Otso

Otso

Share

Photos from Otso 's post 01/02/2026

📍𝙄𝙠𝙖-𝙥𝙞𝙩𝙤 𝙣𝙖 𝘿𝙚𝙨𝙩𝙞𝙣𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣

Ang 𝘊𝘢𝘭𝘭𝘦 𝘙𝘦𝘢𝘭 𝘙𝘦𝘴𝘵𝘢𝘶𝘳𝘢𝘯𝘵 𝘢𝘯𝘥 𝘊𝘢𝘵𝘦𝘳𝘪𝘯𝘨 ay isang kilalang kainan na naglilingkod ng 𝘍𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘰-𝘚𝘱𝘢𝘯𝘪𝘴𝘩 comfort food sa loob ng isang 1920𝘴 𝘢𝘯𝘤𝘦𝘴𝘵𝘳𝘢𝘭 𝘩𝘰𝘮𝘦. 🏛️

𝗔𝗹𝗮𝗺 𝗺𝗼 𝗯𝗮? 🤔
🍛 Ang pangunahing putahe ng Calle Real ay ang 𝘗𝘢𝘦𝘭𝘭𝘢 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘯𝘢𝘳𝘢, 𝘗𝘶𝘴𝘪𝘵 𝘗𝘢𝘦𝘭𝘭𝘢, 𝘢𝘵 𝘓𝘦𝘯𝘨𝘶𝘢 𝘛𝘦𝘳𝘦𝘴𝘢 – na puwede mong kainin sa loob o sa 𝘢𝘭 𝘧𝘳𝘦𝘴𝘤𝘰 dining area.
🏆 Kilala ang Calle Real sa 𝘳𝘶𝘴𝘵𝘪𝘤 𝘯𝘢 𝘢𝘵𝘮𝘰𝘴𝘧𝘦𝘳𝘢, 𝘷𝘪𝘯𝘵𝘢𝘨𝘦 𝘓𝘗 𝘳𝘦𝘤𝘰𝘳𝘥𝘴, at vibe ng isang tunay na ancestral home.
🛎️ Nag-aalok din ang Calle Real ng restaurant 𝘥𝘪𝘯𝘪𝘯𝘨, 𝘤𝘢𝘵𝘦𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘦𝘳𝘷𝘪𝘤𝘦𝘴, at may function room na tinatawag na “𝘎𝘳𝘢𝘯 𝘊𝘰𝘮𝘦𝘥𝘰𝘳” para sa mga events.

📷: Paras, Aldrin

Photos from Otso 's post 01/02/2026

📍𝙄𝙠𝙖-𝙖𝙣𝙞𝙢 𝙣𝙖 𝘿𝙚𝙨𝙩𝙞𝙣𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣

Ang 𝘗𝘪𝘭𝘪𝘵𝘢’𝘴 𝘙𝘦𝘴𝘵𝘢𝘶𝘳𝘢𝘯𝘵 ay isa sa matagal nang kilalang Filipino restaurant na tanyag sa 𝘢𝘣𝘰𝘵-𝘬𝘢𝘺𝘢, 𝘭𝘶𝘵𝘰𝘯𝘨-𝘣𝘢𝘩𝘢𝘺 (𝘩𝘰𝘮𝘦-𝘤𝘰𝘰𝘬𝘦𝘥) 𝘮𝘦𝘢𝘭𝘴 𝘢𝘵 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘦𝘢𝘧𝘰𝘰𝘥. 🥘

𝗔𝗹𝗮𝗺 𝗺𝗼 𝗯𝗮? 🤔
🍛 Ang pangunahing putahe ng Pilita's ay ang 𝘊𝘳𝘪𝘴𝘱𝘺 𝘗𝘢𝘵𝘢, 𝘔𝘦𝘯𝘶𝘥𝘦𝘯𝘤𝘪𝘢𝘯𝘨 𝘒𝘢𝘴𝘰𝘺, 𝘢𝘵 𝘔𝘶𝘵𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘊𝘢𝘷𝘪𝘵𝘦
🏆 𝘐𝘴𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘬𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘨𝘢𝘭 na restaurant sa Tanza, kilala sa consistent at klasikong lasa ng Filipino food

𝘋𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘴𝘢 𝘚𝘔 𝘛𝘢𝘯𝘻𝘢, 𝘮𝘢𝘥𝘢𝘭𝘢𝘴 𝘪𝘵𝘶𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘪𝘭𝘪𝘵𝘢’𝘴 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘰-𝘵𝘰 𝘴𝘱𝘰𝘵 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘵𝘳𝘢𝘥𝘪𝘴𝘺𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘍𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘰 𝘤𝘰𝘮𝘧𝘰𝘳𝘵 𝘧𝘰𝘰𝘥.🍴

📷: Paras, Aldrin

Photos from Otso 's post 01/02/2026

📍𝙋𝙖𝙣𝙜𝙡𝙞𝙢𝙖𝙣𝙜 𝘿𝙚𝙨𝙩𝙞𝙣𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣

Ang 𝘉𝘪𝘸𝘢𝘴 ay isa sa mga barangay ng Tanza. Matatagpuan dito ang mga tanyag, makasaysayang lugar at tinuturing rin na 𝘴𝘮𝘢𝘭𝘭-𝘤𝘰𝘮𝘮𝘦𝘳𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘢𝘳𝘦𝘢. 💵

👥 𝘼𝙮𝙤𝙣 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙋𝙝𝙞𝙡𝘼𝙩𝙡𝙖𝙨, ang populasyon ng Barangay Biwas ay lumago mula 4,403 noong 1990 hanggang 6,989 noong 2020.

🏠 𝙏𝙖𝙝𝙖𝙣𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙨𝙞𝙠𝙖𝙩 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖𝙞𝙣 𝙖𝙩 𝙡𝙪𝙜𝙖𝙧:

𝙆𝙖𝙞𝙗𝙞𝙜𝙖𝙣 𝘽𝙖𝙠𝙚𝙧𝙮 🥖
Itinatag noong 1920, nagpasimula ng tanyag na "𝘚𝘰𝘱𝘢𝘴 𝘥𝘦 𝘛𝘢𝘯𝘻𝘢" gamit ang tradisyunal na 𝘸𝘰𝘰𝘥-𝘧𝘪𝘳𝘦𝘥 𝘱𝘶𝘨𝘰𝘯.

𝙋𝙖𝙣𝙘𝙞𝙩 𝙇𝙪𝙜𝙡𝙤𝙜 🍜
Isang tanyag at tradisyunal na bersyon ng pancit na kilala sa 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘯𝘰𝘰𝘥𝘭𝘦𝘴, masaganang sabaw na gawa sa 𝘩𝘪𝘱𝘰𝘯, at iba't-ibang toppings gaya ng 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢, 𝘤𝘩𝘪𝘤𝘩𝘢𝘳𝘰𝘯, at 𝘪𝘵𝘭𝘰𝘨.

𝙉𝙖𝙣𝙖 𝙃𝙚𝙡𝙚𝙣𝙜'𝙨 𝙋𝙖𝙣𝙘𝙞𝙩 𝙀𝙨𝙩𝙖𝙘𝙞𝙤𝙣 🍲
Nagsimula noong 1934 nang gumamit si Nana Heleng ng 𝘵𝘰𝘨𝘶𝘦 (𝘮𝘶𝘯𝘨 𝘣𝘦𝘢𝘯 𝘴𝘱𝘳𝘰𝘶𝘵𝘴) bilang alternatibo sa pansit dahil sa kakapusan. Ang kakaibang putaheng ito ay ibinebenta malapit sa lumang estasyon ng tren.

𝘾𝙖𝙨𝙖 𝙃𝙖𝙘𝙞𝙚𝙣𝙙𝙖 𝙙𝙚 𝙏𝙖𝙣𝙯𝙖 🏰
Isang makasaysayang bahay noong panahon ng Espanyol, dating pag-aari ng mga 𝘋𝘰𝘮𝘪𝘯𝘪𝘬𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘗𝘳𝘢𝘺𝘭𝘦. Ipinagkaloob kay 𝘊𝘢𝘱𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘔𝘶𝘯𝘪𝘤𝘪𝘱𝘢𝘭 𝘍𝘳𝘢𝘯𝘤𝘪𝘴𝘤𝘰 𝘗. 𝘝𝘢𝘭𝘦𝘯𝘤𝘪𝘢 bilang gantimpala at kasalukuyang pinangangalagaan ng kanyang pamilya.

🏫 𝙁𝙚𝙡𝙞𝙥𝙚 𝙂. 𝘾𝙖𝙡𝙙𝙚𝙧𝙤𝙣 𝙀𝙡𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩𝙖𝙧𝙮 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡
Isang paaralang elementarya at tanda bilang pag-alala sa "𝘍𝘢𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘔𝘢𝘭𝘰𝘭𝘰𝘴 𝘊𝘰𝘯𝘴𝘵𝘪𝘵𝘶𝘵𝘪𝘰𝘯," na ipinanganak sa bayan ng Tanza.

- 𝘋𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘉𝘪𝘸𝘢𝘴, 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘳𝘢𝘥𝘪𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘵 𝘬𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘳𝘢𝘱 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘵𝘰𝘬 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘛𝘢𝘯𝘻𝘦ñ𝘰 𝘢𝘵 𝘣𝘪𝘴𝘪𝘵𝘢. 🍽

📷: Paras, Aldrin

Photos from Otso 's post 29/01/2026

📍𝙄𝙠𝙖𝙖𝙥𝙖𝙩 𝙣𝙖 𝘿𝙚𝙨𝙩𝙞𝙣𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣

Ang barangay ng 𝘏𝘢𝘭𝘢𝘺𝘩𝘢𝘺 naman ay 𝘪𝘴𝘢 sa 41 na barangay sa bayan ng Tanza. Dito, ang 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘨𝘪𝘴𝘥𝘢 ang pangunahing kabuhayan ng mga residente, na nagbibigay buhay at kabuhayan sa komunidad. 🐟

👥 𝘼𝙮𝙤𝙣 𝙨𝙖 𝘾𝙚𝙣𝙨𝙪𝙨 2020, binubuo ng 6,627 na mamamayan ang naninirahan sa Halayhay na kumakatawan sa 2.12% ng kabuuang populasyon ng Tanza

𝘚𝘢 𝘏𝘢𝘭𝘢𝘺𝘩𝘢𝘺, 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘮𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘺𝘴𝘢𝘺𝘢𝘯, 𝘬𝘶𝘭𝘵𝘶𝘳𝘢, 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘯𝘨-𝘢𝘳𝘢𝘸-𝘢𝘳𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘨𝘪𝘴𝘥𝘢 𝘴𝘢 𝘵𝘢𝘣𝘪𝘯𝘨-𝘥𝘢𝘨𝘢𝘵. 🌅

📷: Paras, Aldrin

Photos from Otso 's post 29/01/2026

📍𝙋𝙖𝙣𝙜𝙖𝙩𝙡𝙤𝙣𝙜 𝘿𝙚𝙨𝙩𝙞𝙣𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣

Ang ikatlo naman sa aming paglalakbay ay ang 𝘚𝘔 𝘊𝘪𝘵𝘺 𝘛𝘢𝘯𝘻𝘢 — isang modernong 𝘵𝘸𝘰-𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘴𝘩𝘰𝘱𝘱𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘭 na nagbukas noong 2022 bilang 𝘪𝘬𝘢-79 𝘚𝘔 𝘚𝘶𝘱𝘦𝘳𝘮𝘢𝘭𝘭 sa Pilipinas. 🛍

𝗔𝗹𝗮𝗺 𝗺𝗼 𝗯𝗮? 🤔
⏰ Bukas ito mula 10:00 𝘈𝘔 hanggang 9:00 𝘗𝘔 para sa mas maginhawang pamimili
🎥 Mayroong 5 SM Cinemas at Cyberzone para sa entertainment at technology needs
🏪 Tahanan ng 𝘛𝘩𝘦 𝘚𝘔 𝘚𝘵𝘰𝘳𝘦, 𝘚𝘔 𝘚𝘶𝘱𝘦𝘳𝘮𝘢𝘳𝘬𝘦𝘵, 𝘈𝘤𝘦 𝘏𝘢𝘳𝘥𝘸𝘢𝘳𝘦, 𝘚𝘔 𝘈𝘱𝘱𝘭𝘪𝘢𝘯𝘤𝘦 𝘊𝘦𝘯𝘵𝘦𝘳, 𝘞𝘢𝘵𝘴𝘰𝘯𝘴, 𝘗𝘦𝘵 𝘌𝘹𝘱𝘳𝘦𝘴𝘴, 𝘔𝘪𝘯𝘪𝘴𝘰, 𝘢𝘵 𝘜𝘯𝘪𝘲𝘭𝘰
🚗 May 𝘱𝘶𝘣𝘭𝘪𝘤 𝘵𝘳𝘢𝘯𝘴𝘱𝘰𝘳𝘵 𝘵𝘦𝘳𝘮𝘪𝘯𝘢𝘭 para sa mas madaling access ng mga mamimili

𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰 𝘣𝘢𝘴𝘵𝘢 𝘮𝘢𝘭𝘭 — 𝘪𝘵𝘰 𝘳𝘪𝘯 𝘢𝘺 𝘱𝘦𝘳𝘧𝘦𝘤𝘵 𝘯𝘢 𝘭𝘶𝘨𝘢𝘳 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘣𝘰𝘯𝘥𝘪𝘯𝘨, 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘪𝘯, 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘴𝘪𝘺𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺𝘢 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘯. 🛒

📷: Paras, Aldrin & Crizaldo, Sopphia

Photos from Otso 's post 29/01/2026

📍𝙋𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡𝙖𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙙𝙚𝙨𝙩𝙞𝙣𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣

Ito naman ay ang 𝘗𝘶𝘳𝘦𝘨𝘰𝘭𝘥 𝘛𝘢𝘯𝘻𝘢 — isang malaking supermarket na matatagpuan sa A. Soriano Highway, Brgy. Daang Amaya III, Tanza, Cavite. 🛒

𝗔𝗹𝗮𝗺 𝗺𝗼 𝗯𝗮? 🤔
🛍️ Nagsisilbi itong 𝘸𝘩𝘰𝘭𝘦𝘴𝘢𝘭𝘦 𝘢𝘵 𝘳𝘦𝘵𝘢𝘪𝘭 𝘤𝘦𝘯𝘵𝘦𝘳 para sa iba’t ibang pang-araw-araw na pangangailangan
⏰ Karaniwan itong bukas mula 8:00 𝘈𝘔 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯𝘨 8:00 𝘗𝘔 para sa mas maginhawang pamimili
🏬 Mayroon ding iba’t ibang bilihan rito gaya ng 𝘔𝘳. 𝘋𝘐𝘠, 𝘈𝘣𝘦𝘯𝘴𝘰𝘯, 𝘢𝘵 𝘌𝘹𝘦𝘤𝘶𝘵𝘪𝘷𝘦 𝘖𝘱𝘵𝘪𝘤𝘢𝘭 na nagbibigay ng dagdag na serbisyo sa mga mamimili

𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘴𝘵𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘪𝘭𝘪𝘩𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘶𝘳𝘦𝘨𝘰𝘭𝘥 𝘛𝘢𝘯𝘻𝘢 — 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘭𝘶𝘨𝘢𝘳 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘢𝘯 𝘴𝘢𝘣𝘢𝘺-𝘴𝘢𝘣𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘣𝘪𝘣𝘪𝘭𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯, 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘩𝘪𝘯𝘨𝘢, 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘣𝘶𝘰 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘭𝘪𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘢𝘭𝘢𝘢𝘭𝘢, 𝘩𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘪𝘶𝘶𝘨𝘯𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘳𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘌𝘬𝘰𝘯𝘰𝘮𝘪𝘬𝘴 𝘵𝘶𝘯𝘨𝘬𝘰𝘭 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘭𝘢𝘬𝘢𝘭𝘢𝘯. 🪙

📷: Paras, Aldrin

Photos from Otso 's post 28/01/2026

📍𝘼𝙣𝙜 𝙪𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙙𝙚𝙨𝙩𝙞𝙣𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣

Ito ay ang 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴𝘦𝘴𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘋𝘢𝘮𝘣𝘢𝘯𝘢 𝘯𝘪 𝘚𝘢𝘯 𝘈𝘨𝘶𝘴𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘗𝘢𝘳𝘰𝘬𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘚𝘢𝘯𝘵𝘢 𝘊𝘳𝘶𝘻 – isang Simbahang Katolika Romano na matatagpuan sa bayan ng Tanza. ⛪

𝗔𝗹𝗮𝗺 𝗺𝗼 𝗯𝗮? 🤔
📿 Ang patron ng bayan ay si 𝘚𝘢𝘯 𝘈𝘨𝘶𝘴𝘵𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘏𝘪𝘱𝘰𝘯𝘢, na karaniwang kilala bilang “𝘛𝘢𝘵𝘢 𝘜𝘴𝘵𝘦𝘯𝘨”
✝️ Ang Banal na Krus naman ang nagsisilbing titular na patron
🎇 Ipinagdiriwang taun-taon ang pista ng bayan tuwing ika-28 ng Agosto

𝘚𝘪𝘮𝘱𝘭𝘦 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘪𝘴𝘪𝘵𝘢, 𝘱𝘦𝘳𝘰 𝘱𝘶𝘯𝘰 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘺𝘴𝘢𝘺𝘢𝘯, 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘮𝘱𝘢𝘭𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢, 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘭𝘢𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘳𝘬𝘢𝘥𝘢. 💛

Want your business to be the top-listed Travel Agency in Tanza?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


8 Sta. Cruz St, Poblacion 2
Tanza
4108