MSM Drive

MSM Drive

Share

27/06/2026

Umabot na tayo sa ganitong confusion kasi? Kasi hindi nae-explain nang maigi sa atin. Walang available general knowledge/information para dito, kahit na napakarami na ring nagre-release ng libro.

(btw, bumungad lang sa newsfeed ko yung post na ito kaya na-screenshot ko)

So, sige, for your information:
✓ Ang ISBN issuance po ay hindi ginagawa ng NBDB o National Book Development Board.
✓ Ang NLP o National Library of the Philippines ang nag-i-issue ng ISBN through application.
✓ Hindi ka papasa sa evaluation ng NLP kung hindi ka registered under NBDB.
✓ Sa NBDB mo kailangang mag-register either as enterprise or author para pumasa ka sa application ng ISBN.

Required po bang may ISBN ang libro?
✓ Hindi po. Ang na-establish sa atin ng NLP ay hindi po required na may ISBN ang libro para masabing opisyal na libro ito.
✓ Pero sa bookstores gaya ng NBS, kailangan po ng ISBN, kasi ito rin yung barcode na ginagamit sa bawat pag-purchase ng book mo.

Required po bang mag-register sa NBDB?
✓ Hindi rin po, pero ine-encourage na mag-apply tayo dahil:
✨ Ito lang ang way mo para makapag-apply ng ISBN kung indie author ka.
✨ Maraming perks na pwedeng nakuha kapag registered ka: (1) makakuha ng grant/budget for publishing your book, (2) mapili as grantee/delegate na pinadadala sa book fair as representative ng publishing industry ng Pinas, (3) magkaroon ng discounts sa mga seminar at workshop na affiliated sa NBDB, (4) magkaroon ng chance na ma-publish at ma-translate ang book into another language, at syempre (5) ma-showcase ka sa wider audience mo.

Bukod dyan, marami pang iba. Depende sa available benefits na pwedeng ma-offer ni NBDB.

So, yes, kung ako sayo, mag-register ka na sa NBDB.✨

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Obando?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address


Obando
3021