AM+Architecture and Design

AM+Architecture and Design

Share

11/07/2026

⚠️ HUWAG MAGPADALA SA MAGANDANG SALES TALK. MAG-DUE DILIGENCE MUNA.

Araw-araw may mga homeowners na lumalapit sa akin dahil sa parehong problema—malaki na ang naibayad, pero hindi pa rin tapos ang bahay. Yung iba, napipilitang magsampa ng kaso para lang mabawi ang pinaghirapan nilang pera.

Bago ka pumirma ng kontrata at maglabas ng kahit isang piso:

✅ I-check ang contractor sa Google, Facebook, Reddit, at iba pang online platforms. Basahin ang reviews at reklamo kung meron.

✅ Humingi ng listahan ng at least 2 completed projects at 2 ongoing projects.

✅ Huwag mahiya na kausapin mismo ang mga dating at kasalukuyang kliyente. Tanungin sila:

* Natapos ba sa usapan?
* Kumusta ang kalidad ng trabaho?
* Maayos ba ang communication?
* May hidden charges ba?
* Susunod pa ba silang kukuha sa contractor na iyon?

✅ I-verify kung may valid na PCAB License, SEC/DTI Registration, Mayor’s Permit, at iba pang legal business documents.

Ang due diligence na aabutin lang ng ilang oras ay maaaring makapagligtas sa iyo sa milyon-milyong pisong pagkawala, stress, at mahabang kaso sa korte.

Mas mabuting mag-invest ng oras sa pag-check kaysa mag-invest ng taon sa pakikipaglaban sa korte.

Photos from AM+Architecture and Design's post 09/06/2026

Resort by the lake Project at Cavinti laguna

Photos from AM+Architecture and Design's post 22/05/2026

Verdana Imus Cavite Project 👍🏘

Want your business to be the top-listed Realtor/realty Service in Santa Rosa?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Santa Rosa
4026