Paseo HOA Admin
Happy Holidays po sa ating mga kapwa taga-Paseo! 🎄
Kaugnay po ng ating huling General Assembly, nais po naming ipaalam na magkakaroon tayo ng simpleng Year-End Party (potluck style) para sa lahat ng residente ng Paseo. Inaanyayahan po natin ang bawat pamilya na magdala ng konting putahe na maaaring ma-enjoy at maibahagi sa ating mga kapitbahay.
📅 Petsa: December 28, 2025
📍 Lugar: Phase 2 Court
🕓 Oras: 4:00 PM
Maghahanda po tayo ng maikling programa at may mga pa-raffle na magmumula sa ating mga sponsors.
Inaanyayahan po namin ang lahat na makilahok at makidalo. Maraming salamat po at kitakits! ✨
Magandang umaga po sa lahat ng taga-Paseo.
Ipinapaalam po namin na available ang Vehicle Sticker Form sa ating opisina. Inaanyayahan po natin ang lahat ng residente na kumuha nito at makiisa sa ating proseso.
Hinihiling din po namin na iwasan ang pakikipagtalo sa ating mga security guard, dahil ginagampanan lamang po nila ang kanilang tungkulin para sa kaayusan at kaligtasan ng ating subdivision.
Mga Requirements:
-Vehicle Sticker Form
-Xerox copy ng OR/CR ng sasakyan
-Valid ID ng driver (Xerox Copy)
Sticker Validity: Hanggang December 2026
Presyo:
₱300 para sa 4-wheels
₱150 para sa motorcycle at tricycle
Maraming salamat po sa inyong pakikipagtulungan. Mag-ingat po tayong lahat.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Paseo De San Roque Village Ph 2 Clubhouse
San Rafael
3008
Opening Hours
| Monday | 8am - 12pm |
| Tuesday | 8am - 12pm |
| Wednesday | 8am - 12pm |
| Thursday | 8am - 12pm |
| Friday | 8am - 12pm |
| Saturday | 2pm - 6pm |