Anunggamot.com

Anunggamot.com

Share

25/03/2021

Ang makabuhay ay isang gumagapang na halaman na maaaring may taas na 4 hanggang 10 metro. Ang mga sanga ay kilala sa pagkakaroon ng umbok-umbok, at may dahon ito na hugis puso. May bulaklak din ito na kulay berde at ang mga bunga ay tumutubo nang kumpol-kumpol. Karaniwan naman itong nakikitang tumutubo sa iba’t ibang lugar sa buong kapuluan ng Pilipinas.

ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA MAKABUHAY?


Ang iba’t ibang bahagi ng halamang makabuhay ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

May taglay na colombine, kaunting alkaloid at glucoside ang halaman ng makabuhay.
Mayroon ding picroretine at bakas ng berberine sa halaman lalo na sa dahon.
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:

Dahon. Kadalasang inilalaga ang mga dahon upang mainom sa panggagamot.
Sanga. Ang sanga naman ay madalas na inilalaga din upang mainom o kaya ay dinidikdik upang makuha ang katas. Maaari din itong haluan ng langis ng niyog.
ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG MAKABUHAY?
1. Lagnat. Ang pag-inom pinaglagaan ng mga dahon at mga sanga ng makabuhay ay makatutulong na pababain ang mataas na lagnat.


2. Galis. Dinidikdik naman ang sariwang sanga ng makabuhay ay inilalagay ang katas sa mga sugat na dulot ng mga galis sa balat.

3. Malaria. Sintomas ng sakit na malaria ang pabalikbalik na mataas na lagnat. Ang kondisyong ito ay maaaring matulungan ng pag-inom sa pinaglagaan ng mga sanga at dahon ng makabuhay.

4. Sugat. Ang malalalang sugat na mahirap maghilom ay maaari namang matulungan ng paghuhugas gamit ang pinaglagaan ng mga sanga. Maaari din gamitin na pampahid ang langis na pinagbabaran ng mga dinikdik na sanga ng makabuhay.

5. Rayuma. Mabisa din ang langis ng niyog na pinagbabaran ng dinikdik na sanga ng makabuhay. Ipinapahid lamang ito sa mga apektadong bahagi ng katawan.

6. Ulcer sa sikmura. Ang pagsusugat naman ng mga gilid ng sikmura ay maaaring maibsan sa pamamagitan ng pag-inom sa tubig na pinagbabaran ng dinikdik na mga sanga ng makabuhay.

7. Kabag. Para naman sa pananakit ng sikmura dahil sa kabag, pinapahiran ng langis na pinagbabaran ng dinikdik na sanga ng makabuhay ang sikmura.

8. Alipunga. Maaari ding gamitin ang langis na pinagbabaran ng makabuhay para sa kondisyon ng alipunga sa paa.

24/01/2019

Positibong Epekto ng pagkain ng Saging na Saba

Ang saging na saba ay nagtataglay ng kakaonting calories at siksik sa bitamina at mineral gaya ng Vitamin A, B, C, thiamine, calcium, phosphorus, potassium, protein, at iba pa… Nagbibigay rin ito ng Enerhiya sa atin. Narito at alamin ninyo ang iba pang magagandang benepisyong naidudulot ng Saba sa ating katawan.

Dahil ang saging na saba ay nagtataglay ng kakaonting calories at siksik sa bitamina at mineral gaya ng Vitamin A, B, C, thiamine, calcium, phosphorus, potassium, protein, at iba pa. Narito at alamin ninyo ang iba pang magagandang benepisyong naidudulot nito sa ating katawan!🧐👇👇👇

http://anunggamot.com/positibong-epekto-ng-pagkain-ng-saging-na-saba/

Lemon Water para sa ating Immune System-5 Benefits-anunggamot.com 24/01/2019

Lemon Water para sa ating Immune System

Ang lemon water ay simpleng kombinasyon ng lemon at maligamgam na tubig. Kaya pala lemon water, lemon + tubig lang pala. Pero may option ka, kung gusto mong may konting tamis. Maaari mong patakan ng natural honey ang mixture. Ang pagdadagdag ng isang slice ng luya para medyo maanghang sa panlasa ay maaring gawin rin…

Read more info:
http://anunggamot.com/lemon-water-para-sa-ating-immune-system/
Anunggamot.com

Lemon Water para sa ating Immune System-5 Benefits-anunggamot.com Ang lemon water ay simpleng kombinasyon ng lemon at maligamgam na tubig. Kaya pala lemon water, lemon + tubig lang pala. Pero may option ka, kung gusto mong may konting tamis. Maaari mong patakan ng natural honey ang mixture. Ang pagdadagdag ng isang slice ng luya para medyo maanghang sa panlasa ay....

Want your practice to be the top-listed Clinic in Pinamalayan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Pinamalayan
5208