Moto Dick
26/04/2026
𝙋𝙧𝙞𝙢𝙚 𝙒𝙖𝙩𝙚𝙧 𝙝𝙪𝙢𝙖𝙧𝙖𝙥 𝙣𝙖 𝙠𝙖𝙮 𝙈𝙖𝙮𝙤𝙧 𝙈𝙖𝙩𝙧𝙤 𝙠𝙖𝙨𝙖𝙢𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙎𝙪𝙗𝙙𝙞𝙫𝙞𝙨𝙞𝙤𝙣 𝙣𝙖 𝙋𝙞𝙣𝙤𝙥𝙧𝙤𝙗𝙡𝙚𝙢𝙖 𝙨𝙞𝙡𝙖
Harapan ng tinawag ni Mayor Matro ang Prime Water na Crime Water dahil na rin sa mga perwisyo ng nasabing Water Provider sa mga patubig nito sa iba't ibang subdivision na hinahawakan nila.
Ang mga HOA officials ay naglatag ng mga problemang kanila laging dinudulog sa Prime Water na hindi naman inaaksyonan agad ng mga naka-upo sa nasabing water provider.
Naging punto sa diskusyon na kung hindi na kaya ng Prime Water na mag bigay ng maayos na serbisyo ng tubig sa Tanza ay doon na aaksyon ang kawani ng Munisipyo na magkaroon na ng transisyon upang bitawan na ng Prime Water ang ibat ibang lugar sa Tanza na napeperwisyon nila sa di nilang magandang serbisyo ng patubig.
Hindi na rin maganda kasi ang nakakarating kay Mayor Matro na kumikita diumano ang mga LGU sa Tanza sa Prime Water, pero ang totooo talaga sila pa ang sumasalo ng mga problemang dapat ang Prime Water ang umaaksyon agad. Ang pamahalaan pa ng Tanza ang namamahagi ng patubig at nag iikot ng tangke tangkeng tubig sa mga panahong walang tubig ang Prime Water.
Pinunto pa ng alkalde sa pagpupulong na dapat at panahon ng magkaroon na ng opisina sa Tanza ang Prime Water, kung saan meron talagang kakalampagin ang mga taong napeperwisyo ng kanilang di maayos-ayos na pa-tubig dito sa Tanza.
Panahon na bang alisin ang Prime Water sa Tanza? Kelangan na bang magbigay ni Mayor Matro ng palugit upang ayosin ng water provider ang kanilang serbisyo o mananatili itong problema kagaya ng ibang lugar sa Pinas tulag ng sa Bulacan at iba pang karatig lugar.
Ubos na ang pasensya ng mga taga-Tanza sa Prime Water, ang serbisyo nila ay laging pinoproblema ng mga mamayan ng lugar natin. Laking pasasalamat sa Alkalde na sa kabila ng Yaman at Koneksyon ng may-ari ng Prime Water ay nagawang harapin sila ng ating Mayor Matro, siyang tunay na may malasakit sa mga taongbayan ng Tanza.
Tama nga ang sabi ni Mayor na kung ang mga tao ay na-late ng bayad may penalty agad samantalang sila itong Pangit ang Serbisyo ay wala namang naibabalik na Refund sa mga bahay na under ng Crime Water este Prime Water.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Address
Punta1 Tanza Cavite
Tanza
4108