Nabuslot CS
🏆 NCS Troopers: Back-to-Back Champions sa District Meet 2025 🏆
Muling pinatunayan ng Nabuslot Central School (NCS) Troopers ang kanilang husay, galing at di-matitinag na determinasyon matapos silang tanghaling Back-to-Back Overall Champions sa ginanap na District Meet 2025 noong Oktubre 2, 2025 sa Miguel Ansaldo Sr. Memorial Elementary School.
Taglay ang puso ng isang tunay na manlalaro, buong gilas na ipinamalas ng mga atleta ng NCS ang kanilang kakayahan sa iba’t ibang sports events. Mula sa mabilisang takbuhan sa athletics, hanggang sa makapigil-hiningang laban sa volleyball, badminton at sepak takraw, sa bawat hampas ng mga arnisador, nakakabinging hiyawan sa basketball, madugong pag iisip sa chess, makabali buto sa gymnastics at matinding konsentrasyon sa table tennis, bawat manlalaro ay nagbigay ng kanilang buong lakas at dedikasyon upang makamit ang tagumpay.
Bunga ng kanilang pagsisikap at matinding pagsasanay, nakamit ng NCS Troopers ang maraming medalya, at muling pinatunayan ang kanilang galing sa larangan ng sports. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang tagumpay ng mga atleta, kundi ng buong paaralan, kabilang na ang mga g**o, tagapagsanay, magulang, at mga tagasuportana walang sawang nagbigay ng tulong at inspirasyon.
Sa pangunguna ng aming Punongg**o Madam Lani Vitto Mediana, patuloy na isinasabuhay ng NCS Troopers na ang pagsisikap, pagkakaisa, at kahusayan ang nagsisilbing inspirasyon sa buong pamayanan ng Nabuslot.
👏 Congratulations, NCS Troopers🎉 Ang inyong tagumpay ay patunay na sa bawat pagsasanay at pagsisikap ay magdadala sa inyong tagumpay. Muli ninyong itinaas ang bandera ng Nabuslot Central School nang may karangalan at dangal! Congratulations🎉
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Pinamalayan