Ang Interseksiyon - San Rafael NHS

Ang Interseksiyon - San Rafael NHS

Share

04/07/2026

𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗧𝗜, 𝗦𝗜𝗥 𝗝𝗢𝗦𝗘𝗣𝗛 𝗣. 𝗕𝗥𝗜𝗭𝗨𝗘𝗟𝗔!

Matagumpay na nakapasa si Sir Joseph P. Brizuela, Head Teacher III ng Science Department at Assistant Principal for Academic & Instruction ng San Rafael National High School, sa National Assessment for School Head (NASH) 2026 na isinagawa ng Department of Education.

Ang NASH ay isang assessment na sumusukat sa kahandaan ng mga education leaders sa pamumuno at pamamahala ng mga paaralan bilang bahagi ng proseso ng paghubog ng mga magiging school principal.

Ikinararangal ng San Rafael National High School ang tagumpay na ito at kinikilala ang patuloy na dedikasyon ni Sir Brizuela sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo sa edukasyon.

Mabuhay at pagbati, Sir Joseph P. Brizuela!

| via Keira Ashley Paura/Ang Interseksiyon
| Pubmat ni Jerom Tongco Jr./Ang Interseksiyon

Photos 26/06/2026

𝗘𝗡𝗧𝗥𝗬 𝗡𝗚 𝗦𝗥𝗡𝗛𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗗𝗔𝗗𝗔𝗜𝗧 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗣𝗜𝗡𝗧𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗘𝗧𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡

Kabilang ang San Rafael National High School (SRNHS) sa mga lumahok sa IDADAIT 2026 Pinta Eskwela Competition ng LGU Tigaon bilang bahagi ng pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT).

Sa pamamagitan ng kanilang Mural Painting at Safe Space, ipinakita ng SRNHS ang adbokasiya para sa kalusugang pangkaisipan, katatagan ng kabataan, at isang komunidad na malaya sa ipinagbabawal na gamot.

Makikita ang nasabing painting sa Annex Campus ng paaralan.

Want your business to be the top-listed Media Company in Tigaon?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


San Rafael National High School
Tigaon