Congressman Ralph Tulfo

Congressman Ralph Tulfo

Share

Photos from Congressman Ralph Tulfo's post 07/07/2026

𝐖𝐇𝐄𝐄𝐋𝐂𝐇𝐀𝐈𝐑 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐍𝐀𝐆𝐇𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀-𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐓𝐎

Kaisa sina Kagawad Fe Guarin at Kagawad Darwin Zepeda, naipahatid natin ang sorpresa nating wheelchair sa ating mga ka-Distrito mula sa Brgy. Payatas na sina Tatay Nonito Eligan, 52 y/o, na isang CKD patient, Lola Adelaida Jatulan, 62 y/o, Stroke patient, Lola Agrifina Guianan, 67 y/o, na may Breast Cancer, at Limuel Samijon, 27 y/o, isang bedridden.

Makakaasa po kayo sa patuloy nating pagsasagawa ng Responsable at Tapat na paglilingkod na layong umagapay at pangalagaan ang kapakanan ng bawat mamamayan ng Distrito Dos.

Maraming salamat po!

Photos from Congressman Ralph Tulfo's post 05/07/2026

𝐁𝐑𝐆𝐘. 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐒𝐀𝐍 𝐇𝐈𝐋𝐋𝐒, 𝐒𝐄𝐍𝐓𝐑𝐎 𝐍𝐆 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐊𝐀𝐋 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐍𝐆𝐆𝐎

Libreng konsulta, lab tests, at gamot ang muli nating naihatid sa ating mga ka-Distrito ngayong unang linggo ng Hulyo matapos ang matagumpay nating pagsasagawa ng Medical Mission D2 sa Kalayaan B Covered Court, Brgy. Batasan Hills.

Lubos na pasasalamat ang ipinararating natin sa ating mga ka-Distritong nakiisa sa masayang araw na ito, lalo kina Councilor Dave Valmocina na nagbahagi ng kaniyang programang Libreng Detox Service at Wellness Card Registration, at SK Chair Gabriel Peralta na naglaan ng Libreng photocopy service sa ating mga ka-Distrito.

Para naman sa mga ka-Distrito nating nais mapabilang sa ating medical mission, mangyari lamang na maging updated sa mga anunsyo sa aming Official page para sa schedule ng aming pagpunta sa inyong barangay.

Asahan po ninyo ang ating patuloy na Responsable at Tapat na paglilingkod tungo sa mas malusog na Distrito Dos!

Maraming Salamat po!

Want your organization to be the top-listed Government Service in Quezon City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address


02 Don Jose Street , Don Antonio Heights Subd. , Brgy. Holy Spirit
Quezon City
1127