FOI Pakil

FOI Pakil

Share

02/07/2026

UNADitoAngSerbisyo

Isang taon ng panunungkulan ang lumipas—hindi man naging perpekto, ngunit sa bawat araw ay pinili nating maging mas matatag, mas tapat, at mas karapat-dapat sa tiwalang ipinagkaloob ng ating mga kababayan.

Sa loob ng isang taon, sama-sama nating isinulong ang mga programa at proyektong nakatuon sa tunay na pangangailangan ng ating bayan. Pinalawak natin ang suporta sa edukasyon upang mas maraming kabataan ang mabigyan ng oportunidad na maabot ang kanilang mga pangarap.

Pinalakas natin ang mga serbisyong pangkalusugan upang maging mas abot-kamay ang dekalidad na pangangalaga para sa bawat pamilya. Patuloy nating pinatatag ang kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng mas maayos na koordinasyon at aktibong pakikipagtulungan ng pamahalaan at komunidad. Isinulong din natin ang mga programang nagpapalakas sa turismo, agrikultura, kabuhayan, at lokal na ekonomiya upang makalikha ng mas maraming oportunidad para sa ating mga kababayan.

Kasabay nito, sinimulan at isinakatuparan din natin ang mahahalagang proyektong pang-imprastraktura—ang pagsasaayos ng mga kalsada, pagpapaganda ng mga pampublikong pasilidad, at pagpapatayo at rehabilitasyon ng mga drainage system upang maging mas ligtas, mas maayos, at mas handa ang ating bayan sa mga hamon ng panahon.

Hindi naging madali ang ating paglalakbay. Dumaan tayo sa iba’t ibang pagsubok at batikos, ngunit sa halip na panghinaan ng loob, ginawa natin itong inspirasyon upang lalo pang pagbutihin ang ating paglilingkod.

Naniniwala tayo na ang tunay na sukatan ng tagumpay ay hindi lamang ang garbo, ingay, o ang mga matatayog na gusali. Mahalaga ang mga imprastraktura dahil nagsisilbi itong pundasyon ng pag-unlad, ngunit higit na mahalaga ang epekto nito sa buhay ng tao—ang batang may mas magandang kinabukasan dahil sa edukasyon, ang pamilyang may maayos na serbisyong pangkalusugan, ang komunidad na ligtas at mapayapa, ang mamamayang may disenteng kabuhayan, at ang bawat ordinaryong Pakileñong unti-unting nararamdaman ang pagbuti ng kanilang pamumuhay.

Marami pa tayong kailangang gawin at mas marami pa tayong pangarap na nais maisakatuparan. Ngunit naniniwala akong ang tunay na pamana ng isang pamahalaan ay hindi lamang ang mga proyektong naitatayo, kundi ang mga buhay na nabibigyan ng pag-asa, oportunidad, at mas magandang kinabukasan.

Ito pa lamang ang unang taon ng ating paglalakbay. Patuloy tayong maglilingkod nang may integridad, malasakit, at pananagutan. Sa ating pagkakaisa, magpapatuloy ang tunay na pagbabago at sama-sama nating itatayo ang isang Pakil na mas maunlad, mas matatag, at mas maipagmamalaki ng bawat Pakileño.

Photos from Polytechnic University of the Philippines Pakil, Laguna Campus's post 30/06/2026

PUPCET RESULTS OUT NOW! Check mo na kung kasama ang name mo, Bestie!

19/06/2026

PABATID PUBLIKO 📢

Kasalukuyan pong may nagaganap na forest fire sa bahagi ng kabundukan na nasasakupan ng ating bayan.

Agad pong kumikilos ang Lokal na Pamahalaan ng Pakil upang tugunan at maapula ang nasabing sunog sa pangunguna ng Bureau of Fire Protection (BFP) Pakil, katuwang ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), mga kawani ng barangay, at iba pang kinauukulang ahensya.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling kalmado at umiwas sa apektadong lugar. Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at panalangin para sa kaligtasan ng lahat.

17/06/2026

ANUNSYO: Door-to-Door Local Social Pension Distribution Payout for Senior Citizens

Bilang inisyatibo ng ating Punong Bayan, Mayor Ronald James “Unad” Hidalgo, ang pamamahagi ng ating Local Social Pension ay gagawin na nating door-to-door. Layunin nito na hindi na mahirapan pa sa pagpila ang ating mga Lolo at Lola, at mas mapabilis pa ang paghahatid ng serbisyo diretso sa inyong mga tahanan.

Para sa mga karagdagang katanungan, maaari po kayong makipag-ugnayan sa Senior Citizen President ng inyong sariling barangay. Mangyari na lang din pong tingnan ang iskedyul ng distribusyon sa larawan sa ibaba.

MAHALAGANG PAALALA: Ihanda ang TATLONG (3) photocopy ng inyong National ID o Senior Citizen ID at tiyaking may TATLONG (3) pirma ang bawat page ng photocopy. Siguraduhin din pong nasa tahanan kayo sa nasabing mga petsa.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Pakil?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


001 Tavera Street, Brgy. Tavera
Pakil
4017

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm