Kuya Tom
19/10/2025
Maligayang Kaarawan po Governor Nina Ricci Ynares! ๐
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagmamalasakit, suporta, at inspirasyon para sa Distrito 4 ng Bayan ng Montalban at sa buong lalawigan ng Rizal.
Ang inyong dedikasyon sa tunay na serbisyo publiko ay patuloy na nagbibigay-gabay at inspirasyon sa amin tungo sa patuloy na pag-unlad ng ating lalawigan.
Nawaโy pagpalain pa kayo ng Poong Maykapal ng kalusugan, karunungan, at lakas ng loob sa inyong pagpapatuloy ng tapat na paglilingkod sa bawat Rizaleรฑo. ๐
Mabuhay po kayo, Gov. Nina Ricci Ynares!
17/10/2025
Kabataan, tayo na! Ipakita ang iyong lakas, talino at paninindigan para sa bayan ๐ต๐ญ
Ang pagpaparehistro ay higit pa sa simpleng proseso ito ay paninindigan para sa kinabukasan ng iyong komunidad.
Sa iyong boto, may kapangyarihan kang pumili ng mga lider na tapat, makatao, at may malasakit sa kabataan at bayan.
Oktubre 20, 2025 โ Mayo 18, 2026 8:00 AM โ 5:00 PM (Lunes hanggang Sabado, kasama ang Holidays)
Magtungo sa pinakamalapit na COMELEC office sa ating distrito Dalhin lamang ang iyong valid ID.
Ang pagbabago ay nagsisimula saโyo. Magpa-rehistro na at maging boses ng kinabukasan.
15/10/2025
๐๐๐๐ฃ๐๐ก ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ-๐๐ถ๐๐๐ฟ๐ถ๐๐ผ ๐๐๐ฎ๐๐ฟ๐ผ!
Mahigit 1,300 kababayan mula sa ika-apat na Distrito ang nakatanggap ng tulong pinansyal bilang tugon sa kanilang medical, funeral, at financial assistance sa pamamagitan ng ating opisina.
Lubos ang ating pasasalamat sa DSWD sa patuloy na pag-agapay at suporta sa Montalban, gayundin sa Lokal na Pamahalaan ng Montalban sa pangunguna ni Mayor Ronnie S. Evangelista, at sa ating butihing Gov. Nina Ricci Ynares sa walang sawang pagtulong sa ating mga inisyatibo.
Patuloy po nating pinatutunayan na ang tiwala ng mga Montalbeรฑo ay naibabalik sa pamamagitan ng serbisyong may puso at malasakit.
Para sa mga nais lumapit at humingi ng medical o burial assistance, maaari po kayong bumisita sa ating mga satellite offices sa Distrito 4:
๐ RPL Building, 2nd Floor (Tapat ng Simbahan)
๐ Barangay San Rafael Satellite Office (Tapat ng Baliwag Lechon)
๐ San Isidro Satellite Office (2nd Floor, Puregold San Isidro)
๐ Barangay Puray Satellite Office (Harap ng Puray Elementary School)
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Address
Rodriguez
1860