Uniform Riders Club -URC
30/04/2026
Walang swerte sa mundo,
lahat dito kilos.
Walang libre na pera,
lahat may kapalit, pagod at pawis.
Gising maaga, uwi gabi,
ikot ng buhay parang gulong na di tumitigil.
Kahit pagod na katawan,
laban pa rin kasi bawal
magpahinga ang pangarap.
Sa kalsada, sa pabrika, sa opisina man,
iba-iba man ng ruta, iisa ang dahilan:
kumita, mabuhay, umangat kahit paunti-unti,
kahit minsan parang ang bigat ng swerte
di mo makita kahit pilitin mo.
Pero sige lang, tuloy lang ang galaw,
kahit walang shortcut, kahit walang palakpak.
Kasi sa bawat hakbang, kahit mabagal,
may binubuong bukas na mas maayos.
Walang swerte? Sige.
Pero may sipag, may tiyaga, may tapang.
At minsan, ‘yun na rin ang tunay na laban—
ang kumilos kahit walang kasiguraduhan.
Maligayang Kaarawa ng Panggawa at Mabuhay ang bawat manggagawang pinoy🫡
Dati may petsa de peligro pa. Ngayon puro peligro nalang, wala nang pinipiling petsa.
Kunwari nasa walking at running era, yun pala wala nang pamasahe o pang gas.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
344
Manila
3114