MATTY M's

MATTY M's

Share

20/02/2023

NANINIWALA AKO
BY: Mathew Mendoza

Naniniwala ako
Naniniwala ako sa mga kasabihan na madalas nating naririnig sa ating mga nakakatanda
Naniniwala ako sa mga kwento nilang hatid tungkol sakanilang kabataan
Naniniwala rin ako sa mga kwento nila tungkol sa mga kanilang pag ibig na natagpuan.

Minsan matatawa at matutuwa ka dahil sa mga kwento nilang hatid,
Minsan maiiyak at mahahalina ka sa mga kwentong kanilang sambit.

Gusto ko ang kwento ng pag ibig na sa tuwing kanila itong babanggitin ay nakikita ang ngiti sa kanilang mga labi.
Tila walang kapantay ang ligayang kanilang tangi
Walang hirap
Walang sakit
Walang hinagpis, hulagpos, at Panganib

Pero ang katotohanan sa likod ng mga kwentong ito ay ang milyong milyong pagsubok at Luha na natamo sa pag ibig.

Sa mga sugal at pag amin na kanilang hinarap, luha ang kapalit sa mga pusong naiwang wasak.

Sa mga bawat pag sambit ng salitang mahal kita, kapalit ay takot na baka may mahal pang iba.

Pero hindi ba mas masayang ikwento ang ganitong klaseng lakbayin ng Pag ibig?
Hindi lang tamis at lambing kundi kasama ang pait at pagkasawi.

Kaya madalas akong naniniwala sakanilang mga sinasabi. mga payo na tila mag tutulak sayo sa iyong unang pag hakbang patungo saiyong pang isang milyong sugal.

Kaya hanggat maaari pwede mo ba akong pakinggan?
Maaari mo ba akong titigan?
Maaari mo ba akong pagmasdan?
Nang sa ganon ay maitulak ko ang sarili sa Pag amin na ikaw ay akin ng minamahal.
Dahil naniniwala ako na sa aking pagtanda ay maikwekwento ko rin sa mga munting paslit kung paano rin ako nag mahal, kung paano kita minahal.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Santa Mesa?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Santa Mesa