DepEd ROI Human Resource Development Division - HRDD

DepEd ROI Human Resource Development Division - HRDD

Share

31/01/2023

๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก | ๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—ง๐—”๐—š: ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—˜๐—ฑ, ๐—น๐˜‚๐—น๐˜‚๐˜๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ต๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ฐ ๐—ฒ๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป

LUNGSOD NG PASAY, Enero 30, 2023 - Inilunsad nitong Lunes ni Pangalawang Pangulo at Kalihim ng Edukasyon Sara Z. Duterte ang MATATAG: Bansang Makabata, Batang Makabansa, upang itakda ang bagong direksyon ng Kagawaran at mga stakeholder sa paglutas ng mga hamon sa basic education.

Sa harap ng mahigit-kumulang 400 edukasyon stakeholders, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dumalo sa pagtitipon, inilatag ni VP-Secretary Duterte ang mga hamon at mga napagtagumpayan ng DepEd, na sinundan ng paglalahad ng bagong battle cry ng sektor ng basic education.

โ€œWe will rally for an improved learning system in the country. Together, we will rally for every Filipino child. Para sa isang MATATAG na Bayan. Para sa ating mahal na Pilipinas,โ€ pahayag ni Duterte sa kanyang Basic Education Report (BER) para sa 2023.

Ayon kay Duterte, magkakaroon ng apat na kritikal na bahagi ang MATATAG:

โ€ขMAke the curriculum relevant to produce competent and job-ready, active, and responsible citizens;
โ€ขTAke steps to accelerate delivery of basic education facilities and services;
โ€ขTAke good care of learners by promoting learner well-being, inclusive education, and a positive learning environment; and
โ€ขGive support to teachers to teach better.

โ€œWe know that the road will be bumpy, but our direction is clear. We know that the challenges are vast, but we Filipinos are resilient. We will overcome,โ€ dagdag ni Duterte sa pagbibigay-diin na ang kanyang interes sa kinabukasan ng edukasyon ng Pilipinas ay napaka-personal.

Sa kanyang BER, ibinigay rin ni VP-Sec. Duterte ang mga tiyak na direksyon at inisyatiba na bubuo sa apat na bahagi, kabilang ang pagpapabuti ng kurikulum sa pamamagitan ng pagtuon sa mga pundasyon na kasanayan at pagsasama ng peace competencies, pagtatayo ng mas matibay na mga eskuwelahan at silid-aralan, pagpapalakas ng mga inklusibong programang pang-edukasyon, pagtataguyod para sa karagdagang benepisyo ng mga g**o, at pagbibigay ng mga propesyonal na programa sa pag-unlad, bukod sa iba pa.

Dagdag dito, muling iginiit ni Duterte ang kanyang commitment sa pagbibigay ng sapat na suporta sa libo-libong mga g**o sa bansa.

โ€œWe thank you for your sacrifices. Maraming salamat po sa inyong dedikasyon. Hindi po namin kayo pababayaan,โ€ aniya.

Hinikayat din ni Duterte ang mga stakeholder na makilahok sa DepEd sa pagbuo ng MATATAG na bansa.

โ€œImproving access, equity, equality, resiliency, and well-being will not happen overnight, nor it can be done by DepEd alone. We need a national commitment and sustained effort from all sectors of the society,โ€ pagbibigay-diin niya.

Matapos ang paglulunsad ng MATATAG, isinulat nila Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., VP-Sec. Duterte, Senate President Juan Miguel Zubiri, Senador Sherwin Gatchalian, Rep. Roman Romulo, at iba pang education partners ang kanilang mga commitment at suporta para sa bagong basic education agenda.

Want your school to be the top-listed School/college in San Fernando?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Department Of Education Regional Office 1
San Fernando
2500