Sikhayan Festival

Sikhayan Festival

Share

Every January 18, the City celebrates its Sikhayan Festival in conjunction with its Founding Anniversary. Sikhayan, which stands for Pagsisikap sa Kabuhayan, is an annual event celebrating the Rosenians’ spirit of enterprise that has, through the decades, fueled the city’s economic growth. The event is highlighted by the annual street dance competition participated by students from the different local public schools.

Photos from Sikhayan Festival's post 19/01/2026

TINGNAN | Balikan ang mga makukulay, masigla, at kapanapanabik na kaganapan sa Street Dancing / Exhibition at Reyna ng Sikhayan sa 27th Sikhayan Festival na ginanap nitong Enero 18, 2026.

Kabilang sa mga lumahok ngayong taon ang Citi Global College Santa Rosa Campus, Queen Anne School of Santa Rosa, Holy Rosary College of Santa Rosa, Jesus the Exalted Name School, Dominican College of Santa Rosa, at Blessed Christian School de Sta. Rosa.

📸: CIO Reymar






🦁

19/01/2026

PANOORIN | Sikhayan Festival 2026 Highlights Video 🎥

Mula sa parada hanggang sa makulay na pagtatanghal ng mga kalahok sa Street Dance Competition, ipinakita ng mga Rosense na talagang buhay na buhay ang kultura sa Lungsod ng Santa Rosa.

Happy Sikhayan Festival! 🥳 Mabuhay ang Lungsod ng Santa Rosa!

🎥: CIO Erick | Jojo | Ramil






🦁

18/01/2026

Congratulations sa Dominican College of Santa Rosa sa pag-uwi ng kampeonato sa 27th Sikhayan Festival Street Dance Competition! 🦁🏆

Isang makapigil-hiningang pagtatanghal na tunay na nagpakita ng talento, husay, at sigla ng Kabataang Rosense.

Maraming salamat din sa lahat ng lumahok at nakiisa sa isa na namang makasaysayang Sikhayan. See you all next year! 🎉🔥






🦁

Photos from Sikhayan Festival's post 18/01/2026

TINGNAN | Ipinamalas ng mga kalahok mula sa iba’t ibang mga paaralan sa lungsod ang kanilang galing at talento sa taunang Street Dance Competition ng Sikhayan Festival.

Sa taong ito, ang kompetisyon ay nilahukan ng mga mag-aaral mula sa Citi Global College Santa Rosa Campus, Queen Anne School of Santa Rosa, Holy Rosary College of Santa Rosa, Jesus the Exalted Name School, Dominican College of Santa Rosa, at Blessed Christian School de Sta. Rosa.

📸: CIO Monroe





🦁

Photos from Sikhayan Festival's post 18/01/2026

TINGNAN | SIKHAYAN FESTIVAL 2026 PARADE

Nagkaisa ang mga residente ng Lungsod ng Santa Rosa sa makulay na parada ng Sikhayan Festival 2026.

Pinangunahan ito nina Mayor Arlene Arcillas at Vice Mayor Arnold Arcillas, kasama ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, mga barangay, pribadong kompanya, organisasyon, at mga kalahok ng Sikhayan Street Dance Competition, bilang pagdiriwang ng kultura, sining, at pagkakaisa ng lungsod.

📸: CIO Tonypet






🦁

17/01/2026

HELLO SANTA ROSA! 🦁

Handa na ba kayo? Makisaya at makisikhay sa Facebook Live ng 27th SIKHAYAN Festival!

Mapapanood ito sa mga Official pages ng City Government of Santa Rosa at Sikhayan Festival. Huwag kalimutang mag-follow at mag-share para sabay-sabay tayong makisama sa pagdiriwang!






🦁

17/01/2026

1 DAY TO GO! 🥳🎉

Magkita-kita tayo bukas, Enero 18, 2026, para sa isang masayang selebrasyon ng kultura at pagkakaisa ng Pamilyang Santa Rosa. ❤️






🦁

Want your establishment to be the top-listed Arts & Entertainment in Santa Rosa?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


Santa Rosa
4026