Team Forward Bagumbayan
26/10/2023
Edgardo "Edgar" Dabal Gabiana!
5️⃣ Pang lima sa pitong Bagong Kagawad mula Team ForwardBagumbayan💙
Kabarangay natin mula sa Sitio Matilos na kakatawan sa mga laylayan at Sitio ng ating Barangay, bitbit ang kasipagan, pagtitiyaga at puso sa paggawa, nangangarap na maging bahagi at makapag ambag sa pag unlad ng Barangay Bagumbayan.
Kagawad Edgar Gabiana, ang manunungkulan na kagawad na hahawak sa komite ng imprastraktura at magiging katuwang sa mga proyekto at pagawaing pang barangay.
Sapagkat kay Kagawad Edgar Gabiana, ang pag unlad ng bawat lugar ay pag unlad ng ating Barangay. Walang dapat maiwan, walang dahilan upang hindi marinig ang mga kahilingan na para sa kapakinabangan ng taga Bagumbayan.
Ang paglilingkuran na may puso at paggawa, nagbubunga ng kapakinabangan sa kapwa.
Maglilingkod ng buong Sipag at Tiyaga, makakaasa sa serbisyo ng isang Tunay at Tapat na Public Servant.
Kaya't ating suportahan at bigyan ng pagtitiwala!
Ihalal.. Kagawad Edgar Gabiana!
handang iukol ang sarili sa maayos, matapat at mahusay na paglilingkod💙
Team ForwardBagumbayan - Maglilingkod ng Tapat at buong Husay para sa Barangay.
25/10/2023
Loven "Ven" Paz Ramos!
4️⃣ Pang apat sa pitong Bagong Kagawad mula Team ForwardBagumbayan💙
Ang kapakanan ng kabarangay ang una sakanyang plataporma. Isang aktibo at maaasahan na Rescuer na naglilingkod sa Bayan ng Pililla, tumutugon sa hamon ng pagseserbisyo na walang inaasahang kapalit.
Bukal ang puso at dedikasyon sa pagtulong at pagtugon sa bawat sakunang kinakaharap.
Kagawad Loven Ramos, ang kagawad na responsable at mangunguna sa pagpapalaganap ng tamang kaalaman sa Kahandaan at Kaligtasan ng mamamayan at magiging katuwang sa komite ng Pangkalusugan para sa ating Barangay.
Sapagkat kay Kagawad Loven Ramos, mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa pagtugon sa mga nangangailangan.
Karanasan at Kaalaman handang ibahagi sa Barangay Bagumbayan.
Naglilingkod na walang inaasahang kapalit, makakaasa sa serbisyo ng isang Tunay at Tapat na Public Servant.
Kaya't ating suportahan at bigyan ng pagtitiwala!
Ihalal.. Kagawad Loven Ramos!
handang iukol ang sarili sa maayos, matapat at mahusay na paglilingkod💙
Team ForwardBagumbayan - Maglilingkod ng Tapat at buong Husay para sa Barangay.
25/10/2023
Longeno "Noli" Candelaria Delos Santos!
3️⃣ Ikatlo sa pitong Bagong Kagawad mula Team ForwardBagumbayan💙
Kumakatawan sa mga Senior Citizen ng ating Barangay, hindi hadlang ang edad para sa pangarap na muling makapag ambag ng serbisyo sa mamamayan, ang matanda na may pinagkatandaan higit sa larangan ng panunungkulan.
Kagawad Noli Delos Santos, nanungkulan na bilang appointed Barangay Kagawad sa panahon ni Kapitana Lourdes Tibay, isang aktibo at mahusay na Lupon Tagapamayapa ng ating Barangay.
Kay Kagawad Noli Delos Santos, ang Kagawad na sasandalan at magiging katuwang ng sektor ng Pangingisda, Pagsasaka at Transportasyon, layunin na makabuo ng mas matatag at kapakipakinabang na programa at modernong kaalaman na makakatulong sa paghahanapbuhay ng ating mga kabarangay.
Sapagkat kay Kagawad Noli, prayoridad ang pagtulong sa pagpapaunlad ng Pang Agrikultura.
Magbabalik sa larangan ng paglilingkuran, makakaasa sa serbisyo ng isang Tunay at Tapat na Public Servant.
Kaya't ating suportahan at bigyan ng pagtitiwala!
Ihalal.. Kagawad Noli Delos Santos!
handang iukol ang sarili sa maayos, matapat at mahusay na paglilingkod💙
Team ForwardBagumbayan - Maglilingkod ng Tapat at buong Husay para sa Barangay.
24/10/2023
Carl Christian "Bato" Paz Ramos!
1️⃣ Una sa pito, isang Bagong Kagawad mula Team ForwardBagumbayan💙
Nakilala natin si Carl Christian Paz Ramos bilang si "Bato" sa ating Barangay. Isang mahusay at talentadong mang-aawit at kaibigan ng nakararami, bitbit ang sarili sa pagharap sa hamon ng pagtulong sa kapwa, at nanungkulan na bilang isang Sangguniang Kabataan Chairman sa ating Barangay.
Kagawad Bato Ramos, siya ang mangangasiwa ng komite ng Kultura at Turismo para sa ating Barangay. Magbubukas ng oportunidad sa sektor ng paghahanap buhay at mangunguna upang mas maipakilala pa ang ganda at abilidad ng ating Barangay!
Hindi na bago sa larangan ng pagbibigay serbisyo sa tao! Isang Tunay at Tapat na Public Servant
At sa muling pagharap niya sa atin, at paghiling na siya ay muling pagkatiwalaan..maasahan ang kakayahan noon pa man at ipagpapatuloy ang magandang nasimulan para sa Barangay Bagumbayan.
Kaya't ating suportahan at bigyan ng pagtitiwala!
Ihalal.. Kagawad Bato Ramos!
handang iukol ang sarili sa maayos, matapat at mahusay na paglilingkod💙
Team ForwardBagumbayan - Maglilingkod ng Tapat at buong Husay para sa Barangay.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Barangay Bagumbayan
Pililla
1910