Pasig CSWDO

Pasig CSWDO

Share

Photos from Pasig City Public Information Office's post 18/03/2026

𝟒𝐏𝐬 𝐂𝐚𝐫𝐚𝐯𝐚𝐧 𝐨𝐟 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞𝐬, 𝐍𝐚𝐠𝐡𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐚𝐭 𝐈𝐦𝐩𝐨𝐫𝐦𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐞𝐧𝐞𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐬𝐢𝐠

Isinagawa ang 4Ps Caravan of Services nitong March 17, 2026 sa Kapitolyo Amphitheater, kung saan humigit-kumulang 400 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang nakinabang sa iba’t ibang programang inihatid ng pamahalaan at mga katuwang na ahensya.

Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang aktibidad sa tulong ng City Social Welfare and Development Office (Pasig CSWDO). Layunin ng aktibidad na mailapit ang iba’t ibang programa at serbisyo ng pamahalaan at ng pribadong sektor sa mga pamilyang benepisyaryo ng 4Ps sa pamamagitan ng isang one-stop shop na pagtitipon, kung saan naging mas madali para sa mga benepisyaryo na makakuha ng kinakailangang impormasyon at suporta, at napalawak ang kaalaman ng mga pamilya tungkol sa mga oportunidad na nakatulong sa kanilang pag-unlad.

Sa aktibidad, ibinahagi ang mga programa at serbisyo mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa ilalim ng CSWDO, Local Economic Development and Investment Office, at Public Employment Service Office, gayundin mula sa mga katuwang na organisasyon tulad ng PhilHealth, Social Security System, Meralco, Manila Water, Foundever Philippines, Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala, Live for Others Movement Inc., at AMA University. Ibinahagi rin ng DSWD ang kanilang Sustainable Livelihood Program para sa mga dumalo.

Bukod sa mga presentasyon, naglatag din ng help desks ang bawat partner agency upang direktang matulungan ang mga benepisyaryo sa kanilang mga katanungan, aplikasyon, at iba pang serbisyong kanilang inaalok.

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng partner agencies at organizations na nakibahagi sa aktibidad, gayundin sa mga benepisyaryo na dumalo at aktibong nakilahok. Sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan, patuloy na napapalakas ang mga programang naglalayong magbigay ng suporta, kaalaman, at oportunidad upang makatulong sa pag-angat ng buhay ng mga pamilyang Pilipino.

Photos from Pasig City Public Information Office's post 02/03/2026

𝐏𝐀𝐍𝐀𝐖𝐀𝐆𝐀𝐍 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐒𝐈𝐆 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐖𝐄𝐋𝐅𝐀𝐑𝐄 𝐀𝐍𝐃 𝐃𝐄𝐕𝐄𝐋𝐎𝐏𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄

Kung mayroong nakakakilala sa batang nasa panawagan o anumang impormasyon patungkol sa kanya, hinihingi po namin ang inyong tulong.

Inaanyayahan po kayong makipag-ugnayan sa City Social Welfare and Development Office (Pasig CSWDO) upang mapag-usapan ang kapakanan ng bata.

Kung kayo po ay may anumang impormasyon na maaaring makatulong, mangyaring magtungo sa tanggapan ng CSWDO sa Bahay Aruga, Caruncho Ave., Brgy. San Nicolas, Pasig City, at hanapin ang nakatalagang social worker.

Maaari rin pong makipag-ugnayan sa CSWDO sa numerong 0920 562 9364 o magpadala ng mensahe sa [email protected].

Ang inyo pong kooperasyon ay mahalaga upang matiyak ang kapakanan ng bata.

Maraming salamat po sa inyong malasakit at pakikiisa.

Photos from Pasig City Public Information Office's post 15/12/2025

𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐖𝐀𝐆𝐀𝐍 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐒𝐈𝐆 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐖𝐄𝐋𝐅𝐀𝐑𝐄 𝐀𝐍𝐃 𝐃𝐄𝐕𝐄𝐋𝐎𝐏𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄

Kung mayroong nakakakilala sa mga indibidwal na nasa panawagan sa post na ito, inaanyayahan po kayong makipag-ugnayan sa City Social Welfare and Development Office (Pasig CSWDO) upang matulungan silang makabalik sa kanilang pamilya.

Maaari po kayong magtungo sa tanggapan ng CSWDO na matatagpuan sa Bahay Aruga, Caruncho Ave., Brgy. San Nicolas, Pasig City at hanapin ang nakatalagang social worker.

Kung kayo po ay may anumang impormasyon na maaaring makatulong, mangyari lamang na kontakin ang CSWDO sa numerong 09205629364 o magpadala ng email sa [email protected].

Maraming salamat po.

Photos from Pasig CSWDO's post 05/12/2025

DISTRIBUSYON NG LANDBANK ATM CARDS PARA SA ELIGIBLE SOLO PARENTS NA BENEPISYARYO NG CASH SUBSIDY

Magandang balita para ating mga Solo Parents!

Gaganapin ang pamamahagi ng Landbank ATM Cards sa Sabado, December 6, 2025, mula 8:00 AM hanggang 3:00 PM sa itinakdang schedule at venue ayon sa inyong barangay.

Paalala:
• Para sa opisyal na listahan ng mga Eligible Solo Parent na makakatanggap bukas, makipag-ugnayan sa inyong Barangay Solo Parent Help Desk Representative.
• Tanging mga solo parent na nasa opisyal na listahan ang maaaring kumuha ng ATM card.
• Dalhin ang Original Solo Parent ID at black ballpen.
• Iwasan muna ang pagdala ng mga bata sa venue upang maiwasan ang matinding pagdagsa ng tao.

Salamat po sa inyong pakikiisa! 💙🤝

Want your organization to be the top-listed Government Service in Pasig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Caruncho Avenue
Pasig
1600

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm