PHS ASAP Club

PHS ASAP Club

Share

07/03/2024

𝐖𝐄𝐇𝐛𝐞𝐬 #𝟎𝟒

Sa pagsalubong sa Women's Month, kilalanin natin ang isa sa mga pilipina na sumuporta sa mga rebolusyonaryo.

Kilalanin si Melchora Aquino, na mas kilala bilang 'Tandang Sora,' isang matapang at mapagmahal na Pilipina na naging simbolo ng katapangan at pagmamahal sa bayan. Isa siyang haligi ng rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas, nagbigay siya ng tulong at suporta sa mga rebolusyonaryo, kahit na ang kanyang buhay ay nasa panganib.

Ang kanyang dedikasyon sa kalayaan ng Pilipinas ay nagbigay inspirasyon sa maraming Pilipino upang ipagpatuloy ang laban para sa kalayaan at karapatan. Sa kanyang pagiging huwaran at katangi-tanging kontribusyon sa kasaysayan ng Pilipinas, patuloy nating ginugunita si Melchora Aquino bilang isang tunay na bayani.

25/02/2024

Ang 𝗘𝗗𝗦𝗔 o "Epifaño Delos Santos Avenue" ay bahagi ng isa sa mga pamproyektong imprastruktura ng pangulo ng Pilipinas noong 1940s na si Manuel Roxas. Ito ay isa sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila na nag-uugnay sa ilang mga lungsod at bayan sa kalakhang Maynila. Bukod sa pagpapalakas ng transportasyon, ang EDSA ay naglilingkod rin bilang sentro ng mga makasaysayang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.

Noong ika-25 ng Pebrero, 1986 ay ang araw ng EDSA ay isang makasaysayang pagdiriwang. Ito ay upang ipahayag ang kanilang hinaing at hinanakit sa pamahala ng Pangulong si Ferdinand Marcos. Sa pamamagitan ng People Power Revolution, nagtagumpay ang mga Pilipino sa pagpapatalsik kay Marcos at pagtatag ng isang bagong pamahalaan na pinangunahan ni Corazon Aquino. Ang araw na ito ay patuloy na ginugunita bilang simbolo ng pagkakaisa at kapangyarihan ng mamamayang Pilipino.

✍️: Dave Russel Geda
🎨: Gabrielle Psalm Lopez

Photos from PHS ASAP Club's post 16/02/2024

BATCH 2- Wedding Booth
February 14, 2024

Note: The pictures may be low quality because of FaceBook, if you want to download higher quality copy, you may access the link below. Thank You!

Gdrive Link (w/ layout)
https://drive.google.com/drive/folders/1-aSTn5WWNd4XUVDAUK20npRSKVRmql7w

Gdrive Link (raw pictures)
https://drive.google.com/drive/folders/1-WsfWordqR8ELT2g_AMbWltMuekHjXn2

Photos from PHS ASAP Club's post 16/02/2024

BATCH 1 - Wedding Booth
February 14, 2024

Note: The pictures may be low quality because of FaceBook, if you want to download higher quality copy, you may access the link below. Thank You!

Gdrive Link (w/ layout)
https://drive.google.com/drive/folders/1-aSTn5WWNd4XUVDAUK20npRSKVRmql7w

Gdrive Link (raw pictures)
https://drive.google.com/drive/folders/1-WsfWordqR8ELT2g_AMbWltMuekHjXn2

15/02/2024

𝐖𝐄𝐇𝐛𝐞𝐬 #𝟎𝟐 🌎🇵🇭

Ang Corregidor Island, na matatagpuan sa baybayin ng Bataan, ay isang pangunahing makasaysayang pulo sa Pilipinas. Kilala bilang "The Rock" dahil sa kanyang matigas na anyong bato, ito rin ay naging saksi sa matinding labanan noong World War II sa pagitan ng Pilipinas at mga Hapon. Sa kasalukuyan, ito ay isang kilalang historical destination na patuloy na dinarayo hindi lamang ng mga Pilipino kundi maging ng mga tao mula sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Want your school to be the top-listed School/college in Pasig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Urbano Velasco Avenue, Pinagbuhatan, Philippines 1602
Pasig
1609