Atty. Tony Roman

Atty. Tony Roman

Share

Photos from Atty. Tony Roman's post 24/06/2026

๐— ๐—”๐—ฆ ๐— ๐—”๐—ฅ๐—”๐— ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ข๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—จ๐—ก๐—œ๐——๐—”๐—— ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—ฆ๐— ๐—˜๐˜€ ๐Ÿ’™

Nakibahagi tayo sa DTI-SBCorp Regional Roadshow and Loan Application Fair, isang programang naglalayong ilapit sa ating mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) ang mga oportunidad para sa financing at paglago ng kanilang mga negosyo.

Sa ating mensahe, binigyang-diin natin ang mahalagang papel ng MSMEs sa paglikha ng trabaho, pagpapalakas ng lokal na ekonomiya, at pag-unlad ng ating mga komunidad.

Maraming salamat sa DTI at SBCorp sa pagsusulong ng mga programang nagbibigay ng mas maraming oportunidad para sa ating mga negosyante at job creators

Photos from Atty. Tony Roman's post 24/06/2026

๐— ๐—”๐—ฆ ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ง ๐—”๐—ก๐—š ๐——๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก, ๐— ๐—”๐—ฆ ๐—ฅ๐—”๐— ๐——๐—”๐—  ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—•๐—”๐—š๐—ข ๐Ÿ’™

Ayon sa EDCOM 2 - The Second Congressional Commission on Education, mas magiging epektibo ang edukasyon kung mas malapit sa paaralan, g**o, magulang, LGU, at komunidad ang mga desisyong nakakaapekto sa mga mag-aaral.

Ito ang layunin ng ating House Bill 8659 o ang Strengthened Shared Governance of Basic Education Act, na naglalayong ilapit ang decision-making sa mga paaralan, DepEd field offices, at local government units.

Sa halip na lahat ng pasya ay manggaling sa central office, mas bibigyan ng papel ang school heads, local school boards, LGUs, parents, at communities upang mas mabilis at mas angkop ang tugon sa tunay na pangangailangan ng learners.

Dahil kapag mas malapit ang desisyon sa paaralan, mas ramdam ang pagbabago sa bawat estudyante.

23/06/2026

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š

๐—ง๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ต๐—ฒ๐—ฑ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—ฐ๐—น๐—ผ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป

Kahapon, apat na pamilya ang naghatid ng kanilang mga anak sa paaralan na umaasang ordinaryong araw lang ito. Katulad ng ginagawa ng milyon-milyong magulang araw-araw, nagpaalam sila sa kanilang mga anak at inasahang makakauwi rin ang mga ito pagkatapos ng klase. Pero bago matapos ang araw, tuluyan nang nagbago ang kanilang mga buhay.

Nakikiisa tayo sa pagdadalamhati ng mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay. Walang magulang ang dapat maglibing sa anak na ang tanging ginawa lang ay pumasok sa paaralan para mag-aral, mangarap, at maghanda para sa kinabukasan. Nakikiramay tayo sa mga naulilang pamilya at ipinapanalangin natin ang agarang paggaling ng mga nasugatan.

Nagpapasalamat din tayo sa mga g**o at school personnel na nagpakita ng katapangan sa gitna ng panganib para maprotektahan ang kanilang mga estudyante. Sa mga oras na pinakamahirap, pinili nilang unahin ang kaligtasan ng mga batang ipinagkatiwala sa kanila.

Dapat ligtas ang paaralan. Dito dapat natututo, nangangarap, at naghahanda para sa kinabukasan ang ating mga kabataan. Hindi sila dapat natatakot para sa kanilang buhay. At hindi rin dapat natatakot ang mga magulang na baka may mangyaring masama habang nasa loob ng paaralan ang kanilang mga anak. Kaya ang nangyari sa Tacloban ay hindi lang isang karumal-dumal na krimen. Isa rin itong paglabag sa tiwalang ibinibigay ng bawat pamilya sa ating mga paaralan.

Habang nagluluksa tayo, kailangan din nating hanapin ang mga sagot.

Ayon sa mga ulat, pag-aari umano ng isang miyembro ng Philippine National Police ang baril na ginamit sa insidenteng ito. Kung mapatutunayang totoo ito, seryosong usapin ito ng wastong pag-iingat ng mga baril at pananagutan ng mga may hawak nito. May obligasyon ang bawat taong pinagkakatiwalaan ng armas na tiyaking hindi ito mapupunta sa kamay ng mga hindi dapat magkaroon nito, lalo na ng mga menor de edad.

Karapatan ng mga pamilya ng mga biktima na malaman ang buong katotohanan. Karapatan din ng publiko na makita kung sino ang dapat managot. Kaya nananawagan tayo ng masusing, patas, at transparent na imbestigasyon para malaman kung ano ang nangyari at kung may kapabayaang nagbigay-daan sa trahedyang ito.

Pero hindi sapat na may managot pagkatapos mangyari ang lahat.

Kailangan din nating tiyakin na hindi na ito mauulit. Dapat nating palakasin ang mga patakaran sa ligtas na pag-iingat ng mga baril at tiyaking mahigpit itong ipinatutupad. Dapat din nating paigtingin ang school safety measures at tiyaking handa ang ating mga paaralan sa anumang emergency. Kasabay nito, kailangan nating palawakin ang access sa mental health services, early intervention programs, at anti-bullying initiatives para matulungan ang mga kabataang nangangailangan ng gabay bago pa lumala ang kanilang pinagdaraanan.

Hindi na natin maibabalik ang mga batang nawala sa Tacloban. Pero higit pa sa pakikiramay at panalangin ang utang natin sa kanila. Utang natin sa kanila ang pagkilos. Utang natin sa kanilang mga pamilya ang mga sagot. At utang natin sa bawat batang Pilipino ang katiyakang ligtas silang makakapasok at makakauwi mula sa paaralan araw-araw.

Dahil ang bawat bata ay may karapatang matuto, mangarap, at lumaki nang ligtas, susuportahan ko ang mga hakbang at repormang makatutulong para maiwasan ang mga ganitong trahedya sa hinaharap.

Huwag nating hayaang mawalan ng saysay ang pagkamatay ng mga batang ito. Gawin nating dahilan ang trahedyang ito para mas paigtingin ang ating mga pagsisikap na bumuo ng isang bansang walang batang natatakot pumasok sa paaralan at walang magulang na nangangambang baka hindi na makauwi nang ligtas ang kanilang anak.

23/06/2026

๐—–๐—ถ๐˜๐—ถ๐˜‡๐—ฒ๐—ปโ€™๐˜€ ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜: ๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐—น ๐—ฏ๐—ฎ?

Attorney, legal po ba ang citizenโ€™s arrest?

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Orani?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address


Orani
2112