RPC Santa Rosa
06/06/2026
Nitong hapon, nagpatuloy ang paghahatid natin ng SCHOOL KITS sa ikalawang komunidad na benepisyaryo ng Season 2! 🩷✨
Sa unang pagkakataon, binisita nating muli ang Brgy Wawa sa Siniloan, Laguna para naman sa mga chikiting. Matapos ang higit tatlong oras na pag-ikot mula Rodriguez, Rizal patungong Siniloan, Laguna, masaya nating naipamahagi ang ating mga regalong kwento, libro, bag, water tumbler, tshirt, at mga gamit pang-eskwela.
Palagi, lubos ang pasasalamat natin para sa ating patuloy na . 🩷🩵
06/06/2026
🌸 ATM: Matapos makatawid sa ilog, agad na inihanda ng RPC Santa Rosa ang mga school kit na ipamamahagi sa mga bata. Ang mga ito ay mula sa pondong nalikom sa proyektong Pamilihang Fushia Season II.
Kasabay ng paghahanda ng mga school kit, nagsagawa rin ang Hope Builders, Dream Tracers ng isang maikling programa bago ang opisyal na pamamahagi. Bahagi ito ng layunin ng RPC Santa Rosa na makatulong sa paghahanda ng mga kabataan para sa nalalapit na pasukan ngayong taon.
Ang bawat school kit ay naglalaman ng mga notebook, libro, tumbler, school bags, T-shirt, bolpen, lapis, at mga pangkulay na magagamit ng mga bata sa kanilang pag-aaral.
Patuloy nating pinagtitibay ang paniniwalang ang bawat tulong para sa kabataan ay isang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan para sa ating bayan.
🇵🇭📚🎒
22/05/2026
NAG-ENJOY FUCHSIA sa kauna-unahang PAWS-shionista Pet Fashion Show for a Cause ng RPC Santa Rosa! 🐾🩷✨
Talagang umapaw ng cuteness at good vibes ang Day 2 ng noong May 17 dahil sa fur babies na lumaban at nanood sa ating Pet Fashion Show. Dagdag pa rin syempre ang love at support ng kanilang fur parents at buong pamilya na talaga namang ramdam na ramdam sa ating pop-up community market.
CONGRATULATIONS sa ating Champion, First runner-up, at Second runnder-up deserving fur babies! 🐕🐕🦺🦮
Hanggang sa susunod nating makabuluhang pamilihan at show, ! 🩷🩵
📸 All photos captured by RMD Photography
Click here to claim your Sponsored Listing.
Website
Address
Santa Rosa
4026