SAMAL Public Information Office - PIO

SAMAL Public Information Office - PIO

Share

Photos from Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Bataan's post 28/05/2026

[FOR INFORMATION]

Kasalukuyang nakakaranas ng malakas hanggang matindi na paguulan na may kasamang kulog at kidlat ang ilang bayan sa ating Lalawigan ngayong gabi. Ayon po sa pinakalatest na thunderstorm advisory ng PAGASA, tatagal po ito sa loob ng dalawang (2) oras.

Nagbunga din po ito ng power interruption sa ilang bayan sa ating lalawigan.

⚠️ Pinapayuhan po ang lahat na manatili sa kani kanilang mga tahanan o humanap ng masisilungan kung kayo po ay nasa labas.

⚠️ Sa ating mga kababayan na nagmamaneho, magdoble ingat po tayo o kung maaari ay itabi muna natin ang ating mga sasakyan kung malakas na ang buhos ng ulan.

⚠️Mag ingat sa paggamit ng kandila sa mga kababayan natin na nakakaranas ng power interruption upang maiwasan ang anumang sakuna

Manatili po tayong nakaantabay sa mga iba pong anunsyo.

Talaan:
Thunderstorm Advisory No. 7
Satellite Imagery from Windy
Meteologix

Photos 27/05/2026
27/05/2026

Maligayang pagdiriwang ng Eid-al Adha sa ating mga kapatid na Muslim!

Nawa’y maging makabuluhan ang banal na pagdiriwang na ito na sumisimbolo ng pananampalataya, sakripisyo, pagkakaisa, at pagmamahal sa kapwa. Dalangin namin ang kapayapaan, kasaganaan, at patuloy na pagkakaunawaan sa bawat pamilya at komunidad.

Photos from SAMAL Public Information Office - PIO's post 18/05/2026

ANUNSYO mula sa MSWDO SAMAL:

Narito ang schedule ng Payout ng ANNUAL (BIRTHDAY) CASH GIFT para sa mga SENIOR CITIZEN sa ating Bayan na nagdiwang at magdiriwang ng kanilang kaarawan ng buwan ng ABRIL 2026.

Dalhin lamang ang mga sumusunod:

-Xerox Copy (2 Kopya) ng Valid ID
-OSCA ID
Kung hindi naman makukuha ng mismong SENIOR CITIZEN, magdala ng AUTHORIZATION LETTER at XEROX ng ID ng CLAIMANT at OSCA ID ng Senior Citizen.

Maraming salamat po!

Photos from SAMAL Public Information Office - PIO's post 14/05/2026

Ngayong araw ay ginanap ang pamamahagi ng Fuel Voucher nagkakahalaga ng ₱3,000 para sa ating mga Tricycle Drivers na mula sa Pamahalaang Bayan ng Samal sa pangunguna ng ating Punong Bayan na si Alexander C. Acuzar.

Layunin ng programang ito na makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan sa gasolina bilang pagtugon sa kasalukuyang krisis dulot ng gyera sa gitnang silangan na direktang apektado ang ating mga tricycle drivers dito sa Bayan ng Samal.

Kaisa po ang ating pamunuang Bayan ng Samal sa Pag-angat at Pag-asenso ng ating mga kapwa Tricycle Drivers. Saludo po kami sa inyo!

14/05/2026

Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng mga pumasa sa 2026 Civil Service Examination!

Ang inyong tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, pagpupursige, at walang sawang pananalig sa inyong kakayahan. Tunay na kahanga-hanga ang inyong dedikasyon upang maabot ang isa sa mga mahalagang hakbang tungo sa paglilingkod-bayan.

Muli, congratulations sa inyong lahat! Mabuhay kayong mga bagong Lingkod Bayan!

Want your organization to be the top-listed Government Service in Samal?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Samal New Municipal Hall, Poblacion
Samal
2113