Pulilan Fire Station BFP R3

Pulilan Fire Station BFP R3

Share

Photos from Bureau of Fire Protection Central Luzon's post 31/05/2026
29/05/2026

Mag-ingat sa mga AI-Generated na Larawan

Ang Bureau of Fire Protection (BFP) ay nanawagan na mag-ingat sa mga AI-generated images na maaaring kumakalat. Sa panahon ng emergency at sakuna, mabilis kumalat ang impormasyon online ngunit hindi lahat ng nakikita ninyong larawan ng mga rescue operations ay totoo.

Ang pagkalat ng mga AI-generated o pekeng larawan ay maaaring magdulot ng kalituhan, panic, at pagkalat ng maling impormasyon na nakasasagabal sa mga totoong emergency response.

Gibberish and Distorted Text: Madalas mali ang spelling, magulo ang mga nakasulat sa uniporme, helmet o karatula.

Anatomical Anomalies: Tignan ang mga kamay at mukha. Maghanap ng sobrang daliri, natutunaw na balat o hindi natural na ekspresyon.

Melding Objects/ Structural Errors: Pansinin ang mga bagay na nakalutang, mga kable na walang pinanggalingan o crane na hindi makatotohanan.

AI Sheen o “Masyadong Makinis”: Ang AI na larawan ay madalas na sobrang kinis, at perpekto ang ilaw.

Maging mapanuri. Siguraduhing nanggaling ito sa mga lehitimong news outlets at official pages ng ahensya ng gobyerno. Ireport ang mga AI-generated images na maaaring makapahamak sa operasyon.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Pulilan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


DRT Highway, Cutcot
Pulilan
3005