Dear Mare

Dear Mare

Share

Photos from Dear Mare's post 09/07/2026

WAX FIGURE NI KATHRYN BERNARDO, PINAGKAGULUHAN ONLINE

​Literal na napanganga ang buong internet matapos i-drop ang up close look sa pinaka-aabangang wax figure ng Asia's Phenomenal Superstar na si Kathryn Bernardo para sa Madame Tussauds Hong Kong.

Agad na nag-viral online ang mga detalye ng kanyang wax figure dahil sa sobrang pagka carbon copy ng replica sa naturang Box Office Queen.

​Mabilis namang pinusuan ng kanyang fans ang naturang pasilip dahil sa sobrang proud at jaw-dropping vibe nito.

​📸: News5/Facebook

08/07/2026

MYX CHARTS, WALA NA NGA BA? 🥲💔

​Gumuho ang mundo ng mga certified music lovers at 90s-2000s kids matapos mapansin ng netizens na tuluyan nang nawala ang MYX charts sa opisyal na website nito.

Bukod dito, hindi na rin makikita ang mga iconic music countdown programs sa pinakabagong MYX Global schedule, na agad namang nag-trigger ng mga espekulasyon na baka quietly tinuldukan na ang sikat na music countdown.

​Unang ipinakilala noong 2002, ang MYX chart ang tumatak bilang isa sa pinakamatagal at pinakaprestihiyosong music countdown programs sa buong Pilipinas na humubog sa OPM at international music fandoms.

Habang wala pang opisyal na pahayag ang management, labis na nalungkot ang mga solid viewers na lumaki sa nakasanayang pagboto at pag-abang ng mga paboritong music video araw-araw.

​📸: MYX Global

Photos from Dear Mare's post 07/07/2026

UNBOTHERED CHINITA PRINCESS 🥰😍

Agaw eksena sa social media ang binansagang Chinita Princess at actress-TV host na si Kim Chiu matapos niyang i-post ang kanyang pinakabagong mga larawan.

Sa kabila ng kaliwa't kanang kontrobersya, nananatiling unbothered ang aura ng aktres na agad namang umani ng libo-libong puso mula sa kanyang mga tagasubaybay.

​All-out din ang pagdepensa ng kanyang solid fans na walang p**i sa mga pambabash ng ilang netizens online.

Isang fan ang hayagang nag-iwan ng suporta sa comment section at sinabing, "So pretty kahit maraming bashers. Very humble kasi nga alam niya sa sarili niya na walang malisya. May mga tao lang talaga na makikitid ang mga utak at binibigyan kahulugan para lang i-bash si Kimmy."

​📸: sjlr creatives/Facebook

Photos from Dear Mare's post 05/07/2026

JELAI ANDRES, ANNULLED NA SA DATING ASAWA

Hot topic sa internet ang pinakabagong update mula sa vlogger na si Jelai Andres kung saan ibinahagi niya ang balitang opisyal na siyang annulled sa dating asawang si Jon Gutierrez.

​Sa kanyang vlog, emosyonal na ipinaalam ni Jelai sa kanyang malalapit na kaibigan na sa wakas ay naisara na niya ang pinakamahirap na chapter ng kanyang buhay na palagi niyang idinadalangin.

Umani ng dagsang mensahe ng pagmamahal at pagbati mula sa netizens at kapwa sikat na personalidad ang naturang update, na nagpahayag ng suporta para sa kanyang tuluyang pag-heal at pag-slay sa kanyang single era.

​📸: Jelai Andres/Facebook

Want your business to be the top-listed Media Company in Pasig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Pasig