Aunt TVie

Aunt TVie

Share

13/04/2026

Steak Night

21/05/2024

Ngayon, mas nauunawaan ko na si Mama.

Kung bakit kailangan kong gumising nang maaga kapag papasok sa eskwela. Dahil sa aking pagtanda'y oras ang isa sa pinakamahalaga.

Kung bakit kailangan kong matutunang asikasuhin ang sarili mag-isa, mula sa pagbibihis, hanggang sa pagsusuot ng medyas at sapatos. Dahil may mga panahon pala talagang ako lang mag-isa.

Kung bakit kailangan kong kumain ng mas masusustansya. Dahil magiging madalas palang titiisin ko ang gutom o'di kaya ay hindi ko na magagawang magluto sa bahay, at may mga pagkakataong kakapusin ako pilit.

Kung bakit kailangan kong matulog sa tanghali. Dahil mas mapapadalas pala 'yong hindi ako makatutulog sa gabi, na sa sobrang pagod ay mahihirapan akong hanapin ang pahinga ng katawan at diwa.

Kung bakit kailangan kong tiisin 'yong kirot kapag nagkakasugat ako mula sa pagkadapa. Dahil alam pala ni nanay na mas magiging marami pa ang beses na masusugatan ako mula sa mga hamon ng buhay.

Inihahanda n'ya pala ako, kasi alam n'yang hindi magiging madali.

Kaya pala.😔

Want your business to be the top-listed Shop in Santa Rosa?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Santa Rosa
4026