ESS - Dapdap Extension
09/11/2022
Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1906 na nilagdaan ni dating Pang.Gloria Macapagal Arroyo noong ika-5 ng Oktubre,taong 2009; Ang Pambansang Pagdiriwang ng Buwan ng mga Katutubong Pilipino ay ginaganap tuwing buwan ng Oktubre.
Ngayong taon, ang ESS-Dapdap Extension, Sta.Cruz District ay nakiisa sa pagdiriwang na ito upang mas bigyang halaga at masakaihan natin ang nakaugaliang kultura, tradisyon at wika ng kapatid nating mga katutubo. π₯°
Narito ang ilang aktibidadis sa pagdiriwang na nagbigay saya at galak sa lahat, kasama ang aming mga katutubong mag-aaral, mga magulang mula sa tribu ng Alangan, mga g**o at panauhin. π
Tunay ngang napakasaya sa pakiramdam kapag naipadadama natin sa ating mga kapatid na katutubo ang halaga nila sa lipunang ating ginagalawan. Higit sa lahat, ito ay pagdiriwang upang mahubog ang mga mag-aaral na maipakita sa lahat na sila ay hindi dapat mahiya dahil tayong lahat ay may angking talento at kakayanan, iba-iba man ang wika at kulturang nakagisnan. β€οΈ
Pasasalamat din po sa mga panauhing nakarating at nakasama namin sa araw na ito:
Sir Jolito Garcia,NCIP Provincial Director
Doc.Jiji Tiuzen / through AO KC Bersamina, from STC District &
Sir Randy Rodaje, IPED Coordinator
SB Suzie Delara
Chief Sir Ariel Roldan,STC PNP
Rev.Choi Cham & Missionary Pastors
Brgy.Capt.Trinitas Dejalon Brgy.Kagawad of Lumangbayan
Ang pagdiriwang pong ito ay higit na naging matagumpay sa tulong ng mga taong walang sawang sumusuporta sa pangangailangan nila lalo na sa aming mga batang mag-aaral. Lubos po ang pasasalamat naming mga g**o sa inyong lahat:
Cong.Oddie Tarriela
Gov.Ed Gadiano
IPAO of Provincial Governtment of Oksi
Pswdo Occidental Mindoro
Mayor Ernesto Torreliza
Vice-Mayor Mark Galsim
All SB Members of STC
Brgy. Captain Trinitas Dejalon &
all Barangay Kagawad of Lumangbayan
Fr. David M Grubbs of FMI
Mr.Totie Galsim
Mr.Homero Tria Jr.
Ms.Grace Palisoc of Htown WPRS
Mr.Jolito Maganis
Mr.Mario Fernandez
Mrs.Anching Tapales
Mrs.Nelly Torreliza
Lubos din po na pasasalamat sa aming Kgwd. sa Dapdap; Kgwd. Alvin Torreliza at sa pamunuan ng mga g**o at magulang ng paaralan na naging abala sa pagdiriwang na ito. π
Pagpalain po kayo ng Panginoong sa inyong kabutihang loob! π
Bunton Buwaywa! β€οΈ
*(ang pagkuha at pag-upload ng mga larawan ng aming mga mag-aaral ay may pahintulot po mula sa kanilang mga magulang. ) π
Halinaβt sulyapan ang pagdiriwang na nagbigay ngiti at kasiyahan sa aming lahat. Kasiyahang baon hindi lamang sa kanilang pag-uwi kundi kasiyahang magiging bahagi na ng kanilang pamumuhay. Kasiyahang tatatak sa kanilang puso at isipan. β€οΈ
Thank you so much Lord sa magandang panahon at sa mga taong ginamit mo upang maging matagumpay ang pagdiriwang na ito. Ibinabalik po namin sa Iyo ang lahat ng papuri at pasasalamat! ππ
β€οΈDapdap Teaching Force β¨
16/10/2021
πππ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Sitio Dapdap, Baranggay Lumangbayan
Sta. Cruz
5105