Santa Rosa de Lima Chapel

Santa Rosa de Lima Chapel

Share

Photos from Santa Rosa de Lima Chapel's post 22/08/2025

𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐓𝐑𝐎𝐍𝐀 𝐒𝐓𝐀. 𝐑𝐎𝐒𝐀 𝐃𝐄 𝐋𝐈𝐌𝐀

Agosto 23, 2025

𝙎𝙩𝙖. 𝙍𝙤𝙨𝙖 𝙙𝙚 𝙇𝙞𝙢𝙖, 𝙄𝙥𝙖𝙣𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣 𝙢𝙤 𝙠𝙖𝙢𝙞!

Photos 22/08/2025

Paanyaya

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kapistahan ng ating Patron, Santa Rosa de Lima, bukas Agosto 23.

8:00 AM – Misa
10:00 AM – Binyag | Our Lady of the Pillar Parish
5:00 PM – Prusisyon

Hinihikayat po ang lahat na makibahagi at makiisa sa mga banal na gawain.

Tagapag-alay:
Brgy. Sta. Rosa Council
Sangguniang Kabataan ng Brgy. Sta. Rosa
Sta. Rosa de Lima Chapel Council

22/08/2023

𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐊𝐀𝐘 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐑𝐎𝐒𝐀 𝐃𝐄 𝐋𝐈𝐌𝐀

O maluwalhating Sta. Rosa, masamyong bulaklak ng Panginoon, na sa pamamagitan ng iyong mga kabanalan sa gitna ng mga tinik at tawag nitong mundo, ay hinalina mo ang mga tao na pag sisihan nila ang kanilang mga kasalanan, mag pakababa at maging masunurin sa mga utos ng iyong mahal na esposo, at mag tiis ng lahat ng bagabag alang-alang sa pag-ibig ng Diyos at kaligtasan ng mga kaluluwa. Makapangyarihan at maawaing Patrona ng Pilipinas, takbuhan ka ng aming mga pangangailangan at lunas ka ng aming mga karamdaman, isinasamo namin sa pamamagitan ng iyong mga biyaya at matayog na kabanalang kaloob sa iyo ng mahal ng sanggol na si Hesus na kami ay iyong paginhawahin at aliwin sa karalitaan at paghihikahos ng aming kaluluwa at katawan.
Tanggapin mo kami sa ilalim ng iyong pag-aaruga, at kami ay tulungan sa pagtatamo ng kalinisan ng puso, pag sang-ayon sa kalooban ng Diyos pag titiis ng hirap at sakit, at pananatili sa kabanalan. Masikap naming tupdin ang mga utos ng Diyos at ng Inang Santa Iglesia, pagdedebosyon ng Santo Rosaryo at malimit na pagtanggap sa kamahal-mahalang sakramento ng Altar. Marapatin mo ding ipagkaloob ang mga hinihiling namin sa kamahal-mahalang puso ng iyong minamahal na esposo at kalinis-linisang puso ni Maria, alinsunod sa kalooban ng Diyos.
Siya Nawa.
Santa Rosa de Lima,
Ipanalangin mo kami!

22/08/2023

𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐓𝐑𝐎𝐍𝐀 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐑𝐎𝐒𝐀 𝐃𝐄 𝐋𝐈𝐌𝐀

Agosto 23, 2023

𝙎𝙖𝙣𝙩𝙖 𝙍𝙤𝙨𝙖 𝙙𝙚 𝙇𝙞𝙢𝙖, 𝙄𝙥𝙖𝙣𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣 𝙢𝙤 𝙠𝙖𝙢𝙞!

Photos from Santa Rosa de Lima Chapel's post 22/08/2023

Ang gayak para sa araw ng Kapistahan ng Mahal na Patrona Santa Rosa de Lima.

Agosto 23 | 8:00N.U. | Banal na Misa
10:00 N.U. | Binyag | Santa Rosa de Lima Chapel
5:00 N.H. | Prusisyon

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Pilar?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Sta. Rosa
Pilar
2101