Sulong Pandi

Sulong Pandi

Share

Photos from Vice- Mayor Engr. Cris Castro's post 16/06/2026
16/06/2026

Magandang araw po sa ating lahat lalo na po sa ating minamahal na mga kababayan,

Nais ko pong gamitin ang pag pagkakataong ito, upang ipahayag ang aking paninindigan hinggil sa planong pag utang ng ating Bayan ng 500 Million piso.

Batid po nating lahat na mahalaga ang kaunlaran at mga proyektong makatutulong sa ating mamamayan kabilang ang naka planong proyekto ang ₱220 Million para sa Bagong Palengke,
₱160 Million para sa Bagong Munisipyo (Phase 3), ₱60 Million para sa Park at Parking ng Bagong Munisipyo, ₱60 Million para sa Rehabilitation ng Infirmary Hospital.

Subalit bilang halal na kinatawan ng mamamayan tungkulin ko pong tiyakin na ang bawat desisyon ay naaayon sa tunay na pangangailangan at kakayahan ng ating bayan. Hindi po ako tutol sa pag unlad, ngunit nais ko pong maging maingat tayo sa pag pasok sa napakalaking pagkaka utang na maaring mag dulot ng mabigat na pananagutan sa susunod ng mga taon.

Ang ₱500 milliong utang ay hindi maliit na halaga, ito ay obligasyong babayaran ng bayan at ng ating mga mamamayan sa pamamagitan ng gobyerno at buwis ng taong bayan, nararapat lamang po na magkaron ng masusing pag aaral at malinaw na konsultasyon, at buong transparency bago ito aprubahan.

Marami pong pangunahing pangagailangan ang ating Bayan - edukasyon, kabuhayan, mga sirang daan, kaligtasan ng mamamyan lumalalang droga at ipinagbabwal na bisyo, at higit sa lahat ang ospital na hiling ng ating mga kababayan, dapat po nating timbangin kung ito ang tamang panahon upang mangutang ng ganitong kalaking halaga.

Bilang konsehal, ako po ay naninindigan para sa responsible, maingat na pamamahala para sa pondo ng bayan, ang bawat piso ng bayan ay dapat gamitin ng tama, malinaw at may pananagutan.

Sa huli ang aking pag tutol ay hindi laban sa progreso, subalit ang aking pananaw ay hindi pa napapanahon na tayo ay mangutang sa mga nasabing proyekto, ang nais ko po ay para sa kapakanan at kinabukasan ng ating mga mamamayan.

Maraming salamat po, at Mabuhay ang Bayan ng Pandi.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Pandi?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Pandi, Bulacan
Pandi
3014