Councilor Ramon Encarnacion

Councilor Ramon Encarnacion

Share

Photos from Councilor Ramon Encarnacion's post 01/05/2025

Nakikiisa po ang inyong lingkod sa pagdiriwang natin ng Araw ng mga Manggagawang Pilipino, kasama ang Valenzuela City Tripartite Industrial Peace Council dumalo ang inyong lingkod sa kanilang Solidarity Walk for Tripartism.

Mabuhay po ang mga Manggagawang Pilipino. 🇵🇭

20/04/2025

Ngayong araw ng linggo ng pagkabuhay ating ginugunita ang muling pagkabuhay ni Hesu Kristo. Ito ay hudyat ng panibagong pag-asa at pagpapatotoo na si Hesu Kristo ay ang ating Diyos na nabuhay namag-uli at umaakyat sa langit.

Ang muling pagkabuhay ng Panginoong Hesu Kristo ay nagbigay pag-asa sa kanyang mga alagad na ipagpatuloy at ihayag ang mga magagandang salita at balita ng ating Panginoon. Ito ay isang patotoong siya ay ang ating Panginoong nabubuhay hanggang ngayon at magkapailanman.

Ito rin ay sumisimbolo na ang mga pagsubok at paghihirap na ating kinahaharap ay mayroon ring ginhawa at kaligayahang mangyayari sa dulo. Si Hesu Kristo ay humarap sa lahat ng paghihirap upang tubusin ang ating mga kasalanan, siya ay ipinako sa krus at namatay, matapos ang ilang mga araw siya ay muling na buhay upang tayo ay kanyang subaybayan at alagaan na ang ating mga gagawin ay hindi mapunta sa kasamaan kundi sa kabutihan.

Ano man ang ating ipinapanalangin at hinihiling sa ating Panginoong Diyos tayo ay kanyang diringgin, tayo po ay manalangin kasabay ng ating paggunita sa kanyang muling pagkabuhay na ang mga pagsubok na ating kinahaharap ngayon ay matatapos na rin at ang kaginhawaan ay ating makakamtan.

19/04/2025

Tuwing Sabado De Gloria ay ating ginugunita ang araw kung kailan inilibing ang katawan ni Hesu Kristo matapos nitong magpakasakit ng siya'y ipako sa krus, at patuloy pa rin ang pag-alaala nating mga katoliko sa pagkamatay ng ating Panginoong Hesu Kristo.

Patuloy po tayong manalangin, para sa ating mga pangangailangan at kaligtasan. Palagi po kayong mag-iingat.

17/04/2025

Ang Huwebes Santo ang pangalang ibinigay sa araw kung kailan ginanap ng Panginoong Hesu Kristo at ng kanyang mga alagad ang tinatawag na Huling Hapunan. Kung saan naganap rin ang paghuhugas ni Hesus sa mga paa ng kanyang mga alagad bilang pagpapakita ng pagpapakumbaba at paglilingkod. Ito rin ay nagbigay ng halimbawa na dapat tayong lahat ay mag-ibigan at maglingkod sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig at kapakumbabaan (Juan 13:3-17).

Sama sama po nating alalahanin ang mga huling sandali ng ating panginoon bago ito magsakripisyong maipako sa krus, upang linisin ang ating mga kasalanan.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Valenzuela?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Valenzuela

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm