Barangay Alua

Barangay Alua

Share

Photos from Barangay Alua's post 03/06/2026

📢 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘𝗦 | 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗦𝗬𝗦 𝗜𝗗 𝗦𝗔𝗧𝗘𝗟𝗟𝗜𝗧𝗘 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Ngayong araw, Hunyo 3, 2026, ay kasalukuyang isinasagawa sa ating Barangay Hall ang Satellite PhilSys (National ID) Registration.

Ang pagpaparehistro ay nagsimula ngayong ika-9:00 ng umaga at magtatagal hanggang ika-3:00 ng hapon.

Inaanyayahan ang lahat ng nagnanais magparehistro na magtungo sa ating Barangay Hall at magdala ng anumang valid ID para sa mas mabilis na proseso.

Photos from Barangay Alua's post 02/06/2026

📢 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘𝗦 | 𝗕𝗥𝗜𝗚𝗔𝗗𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔 2026

Ngayong Hunyo 2, 2026, pormal nang sinimulan ang Brigada Eskwela 2026 sa ating Alua Elementary School. Ito ay sa pangunguna ng mga g**o at kawani ng paaralan, katuwang ang Pamahalaang Barangay ng Alua sa pamumuno ni Brgy. Chairman Hon. Rodolfo Velasco, Jr., kasama sina Education Committee Chairman Hon. Noel Cucio at Environment Committee Chairman Hon. Anselmo De Guzman.

Nakiisa rin ang iba't ibang mga sektor at sangay ng pamahalaan, mga organisasyon, institusyon, at mga volunteers upang magsagawa ng mga gawaing panglinis, pagkukumpuni, at paghahanda ng mga pasilidad ng paaralan.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan at bayanihan, layunin ng Brigada Eskwela na matiyak ang isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa mga mag-aaral sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa Hunyo 8, 2026.

Sama-sama para sa edukasyon. Sama-sama para sa kinabukasan ng kabataan ng Alua! 📚🏫✨

02/06/2026

𝙈𝘼𝙂𝘼𝙉𝘿𝘼𝙉𝙂 𝘽𝘼𝙇𝙄𝙏𝘼 𝙈𝙂𝘼 𝙆𝘼-𝘽𝘼𝙍𝘼𝙉𝙂𝘼𝙔!

Ngayong darating na Miyerkules, 𝙅𝙪𝙣𝙚 3, 2026 ay magkakaroon sa ating Barangay Hall ng 𝗦𝗔𝗧𝗘𝗟𝗟𝗜𝗧𝗘 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗦𝗬𝗦 (𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗜𝗗) 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡. Magsisimula po ito sa ganap na 𝗜𝗸𝗮-9:00 𝗻𝗴 𝗨𝗺𝗮𝗴𝗮 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 3:00 𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗽𝗼𝗻.

Magdala ng mga sumusunod:

Para sa mga 𝗡𝗢𝗡-𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧 magdala ng 𝗕𝗜𝗥𝗧𝗛 𝗖𝗘𝗥𝗧𝗜𝗙𝗜𝗖𝗔𝗧𝗘 𝗼 𝗔𝗡𝗬 𝗩𝗔𝗟𝗜𝗗 𝗜𝗗;

Para naman sa mga 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧 magdala ng 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧 𝗜𝗗 𝗼 𝗔𝗡𝗬 𝗩𝗔𝗟𝗜𝗗 𝗜𝗗.

27/05/2026

𝙋𝙐𝘽𝙇𝙄𝘾 𝘼𝙉𝙉𝙊𝙐𝙉𝘾𝙀𝙈𝙀𝙉𝙏 | May 27, 2026

Magandang Balita para sa mga San Isidro Scholarship applicants ni Cong. Emeng Pascual. Bukas (May 28), ang ating payout at pagbibigay ng educational assistance. Ito ay sa ganap na ika-8:00 ng Umaga sa San Isidro Central School Gymnasium.

26/05/2026

Eid Mubarak! 🌙✨

Ang Pamahalaang Barangay Alua ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Eid al-Adha, isang banal na okasyon ng pananampalataya, sakripisyo, pagmamahalan, at pagbabahagi. Nawa’y magdala ito ng kapayapaan, pagkakaisa, at masaganang biyaya sa bawat pamilya at komunidad.

Maligayang pagdiriwang sa ating mga kapatid na Muslim!

Photos from Barangay Alua's post 22/05/2026

𝘽𝙍𝙂𝙔. 𝙐𝙋𝘿𝘼𝙏𝙀𝙎 | May 22, 2026

𝙉𝙂𝘼𝙔𝙊𝙉𝙂 𝙈𝘼𝙔𝙊 22, 2026, patuloy na isinasagawa ang Purokalusugan sa ating Barangay Health Center sa pangunguna ng ating Municipal Health Office (MHO) katuwang ang ating mga Barangay Health Workers (BHWs) at mga opisyal ng barangay.

Patuloy pa ring tumatanggap ng mga nais magpa-check-up hanggang ika-2:00 ng tanghali. Inaanyayahan ang lahat na samantalahin ang pagkakataong ito para sa inyong kalusugan at kapakanan.

Photos from Barangay Alua's post 20/05/2026

𝙋𝘼𝘽𝘼𝙏𝙄𝘿!

𝙋𝙐𝙍𝙊𝙆 𝙆𝘼𝙇𝙐𝙎𝙐𝙂𝘼𝙉

Ang atin pong Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Municipal Health Office (MHO) ay magkakaroon ng 𝙋𝙐𝙍𝙊𝙆 𝙆𝘼𝙇𝙐𝙎𝙐𝙂𝘼𝙉 sa ating barangay sa darating na May 22, 2026 sa ganap na 8:00 ng umaga hanggang 2:00 ng Tanghali sa ating Barangay Health Center.

Mga Serbisyo:
• Medical Check up
• Dental Check up - limited slot
• Libreng mga Gamot
- Pre-natal / breast screening / family planning
- VIA - visual inspection with acetic acid
- HIV / Hepa B screening
- Vitamin A
- NIP
- Nutrition

Magkita-kita po tayo, mga Ka-Barangay!

16/05/2026

Regular na hakot ng ating basura sa barangay ay tuwing araw ng Linggo. Kaya panatilihin ang kalinisan ng ating Barangay.

Want your organization to be the top-listed Government Service in San Isidro?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Alua, Nueva Ecija
San Isidro
3106