MacArthur Elementary School

MacArthur Elementary School

Share

29/01/2026

MAHALAGANG PAUNAWA: MAAGANG PAGPAPATALA (EARLY REGISTRATION) PARA SA DARATING NA SCHOOL YEAR 2026-2027! 🏫🍎

Inaanyayahan ang lahat na samantalahin ang Early Registration Period para sa susunod na akademikong taon. Ang pagpapatala ay mahalaga upang matiyak ang kalidad ng edukasyon at maayos na mapaghahandaan ang pagbubukas ng klase.

Ang programa ay bukas para sa mga sumusunod na mag-aaral:

Mga papasok sa Kindergarten at Grade 1

🗓️ Opisyal na Iskedyul ng Pagpapatala:

Petsa: Mula Enero 31 hanggang Pebrero 27, 2026

Oras: Sa pagitan ng 8:00 AM hanggang 5:00 PM

📝 Mga Pangunahing Kinakailangan (Requirements):

Photocopy ng PSA Birth Certificate

Kumpletong Early Registration Form

Patunay ng nakaraang grado (kung naaangkop)

💡 Tandaan ang mga Mahahalagang Impormasyon:

Kindergarten Cut-off Age: Ang bata ay dapat limang (5) taong gulang na sa o bago mag-Oktubre 31, 2026.

Ang mga ipinanganak mula Nobyembre 1 hanggang Disyembre 31, 2026 ay maaari pa ring mag-enrol kung nakasunod sa ECCD requirements.

Makiisa sa DepEd sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon! Magpatala na!

Photos from MacArthur Elementary School's post 01/12/2025

Learning made easier!
Distribution of Simplified Activity Sheets to help our learners stay on track anytime, anywhere.
📝✍️

Photos from MacArthur Elementary School's post 30/11/2025

Yesterday, we witnessed the Oathtaking Ceremony of our GPTA and HRPTA Officers for School Year 2025–2026. ✨
With renewed commitment and shared purpose, our parent leaders pledged to support the school, strengthen partnerships, and work hand in hand for the welfare of every learner.
During the program, our parents also received a Certificate of Appreciation for their unwavering support in all school projects and programs.
This event highlighted the strong relationship between parents and teachers working together for the betterment of our pupils and the entire school community.
Here’s to a productive, united, and inspiring year ahead! 🤝📚💚

30/11/2025

MacArthur Elementary School celebrated the Search for Ginoo & Mutya ng Kalikasan 2025 and the Oathtaking of our GPTA & HRPTA Officers — a memorable event showcasing beauty, leadership, and unity. 🌿🍃✨

Photos from MacArthur Elementary School's post 18/11/2025

“Busog ang tiyan, busog ang isipan!
Tuloy-tuloy ang School-Based Feeding Program para sa mas malusog, mas ganado, at mas handang mag-aral na mga bata.”

-basedfeedingprogram2025

Photos from MacArthur Elementary School's post 04/10/2025

“MacArthur ES: Pangalawang ani, pipino pa rin ang bida! 🥒💪

Ka mga daragko San bunga.

Photos from MacArthur Elementary School's post 30/09/2025

“Pagkatapos ng bagyo, sumibol ang panibagong pag-ani.”
Dinaanan MN Ng bagyo patuloy na lumaban ang mga pananim Ng Macarthur ES.
Sa gitna ng unos, bukirin ay lugmok,
Dahon ay punit, tangkay ay halos durog.
Luhang bumabalong sa pusong nangungulila,
Sa ani’y nawalay, sa pag-asa’y nawasak tila.

Ngunit sa lupaing basa ng ulan,
May binhing muling sisibol sa dilim ng daan.
Kahit yumuko ang halamang luntian,
Babangon din sila sa sinag ng araw.

Ang ugat na mahigpit sa lupa’y nakatanim,
Saksi sa tibay, sa lakas ng hangin.
Sa bawat patak ng ulan na lumisan,
May bagong siglang sa bukid magbabalik-daan.

O pananim, huwag kang sumuko,
Pag-ibig ng magsasaka’y laging naroroon.
Sa bagyong dumaan, may bagong pag-asa,
Bubunga kang muli, sagana’t masagana.

Photos from DOST-PAGASA's post 24/09/2025

📢 📢📢

Paunawa sa mga magulang at mag-aaral ng MACARTHUR ELEMENTARY SCHOOL!

Dahil sa banta ng Severe Tropical Storm at sa inilabas na Tropical Cyclone Bulletin No. 5 ng DOST-PAGASA kung saan ang Masbate ay nasa ilalim ng TCWS No. 1, ipinaaabot ng pamunuan ng paaralan na suspendido ang lahat ng face-to-face classes sa Setyembre 25-26, 2025.

Bilang alternatibo, isasagawa ang modular learning modality upang magpatuloy ang pag-aaral ng mga bata sa kani-kanilang tahanan.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling ligtas, mag-ingat, at patuloy na mag-monitor ng opisyal na abiso mula sa DOST-PAGASA at lokal na pamahalaan.

https://www.facebook.com/share/p/15W6iNpvnb/

24/09/2025

Para sa mag-aaral at magulang Ng Macarthur Elementary School.
Dahil sa Bagyong Opong, suspendido ang klase sa Macarthur Elementary School upang masig**o ang kaligtasan ng mga bata, g**o, at magulang.

👉 Paalala:

Manatili sa ligtas na lugar at huwag nang lumabas kung hindi kinakailangan.

I-charge ang mga cellphone at flashlight para sa komunikasyon.

Makinig sa mga opisyal na anunsyo mula sa LGU at DepEd.

Iwasan ang pagpunta sa mga ilog, dagat, at mabababang lugar na maaaring bahain.

💡 Ang kaligtasan ng lahat ang ating pangunahing prayoridad. Mag-ingat po tayong lahat. 🙏

Photos from MacArthur Elementary School's post 20/09/2025

“From classrooms to coastlines—Macarthur Es protects our seas!”Nakiisa ang Macarthur Elementary School sa ginanap na International Coastal Clean-up Kasama Ng mga masisipag na Brgy.Officials Ng Macarthur.
Kalikasan protektahan Hindi lang kalsada ang dapat linisan pati na rin ang ating karagatan!

Want your school to be the top-listed School/college in Monreal?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Mac Arthur
Monreal
5418