapang kung binuksan yun at .......
oo sa tapat nga ng bintana dahil nasa ancestral house sya......
sa bintana ng ancestral house nakita ko ang isang babaeng kumakanta na may dalng sanggol . ... ngunit hindi pangkaraniwang babae.........
dahil sa takot ko napalakas yung pag dabog ng bintana noong isarado ko kaya lumingon sya . kahit di ko maaninag ang mukha niya alam kong tinitingnan nya ako ..
bumalik ako sa k**a at tumakabo..
ako: babe babe babe gising please..
pero sya nagising..
umupo ako sa k**a ngunit paglingon ko sa likuran
nandon yung babae may hawak na sanggol, kasama nung lalaking nakasuot ng pangpatay...............
sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa di kona alam ang nangyari..........
umaga na ng magising ako..
nakaalis na kami sa lugar nayun.. pero wala paring nagsasalita samin ni deysh2x(babeko)
ako:babe kumusta naman yung tulog mo??
sya: wala kabang napansin kagabi?
ako:bakit??
sya: ang pangit kasi ng panaginip ko tungkol don sa ancestrals house...😰
ako: (natatakot) ano ba yung panaginip mo?
sya: isang asawa tapos mayron silang isang anak.. pinggutan sila ng ulo at doon pa talaga mismo nangyare sa isang silid don sa ancestral house....😰😱😱😱
grabeee.. parang mamatay ako sa takoooooot noon kaya sinabe ko rin sa kanya yung nangyari sakin nung gabing iyon..
kababalaghan na kailanmay di ko inasahan..halos tatlong linggo rin akong takot na takot nun...
sariwa parin yang pangyayaring yan sa isipan ko ngayunn.... di ko makakalimutan yan
-krista
Bagong Mommy
Alas-tres ng hapon ang libing ng baby nina Alice at John. Kaya nagmamadaling pumara ng sasakyan si Lisa dahil baka ma-late sya sa libing ng inaanak.
Sa sementeryo na sya dumiretso, nandoon na rin ang iba pang kaibigan nila na sina Mark at Joyce.
Pagkatapos ng libing, sinamahan ng tatlo si Alice na sadyang nagpaiwan at hindi tumitigil sa pag-iyak. Basang-basa na ang panyo nito sa luha.
Makalipas ang isang oras na pagkakatayo sa gitna ng maraming puntod, nagyaya na rin itong umuwi.
Nagtaxi na silang tatlo pauwi. Sobrang napagod sila sa pagtayo kasama ni Alice. Halata sa mukha ni Joyce na gusto nitong magreklamo dahil sa sakit ng balikat pero ngumiti lang ito.
Unang bumaba si Joyce. Hindi alam ni Lisa kung namamalikmata lang ba sya o totoong nakita niyang may nakaaba sa likod nito habang naglalakad. Isang baby na nakaputi na bigla ring naglaho pagpa*ok niya sa pintuan nila. Sinarili na lamang niya ang nakita baka pagtawanan siya ni Mark.
Sumunod na bumaba si Mark. Kinabahan na si Lisa ng makitang may nakaaba ding baby na nakaputi sa likod ni Mark. Nanindig ang mga balahibo nya dahil alam niyang minumulto sila. Kaya pala masakit ang mga katawan nila lalo na ang balikat dahil may batang nakaaba.
Pagbaba ni Lisa sa gate ng compound nila, agad syang tumakbo ng mabilis papunta sa unit nya sa ika-tatlong palapag. Hindi na sya nag-elevator. Agad syang puma*ok at isinara ang pinto.
Hindi na sya nagbihis pa. Pinuntahan agad niya ang salaming nakalambitin sa wall. Kinakabahang sinuri ang sarili kung may batang nakaaba. Laking pasasalamat nya ng wala naman syang nakita.
Maya maya, nagtext ang guard mula sa gate ng compound nila. “Mam, nai-register nyo na po ba ang baby ninyo sa admin office?”
Muntik ng maihi si Lisa sa takot. Mabilis syang lumabas at sumakay ng elevator. Gusto nyang pumunta sa maraming tao dahil sa takot.
Pagsara ng elevator, halos takasan ng ulirat si Lisa ng makita sa repleksyon nito ang batang mukhang demonyo na nakaaba sa likod nya.
Isang malakas na sigaw ang kanyang pinakawalan. Nakakatakot ang mukha ng bata. Parehong p**a ang malalaking mata nito at nakangiti sa kanya.
Lalo syang kinilabutan nung hindi nya ito mahawakan. Nagtaasan talaga ang mga balahibo niya.
Napaupo sya takot ng biglang namatay ang ilaw at tumigil ang elevator.
Pagbukas ng ilaw, nasa harap nya na ang malignong bata. Hindi siya makagalaw sa sobrang takot. Nawalan sya ng ulirat ng nagsalita ang bata, “kaw bago mami.”
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Valenzuela