OC Dadz
here's my YouTube: https://www.youtube.com/@OCdadz-10
OC = “Overly Caring” Dadz
➡ Mga tatay na todo alaga at todo protekta sa pamilya, sa pasahero, at sa bawat biyahe.
Buti na lang nabudol ako.. 😆😅😂
Gusto niya maging Lady MC Taxi… sinubukan ko muna kung pasado. Ano sa tingin niyo Paps?
Trabaho lang ‘to, walang halong malisya.. 😂🥰
🤭🤔😅
Nagsisisi na ngayon yung mga bomoto kay Bangag.. Isa na ako dun.. 😂😭
22/05/2026
Realtalk… sa lahat ng nasubukan ko, si Move It talaga ang may pinakamagandang app. Smooth, malinis parang walang problema. Pero habang tumatagal ka sa kalsada, dun mo marerealize na may isang bagay na medyo masakit — yung hindi mo makita kung cash ba o cashless yung booking hangga’t hindi mo ina-accept.
Isang araw, sunod-sunod yung pasok ng booking. Syempre, bilang rider, hindi ka pwedeng choosy — accept agad para tuloy ang byahe. Pagka-accept ko, tsaka ko lang nakita… cashless pala. Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi naman sa ayaw ko, pero iba kasi yung pakiramdam kapag cash ang hawak mo. Ramdam mo agad yung pinaghirapan mo.
Habang tumatagal, napaisip ako… baka strategy talaga ‘to. Para wala kang choice kundi i-accept lahat ng booking. Kasi kung makikita mo pa lang kung cash o hindi, malamang pipili ka. Pero dahil nakatago, napapasubo ka.
Kaya ngayon, may sarili na akong diskarte. Kapag medyo marami na akong pondo sa Top Up, mas pinipili ko na lang yung cash. Kapag nakita kong cashless pagkatapos ng accept, minsan… cancel muna. Hindi dahil tamad o maarte, kundi dahil kailangan mo rin maramdaman yung kita mo.
Iba pa rin kasi yung hawak mo sa kamay mo yung perang pinagpaguran mo sa init, ulan, at pagod sa kalsada. Dun mo nasasabi sa sarili mo — “Oo, sulit kahit papaano.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
3070 Don Simeon Street, Mapulang Lupa
Valenzuela
1440