San Rafael MPS Activities

San Rafael MPS Activities

Share

San Rafael Police Activities and Achievements

#ToServeAndProtect
#SaBagongPilipinasAngGustoNgPulisLigtasKa
#MakabagongPulisSaMakabagongPanahonRespetadoAngMamamayanDisiplinadoAngKapulisan

07/03/2026

National Women's Month 2026
San Rafael MPS Wapots 💜 💜💜

22/02/2026

SAN RAFAEL MPS- BULACAN PPO

Noong Pebrero 21, 2026, bandang alas-10:00 ng gabi, rumesponde ang mga tauhan ng San Rafael MPS sa isang insidente ng truck na namatayan ng makina sa gitna ng kalsada sa kahabaan ng Bypass Road Brgy. Mabalas-balas, San Rafael, Bulacan.

Pinangunahan nina PCpl Sir James Willian Lubo at PCpl Eldrid Rivera, sa ilalim ng superbisyon ni PTCOL PROTOM E GUEVARRA, ACOP, ang agarang pagtulong sa nasabing sasakyan. Hindi nag-atubili ang mga kapulisan na itulak ang truck patungo sa gilid ng daan upang maiwasan ang posibleng aksidente at maibsan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Patuloy ang San Rafael MPS sa kanilang dedikasyon sa pagbibigay-serbisyo sa komunidad nang may malasakit at kagandahang-loob, lalo na sa mga higit na nangangailangan. Ang ganitong mga gawain ay patunay ng kanilang adbokasiya na palakasin ang ugnayan sa komunidad at tiyaking nararamdaman ng bawat mamamayan ang suporta, presensya, at malasakit ng kapulisan.

17/02/2026

SAN RAFAEL MPS - BULACAN PPO

TIGNAN:
Isinagawa ngayong Pebrero 17, 2026 bandang 5:30 ng hapon ang Fun Run ng San Rafael Municipal Police Station, sa pangunguna ni PLTCOL PROTOM E GUEVARRA, ACOP, bilang bahagi ng kanilang adbokasiya sa 10-kilometrong weekly Run/Walk upang maisulong ang malusog at aktibong pamumuhay ng bawat personnel.

Layunin ng aktibidad na palakasin hindi lamang ang pisikal na kalusugan ng mga kapulisan kundi pati na rin ang kanilang mental well-being, pagkakaisa, at camaraderie sa hanay ng mga personnel. Ipinapakita rin nito ang pagpapahalaga ng San Rafael MPS sa balanseng pamumuhay bilang mahalagang salik sa epektibo, propesyonal, at responsableng pagtupad ng tungkulin sa paglilingkod at pangangalaga sa komunidad.

Ang Fun Run/Walk na ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng San Rafael MPS na maging huwaran sa healthy lifestyle, disiplina, at malasakit sa kapwa, alinsunod sa layunin ng PNP na magkaroon ng malusog, handa, at propesyonal na kapulisan para sa mamamayan.

Want your organization to be the top-listed Government Service in San Rafael?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Sampaloc
San Rafael
3008