Sigay
07/05/2024
CAREER PARADE | Buong pagmamalaking ipinarada ng mga mag-aaral ng ika-10 baitang ang kanilang kasuotan bilang pagpapahayag ng kanilang mga hinahangad na karera sa hinaharap.
Ang nasabing parada ay kabilang sa Career Guidance Advocacy Program ng Ramon National High School.
08/02/2024
𝗕𝗘𝗞𝗦𝗞𝗘𝗧𝗕𝗔𝗟𝗟 | Nagpakitang gilas ang mga mag-aaral na kabilang sa LGBTQIA+ community para sa kauna-unahang RNHS Beksketball na ginanap sa Doña Aurora M. Abaya Amphitheater.
Ang nasabing laro ay pinangunahan ni G. Billy Jay V. Valeros, SSLG Adviser at Presidente ng Bulalayaw sa Bayan ng Ramon.
Bukod sa pagbibigay aliw, layunin din ng larong ito na ipakita ang kakayahan ng mga tinaguriang "beki" sa kahit anumang larangan.
Sa huli ay itinanghal na panalo ang Team Malu sa iskor na 13 laban sa Team Masi na nakakuha naman ng 8 puntos.
𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡: Humataw ang sangkaguruan ng Ramon National High School para sa Opening Salvo ng ika-51 Anibersaryo ng paaralan.
🎥 Melody Cabuyadao Bilog
08/02/2024
𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗜𝗦𝗔
Mga mag-aaral at g**o, sabay-sabay na humataw para sa Galaw Pilipinas. Ito ay bilang pakikiisa pa rin sa pagdiriwang ng ika-51 na Anibersaryo ng pagkakatatag ng Ramon National High School.
07/02/2024
𝐑𝐍𝐇𝐒 51𝐬𝐭 𝐅𝐨𝐮𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲 𝐔𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞
Sinimulan ang ikalawang araw ng selebrasyon nang isang masiglang Fun Run sa pangunguna ng mga opisyales ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) na nilahukan ng mga mag-aaral, g**o, magulang at ilang stakeholders.
07/02/2024
TINGNAN | Pormal nang binuksan ang selebrasyon ng 51st Founding Anniversary ng Ramon National High School, dating Magat Region Barangay High School, ngayong araw.
Kasama sa pagdiriwang na ito ang mga former principals, Oscariz Barangay officials, stakeholders, mga magulang at propesyonal na siya ring mga produkto ng paaralang ito.
27/01/2024
𝐓𝐚𝐫𝐚 𝐍𝐚 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐠𝐩𝐚𝐭𝐚𝐥𝐚!
Maging bahagi ng aming tahanang 𝐑𝐚𝐦𝐨𝐧 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥, ang 𝐇𝐨𝐦𝐞 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐎𝐫𝐢𝐠𝐢𝐧𝐚𝐥𝐬, para sa taong panuruan 2024-2025.
20/01/2024
TINGNAN | Nagpakitang-gilas sa hataw at pagiging malikhain ang mga mag-aaral ng ika-9 na baitang at ika-12 na baitang ng HUMSS at GAS strand, kahapon, ika-19 ng Enero taong kasalukuyan sa Amphitheater, Ramon National High School.
Sa isang kamangha-manghang pagtitipon, nagsanib-puwersa ang mga mag-aaral para sa isang natatanging Trashion Show ng ikaw-12 na baitang bilang aktibidad sa asignaturang Contemporary Philippine Arts from the Regions (CPAR). Ang Trashion Show ay nagbigay diwa sa pagiging malikhain ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng recyclable na mga materyales upang makabuo ng kanilang mga natatanging damit. Ipinakita ng bawat modelo ng damit ang kahalagahan ng pagsasabuhay ng pagiging eco-friendly. Naiuwi nina Carlo Gajete at Angel Nugal ng 12-Hope ang King at Queen Trashion Show.
Samantala, nagtagisan ng kanilang kakayahan sa pagsasayaw ang mga mag-aaral sa ika-9 na baitang ng Latin Dance para naman sa kanilang asignatura sa Physical Education (PE). Ito ay nagbigay ng pagkakataon para sa mga mag-aaral na ipakita ang kanilang talento sa pagsayaw at makipag-ugnayan sa isa't isa sa isang masiglang pag-indak. Iginawad naman ang gantimpalang champion sa 9-Diamond sa isinagawang pagsasayaw.
Bilang pagtatapos, isinabay din ang pagbibigay gantimpala sa isinagawang Drama Play ng mga ika-12 na baitang ng HUMSS at GAS strand noong nakaraang Martes, Enero 19 taong kasalukuyan.
🪶 Pamela Mangalinao
05/01/2024
HAPPENING NOW| Kasalukuyang ginaganap ang Work Immersion Program Orientation para sa mga mag-aaral ng Grade 12 bilang paghahanda sa nalalapit na Work Immersion Deployment.
06/12/2023
𝗣𝗨𝗡𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗦𝗔| Iba't ibang punla ng mga puno ngunit iisang hangaring maghandog regalo ang magiliw na itinanim sa malawak na parang ng Ramon National High School (RNHS) bilang pakikiisa sa proyektong 𝘿𝙀𝙋𝙀𝘿'𝙎 236,000 𝙏𝙍𝙀𝙀𝙎 - 𝘼 𝘾𝙃𝙍𝙄𝙎𝙏𝙈𝘼𝙎 𝙂𝙄𝙁𝙏 𝙁𝙊𝙍 𝘾𝙃𝙄𝙇𝘿𝙍𝙀𝙉.
Ito ay nilahukan ng mga g**o, kawani, mag-aaral mula sa Humanities and Social Sciences (HUMSS), at mga opisyales ng SSLG at YES-O Club.
Ang nasabing proyekto ay naglalayong maturuan ang mga bata na pahalagahan at pangalagaan ang kalikasan tungo sa malinis at maayos na kinabukasan.
𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Matagumpay na natapos ang programa bilang pagdiriwang sa 𝑷𝒂𝒎𝒃𝒂𝒏𝒔𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒖𝒘𝒂𝒏 𝒂𝒕 𝑨𝒓𝒂𝒘 𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒈𝒃𝒂𝒔𝒂 sa Doña Mercedes M. Abaya Amphitheatre, Ramon National High School, araw ng Martes, ika- dalawampu't walo ng Nobyembre taong kasalukuyan. Ito ay may temang "𝑷𝒂𝒈𝒃𝒂𝒔𝒂: 𝑷𝒂𝒈-𝒂𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑴𝒂𝒕𝒂𝒕𝒂𝒈 𝒏𝒂 𝑲𝒊𝒏𝒂𝒃𝒖𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏" na siyang binigyang buhay at kahulugan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapamalas ng kani-kanilang talento. Dumalo rin ang nagsilbing guest speaker na si Gng. Grace Candice Arquero-Urbano, MaEd na nag-iwan ng makabuluhang mensahe para sa lahat ng mga mag-aaral.
Nagkaroon ng ibat-ibang patimpalak na nilahukan ng mga mag-aaral bawat baitang:
Grade 7: Paggawa ng Tula
Grade 8: Paggawa ng Sanaysay
Grade 9: Kwentong Salaysay
Grade 10: Debate
Grade 11: Paggawa ng Poster
Grade 12: Kwentong Makabanghay
Upang mas makapagbigay ng oportunidad na maipamalas ang talento ng iba, nagsagawa rin ng patimpalak na nilahukan ng grupo mula sa bawat baitang:
Grade 7: Speech choir
Grade 8: Balagtasan
Grade 9: Tindahan ni Aling Nena
Grade 10: Jingle Making
Grade 11: Interpretatibong pagsayaw
Grade 12: Audio Visual Presentation
Nagtanghal ang mga mag-aaral sa isinigawang programa kasabay ng pagbibigay ng parangal sa mga nagwagi sa ibat-ibang patimpalak. Tunay ngang naisabuhay ng mga mag-aaral ang diwa at kahalagahan ng pagbasa na siyang babauning kaalaman sa pagtahak ng kanilang buhay.
🪶 Pamela Mangalinao at Princess Rosario
📷 RNHS AVP (documentary) team
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Ramon
3319