Tingi.Org

Tingi.Org

Share

Tingi Organization is a community of micro-retailers helping each other grow through shared knowledge, resources, and support. A collective of micro-retailers building stronger communities, one small store at a time.

03/12/2025

“MARKUP vs MARGIN: Bakit kahit malakas benta, parang wala pa ring naiipon?”

Maraming sari-sari store owners ang nalulugi hindi dahil mahina ang sales…
kundi dahil mali ang pag-presyo ng paninda.

Ang totoo:
MARKUP ≠ MARGIN.
At kapag napaghalo mo sila?
Mali ang presyo.
Mali ang tubo.
At oo—doon pumapasok ang pagkalugi.

Markup = patong sa puhunan
Margin = totoong tubo sa selling price

Kapag alam mo ’tong dalawa,
mas madali mong malaman kung aling items ang pampabilis ng cashflow,
at alin ang pangpataas ng kita.

Kung gusto mong maging mas matalino sa pagpresyo,
panoorin mo ’to hanggang dulo.

👇 Comment mo nga:
“AYUSIN KO NA PRESYO KO!”
Kung kailangan mo rin ng ganitong guide.

Follow Tingi.Org for more tindahan wisdom, sari-sari store diskarte, at pang-araw-araw na business learning.

28/11/2025

"Pag nagnegosyo ka… doon mo talaga makikilala kung sino ang tunay na kaibigan.”

Hindi ’to chismis, hindi rin drama—real talk ng bawat sari-sari store owner.
Sa una, maraming bibisita… pero habang tumatagal, doon mo makikita:
Sino ba talaga ang may respeto sa negosyo mo?
Sino ang nagbabayad on time?
Sino ang sumusuporta kahit maliit pa lang kita mo?
At sino rin ’yung biglang nawala.
Pero okay lang ’yun.
Kasi sa negosyo, hindi lahat dapat isama.
Ang mahalaga—nakakahanap ka ng mga tunay na suki at tunay na kaibigan na naniniwala sa’yo.
Kung ikaw ito, tandaan:
Hindi ka nag-iisa.
Andito kami para sa’yo—araw-araw na tindahan tips, diskarte, at motivation.

👇 Comment mo nga:
“PINALAKAS AKO NG NEGOSYO KO.”
Kung naka-relate ka dito.


Follow Tingi.Org for more real talk, hard truths, at sure-win sari-sari store strategies.

13/11/2025

Hindi laging “the more, the merrier” pagdating sa tindahan. 😅
Minsan, mas kaunting paninda, mas malinaw ang benta — tulad ni Kuya Romy na tatlo lang ang tinda pero laging ubos! 💰

Ang sikreto? Kilalanin kung ano lang talaga ang hinahanap ng suki mo.
Kasi kung lahat gusto mong i-stock, baka decision fatigue lang ang abutin ng customer mo. 🧠💤

💬 Ano sa tingin mo, mga suki — mas okay ba ang konti pero sure sell o marami pero magulo?

Want your business to be the top-listed Food & Beverage Service in Pasay City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address


171 P. Santos Street Malibay
Pasay City
1300

Opening Hours

Monday 6am - 9pm
Tuesday 6am - 9pm
Wednesday 6am - 9pm
Thursday 6am - 9pm
Friday 6am - 9pm
Saturday 6am - 9pm
Sunday 6am - 9pm