Bro elmer
26/03/2026
Abangan nyo mamaya ang aking next vlog tungkol sa pagtaas ng Bilihin ano ba ang sinasabi ng Biblia tungkol dito mamaya 7pm sama sama natin talakayin sa awa at tungkol ng Dios
Sa pangitain na ipinakita kay Juan, nakita niya ang ikatlong kabayo—isang kabayong maitim. Ang nakasakay dito ay may hawak na timbangan sa kanyang kamay.
Habang nakatingin siya, may tinig na nagsabi:
"Sa isang denario ay isang takal na trigo, at sa isang denario ay tatlong takal na sebada."
Ibig sabihin, darating ang panahon na napakamahal ng pagkain. Ang sahod ng isang buong araw na trabaho ay halos sapat lamang para sa kaunting pagkain upang mabuhay.
Ito ay larawan ng matinding kagutuman at krisis sa mundo. Ang timbangan ay simbolo na ang pagkain ay tila tinitimbang at kinokontrol, dahil sa kakulangan.
Ngunit may sinabi ring:
"Huwag mong ipahamak ang langis at ang alak."
Ipinapakita nito na kahit may kagutuman, may mga bagay na mananatili—o may mga taong hindi gaanong maaapektuhan.
Ang paalala ng talatang ito ay simple ngunit malalim:
Ang mundo ay dadaan sa mga pagsubok, kaya mahalagang maging handa hindi lamang sa buhay na ito kundi lalo na sa ating espirituwal na buhay.
🙏 Lumapit tayo sa Diyos habang may panahon pa.
"Huwag magulumihanan." ✨
Sa gitna ng mga balita ng digmaan, sakuna, at kaguluhan, pinaaalalahanan tayo ng Mateo 24 na ang lahat ng ito ay bahagi ng isang mas malaking plano. Hindi tayo dapat madaig ng takot, kundi mapuno ng pananampalataya. Ang wakas ay pasimula lamang ng Kaniyang muling pagparito. 📖🙏
📖 Mateo 7:7
Alam mo ba yung pakiramdam na parang ang daming pintuan sa buhay mo na sarado?
Nagdasal ka na…
Umiyak ka na…
Nag-isip ka na kung bakit parang walang sagot…
Pero na-realize ko, minsan kaya parang walang nagbubukas kasi hindi pa talaga tayo kumakatok.
Sabi sa Biblia,
“Humingi kayo at kayo’y bibigyan. Humanap kayo at kayo’y makakasumpong. Kumatok kayo at kayo’y pagbubuksan.”
Simple lang pakinggan, pero ang lalim.
Parang ganito yan…
May bahay. May pinto. May tao sa loob.
Hindi siya lalabas kung hindi ka kakatok.
Ganun din ang Diyos.
Hindi Siya malayo.
Hindi Siya nagtatago.
Pero gusto Niya, tayo ang unang lumapit.
Minsan kasi gusto natin agad sagot, agad himala, agad pagbabago.
Pero nakakalimutan nating kumatok nang may pananampalataya.
Yung totoong katok…
Yung hindi lang dahil may kailangan ka,
kundi dahil gusto mo Siyang makilala at makasama.
At ang maganda?
May pangako.
Hindi sinabi na “baka pagbuksan.”
Hindi sinabi na “depende.”
Ang sabi — pagbubuksan ka.
Kaya kung may pinagdadaanan ka ngayon,
kung pakiramdam mo sarado ang lahat ng pinto sa buhay mo…
Subukan mong kumatok ulit.
Pero this time, buong puso na.
Baka ang hinihintay lang ng Diyos…
yung katok mo. 💛🙏
Minsan, ang katotohanan ay nasa harap na natin, kailangan lang nating buksan ang ating mga mata at puso. Ano nga ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga larawang inanyuan? 📖✨
Hashtags:
"Bakit nga ba ipinagbabawal ng Dios ang pagkain ng dugo? Marami ang nagtatanong, ngunit ang sagot ay nasa loob mismo ng Biblia. Mula sa panahon ni Noe hanggang sa mga Apostol, ang utos na ito ay nananatili. Alamin natin kung bakit itinuturing na sagrado ang dugo sa paningin ng ating Lumikha.
Panoorin ang maikling pagbabahagi na ito. Pagpalain tayong lahat! 🙏📖"
"Paano natin mamahalin ang Dios na hindi nakikita, kung ang kapatid na ating nakikita ay hindi natin magawang mahalin? Balikan natin ang tunay na kahulugan ng Dakilang Utos. ✨ Shares "
Isang karangalan ang kilalanin Siya sa harap ng madla. ☝️ Proud to be His! "
Hi ako po Si Bro elmer mag babahagi po ako palagi sa inyo ng Salita ng Dios
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Brgy Caingin
Santa Rosa
4026