Ang Kidney
01/01/2021
Let's continue to have Faith, Hope, & Love for 2021!
Have a blessed New Year!
07/12/2020
4:30 na!!!
Ang KIDNEY na!!!
Alamin ang mga SANHI NG KIDNEY FAILURE upang maiwasan ang mga ito.
ANG SAKIT SA BATO AY TINATAWAG MINSAN NA “TAHIMIK” NA SAKIT
Maaaring walang maramdamang masama ang ilang tao o hindi nila mapansin ang kanilang mga sintomas hanggang hindi na nag-aalis ng waste ang kanilang mga bato.
Habang lumalala ang sakit at humihina ang bato, nakakaranas ang karamihan ng mga tao ng mga sintomas ng uremia:
> Pagkapagod at/o panghihina
> Pamamaga ng mga kamay at paa
> Pangangapos ng hininga
> Kawalan ng ganang kumain, masamang lasa sa bibig, pagsusuka, pagduruwal, at pagbaba ng timbang
> Hirap sa pagtulog, pangangati, pamumulikat, at pangingitim ng balat
Tiyaking sabihin sa iyong doktor o nurse kung nakakaranas ka ng alinman sa mga sintomas na ito.
Reference: Baxter Brochure
Good morning Kidneymates!
Let's always find something to be thankful for.
Every day is a new beginning! :)
PAANO MAKAKAIWAS SA SAKIT SA KIDNEY?
>>Ang sakit sa kidney tulad ng Chronic Kidney Disease (CKD) ay tahimik lamang (wala gaanong sintomas) ngunit nakamamatay kapag hindi nalunasan nang maaga.
>>Ito ay maaaring humantong sa tuluyang paghina ng mga kidney at pangangailangan ng dialysis o kidney transplant.
>>Kung ito’y maagang matutuklasan at magagamot, maaaring maiwasan o mapabagal ang paglubha ng ganitong uri ng sakit sa kidney.
>>Huwag na huwag ipagwalang-bahala ito. Narito ang ilang mga maaaring gawin upang maiwasan ang sakit sa kidney:
>>Huwag na huwag din kalimutan na i-LIKE at i-SHARE ang page ng ANG KIDNEY upang mas marami pa ang matuto. :D
Reference: Iligtas ang iyong mga Kidney https://kidneyeducation.com/
Thank you for following this page!
Sana po ay patuloy nating abangan ang mga kaalaman at impormasyon na aming ipopost para sa pangangalaga ng ating KIDNEY.
Keep sharing this page sa mga kamag-anak, kaibigan, katrabaho, kaklase, at kainuman para mainform din sila. :D
See you Kidneymates!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
0441 ENO-MAG Subdivision, Banga I, Plaridel Bulacan
Plaridel
3004