Labas Senior High School Clinic
22/03/2024
23/01/2024
Ang usok mula sa Heated To***co Products (HTP) o v**e products na naglalaman ng tobako ay kinikilala pa rin bilang ‘tobacco smoke’ o usok ng tobako. Ang usok ng tobako ay masama sa kalusugan, nakaka-adik, at nakamamatay.
Ang e-cigarettes ay nagdudulot ng pagkalason, pagkapinsala, pagkasunog, o agarang toxicity sa katawan, kasama na ang pangingisay, matapos itong langhapin
Itigil ang paggamit ng v**e. Tumawag sa 1558 (DOH Quitline) para sa karagdagang tulong.
Sa bisyo, walang panalo!
23/01/2024
Ang kakulangan sa Iodine ay ang pinaka-karaniwang sanhi ng Goiter, isang pamamaga sa leeg dahil sa pinalaki na thyroid gland.
Pagkaing mayaman sa Iodine ang kakampi para maka-iwas sa Goiter. Kumain ng sapat na isda, dairy, itlog at iodized salt.
Magkaroon ng regular na pagsusuri sa iyong doktor upang makatulong na matukoy kung ikaw ay nasa mataas na panganib o KonsulTayo sa eksperto sa pinakamalapit na Primary Care Provider mo.
11/01/2024
Sabayang gamutan (Mass Drug administration) Kontra Bulate at Schistosomiasis tuwing buwan ng Enero!
Dalhin ang mga anak sa mga deworming services sa community health centers at school-based facilities. Nirerekomenda ang pagpurga sa lahat ng batang isa hanggang labing-dalawang taong gulang.
Abangan ang ating mga healthcare workers ngayong Enero na mamahagi ng gamot sa inyong lugar.
KonsulTayo sa eksperto sa pinakamalapit na Primary Care Provider mo.
08/12/2023
Ngayong Ears, Nose, Throat Consciousness Week hinihikayat ang lahat na may karanasan sa paulit-ulit na chronic sinusitis, hearing loss, ear infections, at matagalang sore throat na agad mag-schedule ng konsultasyon sa kanilang pinakamalapit na Primary Care Provider. Ito ay upang makuha ang maagang lunas at maiwasan na mapunta sa mas malalang kondisyon.
Huwag balewalain ang mga senyales, alagaan ang sarili, at kumonsulta sa Eksperto sa pinakamalapit Primary Care Provider sa inyong lugar.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Westdrive Subdivision Brgy. Labas
Santa Rosa
4026