Navotas City Library

Navotas City Library

Share

The Navotas City Library under the Public Information Office is open for students of Navotas and other cities. We have different services to name a few

* E-Library
* Storytelling
* Film showing
* Bulilit corner and the latest technology Tech4ED

10/06/2026

📣PAALALA SA MGA NAVOTEÑO 📚

Simula June 16, 2026, ang Navotas City Library ay pansamantalang lilipat sa 2nd Floor, Phase 1B Multipurpose Building, Bangus St., Brgy. NBBS Kaunlaran upang patuloy na makapagbigay ng serbisyo sa ating komunidad.

Maaring bumisita ang mga mag-aaral, mga bata at iba pang Navoteño sa aming bagong pansamantalang lokasyon mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM, Lunes hanggang Biyernes.

Inaanyayahan namin ang lahat na bisitahin ang inyong aklatan at patuloy na magbasa, mag-aral, at matuto.

Photos from Navotas City Library's post 04/06/2026

Kahapon ay bumisita sa ating City Library si Dr. Meliton P. Zurbano, Schools Division Superintendent ng Schools Division Office–Navotas City, at ibinahagi ang kanyang mga isinulat na aklat ng mga tula.

Ang mga naturang aklat ay magiging bahagi ng koleksyon ng ating City Library at maaaring mabasa ng mga mag-aaral, kabataan, at iba pang bumibisita sa ating aklatan.

Isang taos-pusong pasasalamat kay Dr. Meliton P. Zurbano sa iyong mahalagang donasyon at sa pagbabahagi ng iyong kaalaman, karanasan, at inspirasyon sa pamamagitan ng iyong mga akda para sa kapakinabangan ng ating komunidad.

Photos from Navotas City Library's post 20/05/2026

Day 2 : Mobile Library Storytelling sa Bawat Barangay sa Lungsod

Brgy. NBBS Dagat-Dagatan | Brgy. NBBS Kaunlaran | Brgy. San Rafael Village

Kasama sa ibinahaging kuwento ng ating NPC Volunteer Students ang storybook na ipinagkaloob ng Valenzuela City Library na pinamagatang “Taling Hindi Maitali,” gayundin ang “Tiktaktok at Pikpakbum,” na patok na patok sa mga batang Navoteño.

Kasabay nito, namahagi rin tayo ng mga storybooks sa mga bata upang higit pang mahikayat at maibalik ang kanilang interes sa pagbabasa.

Magtatagal ang programa hanggang Biyernes, May 22, 2026!

Photos from Navotas City Library's post 18/05/2026

📚STORYTELLING SA BARANGAY!

Nagsimula na ang Mobile Library Barangay Storytelling ng Navotas City Library sa iba’t ibang barangay sa lungsod!

Kasama ang ating Joyful Reading Treasures Truck, binisita natin sa unang araw ang Brgy. NBBS Proper, Brgy. NBBN at Brgy. Bangkulasi upang maghatid ng saya, kaalaman, at pagmamahal sa pagbabasa para sa mga bata.

Kabilang sa mga aktibidad ang:

📖 Storytelling kasama ang mga Navotas Polytechnic College (NPC) Volunteer Students
🎁 Pamimigay ng storybooks at freebies
📺 Panonood ng AVOT TV tungkol sa tamang pagtatapon ng basura at malikhaing pagre-recycle
🍪 Snacks para sa mga bata

Maraming salamat din sa suporta at pakikiisa ng ating mga Kapitan at barangay officials.

Layunin ng programang ito na ibalik ang hilig ng mga bata sa mga libro at pagbabasa sa pamamagitan ng paghahandog ng storytelling activity at pamimigay ng mga aklat.

Magpapatuloy ang aktibidad hanggang Biyernes, May 22, 2026!

Want your organization to be the top-listed Government Service in Navotas?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


M. Naval Street , Barangay Sipac-Almacen, Navotas City
Navotas
1485

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm