Ang ANAC
16/11/2025
Dalawang Pahayagan ng Naganacan Elementary School, Pasok Muli sa RSPC 2025
Sa muling pagpapamalas ng husay at dedikasyon sa larangan ng campus journalism, muling namayagpag ang dalawang opisyal na pahayagan ng Naganacan Elementary School—The Nativity, ang English student publication, at Ang ANAC, ang Filipino student publication—matapos makapasok bilang mga kalahok sa nalalapit na Regional Schools Press Conference (RSPC) 2025.
Ang muling pagkakasama ng dalawang pahayagan sa RSPC ay hindi lamang bunga ng talino, kundi higit sa lahat ay resulta ng sipag, tiyaga, at matibay na samahan ng mga batang manunulat, ng suporta ng kanilang mga magulang, at ng patuloy na paggabay ng mga g**o.
Sa pangalawang pagkakataon, sabay na sasabak ang dalawang pahayagan sa kompetisyon.
Punong Patnugot : Shekaina Caleigh D. Pascua
Katuwang na Patnugot:
Chris Landrei B. Gonzales
Romnick T. Sumawang.
Balita: Fritzie D. Antalan
Ayessa P. Ramos
Opinyon: Nhigel B. AlingodIdagdag
Diandra Tangca
Crizah Mae Solis
Lathalain: Princess Diane L. Alaysa,
Zian Carl O. Mendoza
Palakasan: Zhamira G. Ongcoy
Makia Anthonette U. Pomasin
Agham at Teknolohiya:
Jhon Renzo T. Gazzingan
Casimer B. Galera
Kartung Pang-Editoryal:
Ma. Feyonce D. Antalan
Patchecko M. Cabauatan
Tagakuha ng Larawan:
Zairus Mateo C. Garcia
Althea Claire B. Feliciano
School Paper Advisers:
Ma'am Belinda Vinasoy
Ma'am Christy Eva Antalan
Ma'amFlorentina Macapia.
School Head: Sir Jaevon Bingayan
District Journalism Coordinator :
Ma'am Rhodora Maraggun Mercado
LD 1 Journalism Coordinator:
Ma'am Felidar Beltran
Public Schools District Supervisor:
Sir Erwin Guillermo, EdD
EPS/ Division Journalism Focal Person:
SirJay Gallegos.
Inaasahang dadalo at makikipagtunggali ang Naganacan Elementary School sa RSPC 2025 dala ang pagnanais na makamit ang mas mataas pang pagkilala sa larangan ng campus journalism.
Sa Diyos Lahat ang Papuri!
26/10/2025
“Tinig ng Kabataan, Tinig ng Naganacan!”
Basahin na ang mga Pinakabagong Isyu!
Narito na ang mga balita, kuwento at tagumpay mula mismo sa ating paaralan!
Huwag palampasin — Alamin, Makibahagi, at Maging !
21/10/2025
Lubos naming ipinagmamalaki ang aming butihing punong-g**o, Sir Jaevon V. Bingayan — isang NASH passer! 🎉👏
Ang iyong galing, husay, at kabutihan ay tunay na kahanga-hanga at nagsisilbing inspirasyon sa buong Naganacan Elementary School.
Ang iyong dedikasyon, sakripisyo at pagsisikap ay nagbunga — ang NES family ay proud na proud po sa inyo sir!
31/07/2025
Hanggat May Malusog na Bata, May Magandang Bukas
Nutrition Month 2025, Masaya at Makabuluhang Ipinagdiwang sa Naganacan Elementary School
Masigla, makulay, at makabuluhan ang naging pagdiriwang ng Naganacan Elementary School sa Culminating Activity ng Nutrition Month 2025 sa ilalim ng pamumuno ng kanilang School Head na si Sir Jaevon Bingayan. Katuwang ang mga g**o, magulang, at mag-aaral, layunin ng aktibidad na palaganapin ang kahalagahan ng wastong nutrisyon bilang pundasyon ng isang malusog na katawan at matalinong isipan.
Tampok sa selebrasyon ang sabayang paghataw sa Galaw Pilipinas 💃🕺, malikhaing Cooking Fest 👩🍳🥗, makukulay na Jingle Performances 🎶 na may kasamang Costume Parade 👗🎭, kapanapanabik na NutriQuiz 🧠❓, at masayang room picnic 🍱🥪. Lalong pinagtibay ng mga gawaing ito ang samahan at diwa ng pagkakaisa sa bawat silid-aralan.
Isang araw ito ng kasiyahan, pagtutulungan, at edukasyon, tungo sa iisang layunin: ang magsulong ng wastong nutrisyon para sa mas maliwanag na kinabukasan ng kabataan.
Lubos ang pasasalamat ng paaralan sa lahat ng nakiisa. Sama-sama nating itaguyod ang malusog na pamumuhay—dahil hanggat may malusog na bata, may magandang bukas. 💪🧠
🥕
🏫
😍
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
NAGANACAN
Santa Maria
3330