DA - SAAD Bicol

DA - SAAD Bicol

Share

Photos from DA - SAAD Bicol's post 11/05/2026

Muling nakilahok ang Department of Agriculture – Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Program sa paglungsad ng Farmers Festival and KADIWA sa DA ngayong araw, Mayo 11, 2026 sa DA RFO 5.

Bida ang produkto ng SAAD Phase 1 at Phase 2 associations mula Sorsogon, kabilang dito ang San Isidro Vegetable Farmers Association mula Castilla, Bagong Barrio Vegetable Farmers Association mula Barcelona, San Roque Natural Farming Association mula Bulusan, Samahang Magsasaka ng Poropandan mula Matnog, at Green Thumb Catanagan Farmers Association mula Juban.

Ipinamalas ng mga nasabing asosasyon ang iba’t ibang dekalidad na produktong agrikultural value-added products tulad ng ginger tea, chili oil at powder, homemade vinegar, taro products, at kalabasa chips.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ng mas malawak na oportunidad sa merkado ang mga maliliit na magsasaka habang isinusulong ang mas abot-kayang produktong pagkain para sa publiko. Magiging daan din ito upang maipakilala ang mga produkto ng mga benepisyaryo ng SAAD at mapalakas ang kanilang kita sa pamamagitan ng direktang pagbebenta.

Samantala, ang Farmers Festival at KADIWA ay gaganapin hanggang Miyerkules, Mayo 13, 2026. Sa mga nais matunghayan ang selebrasyon at makapamili ng mga produktong SAAD, maaaring pumunta sa DA RFO 5 grounds, San Agustin, Pili, Camarines Sur. # # #

Want your organization to be the top-listed Government Service in Pili?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


Pili
4418