LIBERTAD LAW
Its motto : “Legal work that matters” is a testament to the Firm’s ideals and commitment to provide legal services that matters to its clients by understanding what they truly need and addressing them in the most pragmatic and legal way possible.
02/02/2026
To all our applicants,
(For Admin Assistant Post)
We’ve received almost 100 applications, and our team is currently reviewing them one by one.
Please bear with us. We will contact you for the next steps in the coming days.
Thank you! 🙏🏼
26/03/2025
Pinagtibay ng ang graft conviction ni dating Pagsanjan, Laguna Mayor Jeorge “ER” Ejercito Estregan (Ejercito) dahil sa ilegal na paggawad ng kontrata sa isang hindi lisensyadong insurance company na hindi dumaan sa public bidding.
Sa Desisyong isinulat ni Associate Justice Ricardo R. Rosario, hinatulang guilty ng First Division ng Korte Suprema sina Ejercito at Marilyn M. Bruel (Bruel), may-ari ng First Rapids Care Ventures (FRCV), sa paglabag sa Republic Act No. (RA) 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Pinatawan sila ng hanggang walong taong pagkakabilanggo at permanenteng pagbabawal na humawak ng public office.
Inireklamo ng United Boatmen Association of Pagsanjan sina Ejercito, Vice Mayor Crisostomo B. Villar, mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Pagsanjan (SB), at Bruel dahil sa Memorandum of Agreement (MOA) ng local government at FRCV na nagbibigay ng accident insurance para sa mga turista at bangkero sa Pagsanjan Gorge Tourist Zone. Hindi umano ito dumaan sa public bidding at walang lisensya ang FRCV mula sa Insurance Commission.
Pinawalang-sala ng Sandiganbayan ang vice mayor ngunit na-convict naman sina Ejercito, Bruel at mga miyembro ng SB.
Sa Korte Suprema, iginiit ni Ejercito na hindi na kailangan dumaan sa bidding dahil ang FRCV lang diumano ang kwalipikadong service provider. Depensa naman ni Bruel, ang MOA ay para sa special services, at hindi isang kontrata ng insurance.
Pero ayon sa Korte Suprema, ang kontrata ay para sa insurance at napapasailalim sa klasipikasyong “goods” na nangangailangan ng public bidding sa ilalim ng the Government Procurement Reform Act.
Imbes na magpa-bidding, nagbigay ng direktang award si Ejercito sa FRCV sa pamamagitan ng “negotiated procurement” nang walang batayan. Pinapayagan ng paraang ito ang isang sangay ng gobyerno na direktang makipagkasundo sa isang kwalipikadong kontraktor nang hindi dumadaan sa competitive bidding pero sa mga pagkakataon lang na pinahihintulutan ng batas.
Nakita ng Korte Suprema na tahasang binigyan ni Ejercito ang FRCV ng hindi makatwirang pabor sa hindi nito pagsunod sa proseso ng batas at hindi pagpansin sa mga babala, na maituturing na paglabag sa RA 3019.
Walang Certificate of Authority ang FRCV mula sa Insurance Commission at nairehistro lang sa Department of Trade and Industry at Bureau of Internal Revenue limang araw bago ito mag-alok ng serbisyo kay Ejercito. Wala rin itong naunang karanasan. Computer business ang nakalistang negosyo nito sa BIR.
Hinatulang guilty si Bruel dahil sa pagsisinungaling tungkol sa kwalipikasyon ng FRCV at pakikipagsabwatan kay Ejercito para makakuha ng kontrata.
Pinawalang-sala naman ng Korte Suprema ang mga miyembro ng SB dahil walang ebidensya na sila ay nagbigay ng pabor sa FRCV. Bagama’t mali, pinahintulutan lang ng kanilang ordinansa na magsagawa si Ejercito ng negotiated procurement.
Basahin ang buong teksto ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-upholds-graft-conviction-of-former-pagsanjan-mayor-er-ejercito/.
Basahin ang buong teksto ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/248699-people-of-the-philippines-vs-jeorge-ejercito-estregan-arlyn-lazaro-torres-terryl-gamit-talabong-kalahi-u-rabago-erwin-p-sacluti-gener-c-dimaranan-and-marilyn-m-bruel/.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the practice
Telephone
Website
Address
Meycauayan
3020
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
| Saturday | 8am - 5pm |