Anakbayan Fatima
20/09/2025
Mahigpit na nakikiisa ang Anakbayan Fatima sa isinagawang pagkilos ng mga mamamayan noong Setyembre 19 sa OLFU Antipolo.
Bilyon-bilyong piso ang naipondo para sa mga proyekto tulad ng flood control na tila naging daan lamang para sa pandarambong at katiwalian. Habang ang taumbayan ay binabaha, pinapasan ang taas-presyo, at nilulubog ng utang, ang iilan ay nagpapayaman sa buwis ng taumbayan. Kaya marapat lang na panagutin at ikulong na ang lahat ng kurap, lalo na ang magnanakaw-in-Chief na si Marcos Jr.!
Ang Setyembre 21 ay hindi lamang paggunita sa madilim na kasaysayan ng Batas Militar. Ito ang pagkakataong singilin hindi lamang ang nakaraan kundi lalo na ang kasalukuyang rehimen ni Bongbong Marcos Jr. ma patuloy na nagpapamana ng parehong kabulukan ng sistema.
Kaya bilang mga Fatimanian, hindi lang tayo dapat manatiling manahimik at tumingin mula sa gilid. Makiisa, makinahagi at mag-organisa. Ang laban ng mga estudyante sa OLFU Antipolo ay laban natin.
Sumali sa Anakbayan Fatima! Mag-organisa, makiisa, at lumaban.
https://docs.google.com/forms/u/0/d/e/1FAIpQLSfBXQC9ZJRSKcHV6rlwRxw9MkjbNl3g6OK3BopBiu5mft2eUQ/viewform?
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
Valenzuela