Ang Daluyan

Ang Daluyan

Share

Photos from Ang Daluyan's post 18/06/2026

𝐊𝐚𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐒𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚, 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐌𝐖𝐂𝐈𝐒 𝐚𝐭 𝐋𝐃𝐑𝐑𝐌𝐎 𝐬𝐚 𝐍𝐒𝐄𝐃
𝘔𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘳𝘢𝘭 𝘢𝘵 𝘨𝘶𝘳𝘰 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘪𝘴𝘢 𝘴𝘢 𝘦𝘢𝘳𝘵𝘩𝘲𝘶𝘢𝘬𝘦 𝘥𝘳𝘪𝘭𝘭 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘩𝘢𝘩𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘪𝘯𝘥𝘰𝘭 𝘢𝘵 𝘪𝘣𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘦𝘮𝘦𝘳𝘩𝘦𝘯𝘴𝘪𝘺𝘢.

Balita nina: Athea Borondia at Jasmin Sofocado

Matagumpay na isinagawa ng Meycauayan West Central Integrated School (MWCIS), katuwang ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) Meycauayan Rescue, ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong Hunyo 18, 2026, ganap na alas-9 ng umaga, bilang bahagi ng pagpapalakas ng kahandaan ng komunidad ng paaralan sa panahon ng sakuna.

Pinangunahan nina G. Jerick Q. De Guzman at Dr. Edgar Allan R. Calora ang naturang aktibidad, katuwang ang mga g**o at kawani ng paaralan upang matiyak ang maayos, maayos, at ligtas na pagsasagawa ng drill.

Sa unang warning signal, nanatili sa loob ng mga silid-aralan ang mga mag-aaral at g**o upang isagawa ang wastong “Duck, Cover, and Hold” procedure. Pagsapit ng ikalawang signal, maayos na lumikas ang mga mag-aaral mula sa Elementarya hanggang sa AM shift ng Junior High School, kabilang ang mga nasa Grade 8 at Grade 10, sa gabay ng kanilang mga g**o.

Matapos ang paglikas, nagtungo ang mga mag-aaral at g**o sa field ng paaralan na nagsilbing evacuation area ng MWCIS. Dito isinagawa ang mga susunod na bahagi ng drill dahil mas ligtas ang lugar at malayo sa mga gusali, puno, at iba pang estrukturang maaaring pagmulan ng debris sakaling magkaroon ng lindol.

Sinubaybayan at sinuri ang aktibidad ng mga kinatawan ng LDRRMO Meycauayan Rescue sa pangunguna ni Team Leader Rod Carlo Temblique. Nakiisa rin sa aktibidad ang mga Mother Leaders ng St. Francis Gasak, mga kawani ng City Hall, at ilang miyembro ng Sangguniang Kabataan.

Sa kasagsagan ng drill, dalawang mag-aaral mula Grade 8 ang nakaranas ng pagkahilo dahil sa matinding init ng panahon. Agad silang nabigyan ng paunang lunas at kinakailangang atensiyong medikal ng mga g**o at miyembro ng rescue team.

Matapos ang aktibidad, nagsagawa ng ebalwasyon ang LDRRMO at mga g**o upang talakayin ang mga dapat pang pagbutihin sa pagpapatupad ng mga emergency procedure. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng palagiang pagdadala ng pito at Student ID upang mapadali ang pagkilala at pagtukoy sa mga mag-aaral sakaling magkaroon ng emerhensiya.

Sa kabuuan, naging maayos at organisado ang pagsasagawa ng NSED sa MWCIS. Sa tulong ng mga g**o, kawani ng paaralan, at mga katuwang na ahensiya, natiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa buong proseso ng drill. Layunin ng naturang aktibidad na higit pang palakasin ang kahandaan, disiplina, at kamalayan ng komunidad ng paaralan sa tamang pagtugon sa mga sakuna at emerhensiya.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Meycauayan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


St. Francis, Gasak
Meycauayan
3020