Ang MATA
10/12/2025
Childrens Month Celebration Matagumpay na naisagawa!
Maayos at matagumpay na naisagawa noong Disyembre 9, 2025 ang 33rd National Children’s Month (NCM) Division Culminating Program ng Department of Education–Pasay City Division, na ginanap sa Pasay City North High School–MDC AVR mula 8:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon. Dinaluhan ito ng mga mag-aaral, g**o, at opisyal ng kagawaran mula sa iba’t ibang paaralan sa Pasay, mula elementarya hanggang sekondarya, bilang pagdiriwang ng pinal na programa ng Children’s Month na may temang OSAEC-CSAEM WAKASAN: KALIGTASAN AT KARAPATAN NG BAWAT BATANG
MAG-AARAL, IPAGLABAN! na nagbibigay-halaga sa karapatan, kaligtasan, at kapakanan ng bawat bata.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas, na sinundan ng panalangin sa pamamagitan ng audio-visual presentation. Pagkatapos nito ay binigkas ang Panatang Makabata, na pinangunahan ni Marco S. Angeles, Division Federation SELG President. Ipinakilala rin ang mga mag-aaral mula sa Cluster 1 hanggang 10 na lumahok sa naturang gawain. Nagbigay din ng paalala hinggil sa DepEd Quality Policy sa pamamagitan ng isa pang audio-visual presentation.
Naghandog ng Opening Remarks si Dr. Renato B. Mesada, Pangulo ng PSDS Association, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng patuloy na paghubog sa mga kabataan. Kasunod nito, ipiniresenta ni Dr. Bernardita A. Perez, Education Program Supervisor at Division LRP Focal Person, ang Statement of Purpose upang higit na maunawaan ang layunin at saysay ng naturang selebrasyon.
Nagbigay-sigla sa programa ang intermission number ng Pasay City West High School Dance Troupe, na itinampok ang makukulay at tradisyunal na talento ng kabataang Pasayeño.
Kasunod nito ay ang interaktibong talakayan ukol sa Identifying Emotions, na tinalakay ni Ma’am Marry Alyssa Santiago, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng wastong pangangasiwa ng emosyon bilang isang kabataang lider. Sunod niyang tinalakay ang adbokasiya laban sa online exploitation sa pamamagitan ng presentasyon ni Ma’am Lorieneth Nerver-Naranjo, RSW, mula sa World Hope International Philippines, na naglatag ng mahahalagang impormasyon tungkol sa OSAEC at CSAEM.
Sinundan ito ng paksang Empowered to Engage: Building Digital Literacy Among Learners, na tinalakay ni Dr. Bernardita A. Perez, kung saan binigyang-diin niya ang responsableng paggamit ng teknolohiya at ang kahalagahan ng pagiging isang mahusay at mapanuring digital citizen at youth leaders.
Muling nagbigay-sigla ang Dance Troupe ng Pasay City West High School sa kanilang inihandang pagtatanghal bago itampok ang huling bahagi ng programa.
Bilang pagtatapos, nagpaabot ng Message of Gratitude si John Matthew H. Mendoza, Vice President ng Division Federation SSLG, at nagbigay naman ng Closing Remarks si Dr. Severo A. Bajado, Chief Education Program Supervisor, na muling nagpahiwatig ng patuloy na misyon ng DepEd Pasay na pangalagaan, gabayan, at patuloy na suportahan ang bawat kabataang Pasayeño.
Pinangunahan ang programa nina Anika Claire A. Maramba Division Federation SSLG Presidenf at Agatha Mae S. Mendoza Division Federation SSLG Treasurer bilang Masters of Ceremonies.
Sa kabuuan, matagumpay na naipakita ng pagdiriwang ang layunin ng kagawaran na lumikha ng ligtas, makatao, at makabuluhang kapaligiran para sa lahat ng batang Pasayeño.
📝 Agatha S. Mendoza
08/11/2025
Pagdiriwang ng United Nations 2025, isinagawa
Ipinagdiwang kahapon, Nobyembre 7, sa Audio Visual Room (AVR) ng Pasay City North High School ang taunang United Nations Celebration na may temang “Leaving no one behind: Acting together, for the advancement of peace, sustainable development, and human dignity for present and future generations.” Pinangunahan ito ng Kagawaran ng Araling Panlipunan sa pamumuno ni Gng. Lani Mendoza, kasama ang mga g**o ng kagawaran at mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng panalangin, sinundan ng Pambansang Awit ng Pilipinas at Himno ng Pasay sa pamamagitan ng isang Audio Visual Presentation. Bilang pormal na pagsisimula ng programa, nagbigay ng pambungad na mensahe si Gng. Analyn Durado, Department Head ng Values Education, na nagpaalala sa kahalagahan ng pagkakaisa at paggalang sa bawat isa. Kasunod nito, naghandog ng pampasiglang bilang ang Baile sa Norte bilang pamukaw sa mga manonood.
Iginawad din ang mga parangal sa mga nagwagi sa iba’t ibang patimpalak tulad ng Poster Making Contest, Name the Flag, at Spoken Poetry. Tampok rin ang pagtatanghal ng nagkamit ng unang pwesto sa Spoken Poetry na si Melrose S. Manantan na muling binigkas ang kanyang piyesa sa entablado. Nagbigay naman ng inspirasyonal na mensahe si Ma’am Leuvina Erni, Education Program Supervisor sa Araling Panlipunan, na nagpahayag ng kahalagahan ng respeto at pagkakaisa ng bawat mamayan.
Isa sa pinakainaabangang bahagi ng selebrasyon ay ang UN Costume Parade, kung saan ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa ika-siyam na baitang ang makukulay na kasuotan na kumakatawan sa iba’t ibang bansa sa mundo. Sa huli, inanunsyo ang mga nanalo sa nasabing patimpalak. Bilang pagtatapos, muling naghatid ng pagtatanghal ang Baile sa Norte at nagbigay ng pangwakas na mensahe si Gng. Imelda Jimenez, Department Head ng Mathematics, na nagpasalamat sa lahat ng lumahok at tumulong upang maging matagumpay ang programa.
Ang naturang selebrasyon ay nagsilbing paalala na sa kabila ng pagkakaiba-iba ng bawat isa, iisa ang layunin ng sangkatauhan ang pagkakaisa, kapayapaan, at pag-unlad para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon.
✍🏻: Agatha Mae Mendoza
📸: Brix David Tumbaga
06/10/2025
GAD Seminar at Pagdiriwang ng Araw ng mga G**o, Matagumpay na Isinagawa!
Ipinagdiwang ng mga g**o at kawani ng paaralan ang makabuluhang pagtitipon noong ika-3 ng Oktubre, 2025 na binuo ng paaralan bilang bahagi ng paggunita sa World Teachers’ Day at Gender and Development (GAD) Seminar.
Itinampok sa unang bahagi ng programa ang GAD Seminar kung saan ito ay sinimulan sa pamamagitan ng pag-awit ng Pambasang Awit, Himno ng Pasay, at panalangin. Pinangunahan ni Bb. Virginia J. Mondero, Assistant Principal II, ang pagbibigay ng bati, samantalang si Gng. Grace B. Torres, Principal II, ay nagpaabot ng kanyang mahalagang mensahe para sa mga g**o.
Kasunod nito ang pagpapakilala sa panauhing tagapagsalita na pinangunahan ni Gng. Analyn Dorado, GAD Focal Person. Tinanggap naman ng panauhing tagapagsalita, Gng. Lovein S. Pagatpat ang sertipiko ng pagkilala matapos magbahagi ng kaalaman hinggil sa kahalagahan ng self-care at health management para sa mga g**o at kawani.
Samantala, sa ikalawang bahagi ng programa ay ipinagdiwang ang Teachers’ Day. Nagbigay ng espesyal na mensahe si Gng. Evelyn R. Ramos, PSDS-Cluster 10, at Gng. Grace B. Torres para sa kaniyang pambungad na pananalita, kasunod ang pagkilala sa mga g**o na nagpakita ng natatanging serbisyo at dedikasyon sa larangan.
Nagpatuloy ang kasiyahan sa pamamagitan ng intermission, raffle, at mga palaro na inihanda ng Faculty and Employees Association (FEA) at SPTA.
Sa huli, ang programa ay binigyang-diin ang dedikasyon at sakripisyo ng mga g**o para sa kabataan.
✍🏻: Margeux Milicent Gorospe
30/09/2025
TINGNAN | School-Based Science and Technology Fair 2025, Idinaos
Matagumpay ang naging pampinid na palatuntunan sa ginanap na School-Based Science and Technology Fair 2025 na may temang, “Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na Kinabukasan”, na ginanap ngayong ika-30 ng Setyembre, 2025 sa Audio Visual Room ng Pasay CIty North High School.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pambungad na mensahe ni Gng. Virginia J. Mondero, kawaksing punongg**o. Nagpamalas rin ng husay sa pagkanta ang Parokya ni Robert na nagbigay ng aliw sa mga manunuod at Science Tricks ng piling mag-aaral ng Grade 11-HUMSS.
Nagpatuloy ang programa sa pamamagitan ng paggawad parangal para sa mga nakilahok at nagsipagwagi sa mga patimpalak.
Nagwakas ang palatuntunan sa pampinid na pananalita ni Gng. Annabelle F. Ferranco, puno ng kagawaran ng Agham at sa pangunguna ng tagapagdaloy ng programa na sina Bb. Karen Oaferina at Bb. Celine Pelaez.
✍🏻: Angel Lyn Cruz
📸: Angel Lyn Cruz, Miguel Huerto at Vivienne Artemis
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Pasay City
Pasay City