City of Santa Rosa Library

City of Santa Rosa Library

Share

20/05/2026

PAUNAWA:
Mga Dapat Dalhin para sa "Halina't Matutong Gumuhit"

Para sa lahat ng mga kalahok sa ating gaganaping Halina't Matutong Gumuhit, mangyaring ihanda at dalhin ang mga sumusunod na kagamitan:

2 piraso ng No. 2 Pencil

Pantasa

Sketch Pad (Sukat na short bond paper o mas malaki pa)

Paalala: Siguraduhing kumpleto ang inyong mga kagamitan upang mas maging tuloy-tuloy at masaya ang ating pag-aaral at pagbuo ng sining!

Maraming salamat at magkita-kita tayo!

14/05/2026

ANUNSYO

Ipinaaalam ng City Library na naipadala na ang mga text message sa mga kalahok ng Halina’t Matutong Magbasa at Halina’t Matutong Gumuhit.

Kung kayo ay nakapagparehistro ngunit walang natanggap na text message, mangyaring magpadala po ng PM sa aming page upang ma-verify namin ang inyong registration.

Maraming salamat po!

Photos from City of Santa Rosa Library's post 28/04/2026

ANUNSYO:

Halina’t Matutong Magbasa 2026.
Inihahandog ng Santa Rosa City Government, katuwang ang Polytechnic University of the Philippines Santa Rosa Campus, sa pamamagitan ng City of Santa Rosa Library, sa pagpapatuloy ng taunang programang 'Halina’t Matutong Magbasa".

PAANO SUMALI sa Halina’t Matutong Magbasa at Halina’t Matutong Gumuhit 2026?

Bukas ang reading tutorial program para sa mga batang:

• Edad 5–8 taong gulang – Reading Tutorial
• Edad 9–12 taong gulang – Reading Comprehension
• Edad 12–16 taong gulang – Drawing Workshop

Paraan ng Pagparehistro:
Step 1. Pumunta sa City of Santa Rosa Library upang kumuha at magsumite ng registration form.
Step 2. Dalhin ang isa (1) sa mga sumusunod na requirements:

• Photocopy ng Birth Certificate ng bata.
• Photocopy ng Valid ID ng bata.

Schedule ng Registration :

Mula Abril 29 hanggang Abril 30, 2026
8:00 AM – 5:00 PM

Mahalagang Paalala:
• Lahat ng aplikasyon ay sasailalim sa maingat na evaluation.
• Para sa patas na pamamahala ng slots, isang (1) bata lamang kada pamilya ang maaaring tanggapin sa programa.

Limited slots lamang kaya magparehistro agad!

Para sa karagdagang impormasyon, mag-message lamang dito sa aming page o bumisita sa City Library.

PAALALA: Ang ating programa ay First Come, First Served Basis. Maraming salamat!

Want your organization to be the top-listed Government Service in Santa Rosa?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Santa Rosa
4026