SITIO
ANG HINDI MAGMAHAL SA SARILING WIKA
AY HIGIT PA SA MALANSANG ISDA.
NI: MICHAEL “MITCH” C. SANTOS
BALIKTANAW/KOLUM
SUBUIC BAY PILLARS-SBP
Nakakalungkot at talagang nakakainis ang naging desisyon ng Supreme Court (SC) na alisin na sa ‘core subjects’ sa kolehiyo ang asignaturang Filipino at Literatura.Kung tutuusin ay hilaw pa talaga sa sa wikang pambansa ang mayorya sa atin lalo na ang mga bagong henerasyon maging ang mga papausbong pa lamang. Tila delubyo ang pinsalang dulot ng desisyon ng Korte Suprema sa mga darating na henerasyon.
Kung kayat hind sapat ang panukalang paglilipat ng pagtuturo nito hanggang sa senior high school na lamang, ituturing na lamang na pangkaraniwang asignatura sa paaralan ang sariling wika at maaaring hindi na ito ang pangunahing gagamiting dialektiko ng mga kabataan. paano magiging intelektwalisado ang wikang Filipino kung hindi ito pag-aaralan sa mataas na level ng edukasyon? Nakasaad pa sa ating konstitusyon na dapat pagyamanin at palaganapin ang “Literaturang Filipino” bilang wikang pambansa.
Sa kabila ng pagpapatigil ng ‘Literaturang Filipino’sa kolehiyo Bilang pangunahing rekurso sa sariling wika at Panitikan Filipino ay isinusulong naman ngayun ang wikang Korean matapos lagdaan ng Department of Education (DepEd) at Korean embassy sa Maynila ang isang memorandum of understanding, na Obligado na rin Ituro sa ilang high school students at sa mga pampublikong paaralan. Ang wikang Banyaga.
Bukod dito ay meron pang lima hanggang 6 na wikang Banyaga ang nakatakdang maapubrahan para idagdag sa ating mga kurikulum.
"Laging nakayuko ang ating mga ulo dahil pinatanggap sa atin na mas mababang klase ang mga Filipino. Kailangang kilalanin na ang malaking dahilan bakit may [ganitong] problema, ay ang ating kolonyal na pinanggalingan,” ani pambansang artist para sa literatura, Bienvenido Lumbera. – Nakapanglulumo na mismong ang kapwa Filipino pa natin ang nagtutulak sa kabataan para kalimutan nito ang pagkilanlan sa sarili niyang wika.
ANG HINDI MAGMAHAL SA SARILING WIKA AY HIGIT PA SA MALANSANG ISDA.
22/10/2018
“LUTA CONTINUA”TULOY ANG LABAN
NI: MICHAEL “MITCH” C. SANTOS
BALIKTANAW/ KOLUM
SUBIC BAY PILLARS
Mananatili at mananatiling mababaw ang kamalayan ng mayoryang mamayan sa mga bansang agrikultura o semi- industriyalisado mga bansang kagaya natin na galing sa hirap o papaunlad pa lamang ngunit ang pagasa ay naka-angkla sa globalisasyon. Na isinusulong mismo ng ilang media,institusyong pang-edukasyon, mga ahensiyang pangkultura at mismong ang gubyerno nito na pinamumunuan ng mga pinakamayayamang negosyante at mangangalakal ng bansa na nagpapanatili sa pagkontrol sa bulok na sistemang umiiral na paborable sa iiilan lamang.
Sa pagpasok pa lamang ng taong 2018 ay pumalo na sa 6.4 ang inflation rate (o ang pangkahalatang tantos ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin).Ang pinakamalakas na tatamaan ng implasyon ay ang mahihirap na mamamayanag Pilipino, dahil sa napakababa ng kanilang kinikita ay talagang todo pagbabawas at pagtitipid ng mga konsumo.Dumausdos ang kakayahang bumili ng kakarampot na nilang kita.
At dun sa talagang kapos o naghihikahos sa buhay na madalas ay walang opurtunidad, kung meron man ay madalang pa sa patak ng ulan o ang pinakamasaklap ay umaasa lamang sa kapit sa patalim ay magreresulta lamang ng matinding gutom dahil sa walang makain sa hapag kainan.
ANG RESPONSIBILIDAD NG REHIMEN DUTERTE SA PATULOY NA PAGTAAS NANG PRESYO NG MGA BILIHIN.
Ikinakahon ng administrasyon ang kaisipan ng mamamayan Pilipino sa paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigan pamilihan at ang paghina ng piso kontra dolyar sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin na siyang nagpapalala. Sa Kondisyon ng Kahirapan. Ibinabaling ang mamamayan sa mga salik na walang kontrol ang gubyernong Duterte nang sa gayon hindi madiin ang TRAIN , BUILD,BUILD,BUILD (BBB) at mga patakarang neoliberal. Ngunit sa katotohanan malaki ang kontrol ng gubyerno sa tumataas na presyo ng bilihin laluna sa mga produktong petrolyo dahil sa ipinapataw niyang TRAIN, kaya't tumatampok na siya ay may direktang responsibilidad sa pinakamataas na inflation sa loob ng mahabang panahon.
Gawin natin ang ekonomiya ng mamamayan ay hindi isang pangarap lamang.Nangangailangan ito ng matatag na gubyernong nagsasarili at makabayan na babalikwas sa kasalukyang kaayusan. Dapat basagin ang dominasyon ng dayuhang monopolyo kapitalista,burgesya komprador at panginoong maylupang nagpapanatili sa kasalukuyang kalagayan ng mga mamamayan.
Pagtibayin ang pundasyon ng repormang agraryo at pagpapaunlad sa rural na ekonimiya, gayundin ang pambansang industriyalisasyon at hindi ekonimiyang pang-serbisyo lamang ang bansa.Hindi umuunlad ang manupakturang para lamang sa eksport.
Maging sentro ang mayoryang mamamayan at tiyakin nagsisilbi ang ekonomiya para sa kanilang pangangailangan at karapatan.
“LUTA CONTINUA” patuloy ang laban at labanan ang kahirapan.
SITIO gabay sa pagpapataas ng antas ng kaisipan at kaalaman karagdagan maghahatid ng mga pinakabagong balita,opinyon at impormasyon
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Lot 25, Blk 12 Sta. Monica Matain
Subic
2209