CDCC - Trece Martires Chapter
16/01/2026
𝐏𝐥𝐚𝐧𝐨 𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐦𝐛𝐚𝐡𝐚𝐧
ni: Rev. Fr. Elmer Cabote
Tagalog Region Metro Manila and Visayas Archdiocese
Sa lupa’y iguguhit ang munting pangarap,
Mga linya’t sukat, may dasal na kalakip.
Hindi lang semento ang dito’y ilalatag,
Kundi pananampalatayang sa Diyos nag-uugat.
Bawat haligi’y tatayong may pananalig,
Na ang Simbahan ay tahanan ng pag-ibig.
Plano man sa papel ay payak na anyo,
Sa langit ito’y bunga ng banal na plano.
Mga kamay na pagod, pusong may pag-asa,
Nagkakaisa sa gawa’t panalangin kasama.
Hindi man engrande sa mata ng mundo,
Sa Diyos ito’y dakila, banal at totoo.
At pag natapos na ang gusaling banal,
Maririnig ang awit, dasal na taimtim at dalisay.
Plano ng Simbahan—hindi lang istruktura,
Kundi buhay na patunay ng pananampalataya.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Brgy. Lapidario (Bayog)Purok #5
Trece Martires
4109